GMS4

1.8K 53 5
                                    

FELICITY


Panigbagong destinasyon na naman ang aming pinuntahan at tila balak niya talaga akong gawin na private alalay.

Habang nasa loob siya ng hotel ay nanatili akong nakabantay sa labas. Hindi ko alam kung anong pakay niya rito.

Ramdam ko ang biglang pagkirot ng balikat ko at kasabay nito ay may dumadaloy na dugo sa braso ko.

Hindi ko kaagad napansin na nasugatan ako roon sa espada ng ninja na nakasagupa ko. Pero kailangan ko munang tiisin 'to dahil baka tanggaling niya ako sa trabaho kapag nalaman niyang may sugat ako.

Bago pa man siya bumalik ay agad kong nilinis sa loob ng kotse 'yong sugat ko at saka ko pansamantalang nilagyan ng bandage.

"Let's go." saad nito pagkabalik.

"Saan po tayo pupunta master?" I asked at baka may iba pa siyang pupuntahan o lakad ngayon.

"Bumalik na tayo sa bahay." he replied.

"Masusunod master." tugon ko at  kaagad na pinaandar 'yong kotse.

Ang tahimik niya at mukhang malalim ang iniisip niya. Babalik na kami sa bahay kaya sana naman makita ko na ang anak ko roon.

"Anong balita tungkol sa babaeng sniper?" dinig kong tanong niya doon sa leader ng mga butler na si Zayne pagkarating namin sa bahay.

"Master, I'm sorry but until now ay wala pa rin silang trace sa babaeng 'yon." tugon ni Zayne.

Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil nagkataong nakatayo ako malapit sa kanila. Mukhang ako yata ang tinutukoy ni Calib. Pinapahanap niya pala ako sa mga tauhan niya.

"Paano ang anak niya? Ano ang balak mong gawin sa bata?" rinig kong sabi ni Zayne. Mukhang si Bliss na ang tinutukoy niya.

"Iharap mo siya ulit sa akin" utos naman ni Calib at napatingin sa akin kaya kaagad akong napayuko para makaiwas ng tingin.

Pagkaalis ni Zayne ay pansin kong naglalakad siya papalapit sa kinatatayuan ko.

"Felix? Right?" patanong nitong sabi at ipinatong ang kaliwang kamay nito na sakto sa sugat ko.

Tumango lang ako at bahagyang napakagat labi nang dahil sa kirot ng sugat ko.

"You're weak, pero pwede na."

He snapped his fingers dahilan upang lumapit agad sa kanya ang dalawang butlers.

"You know what to do."

Biglang akong kinabahan nang hinawakan nila ang parehong braso ko.

Anong gagawin nila sa akin? Alam na ba ni Calib? Nahuli na ba ako?

"Sumunod ka sa amin."

"Wait! Saan niyo ako dadalhin?"

Palabas na kami nang makasalubong ko namin si Zayne at— hawak niya ang anak ko.

Agad akong napahinto sa paglalakad ngunit dire-deretso ang lakad nila kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para magpakita kay Bliss.

Hindi ito ang tamang oras. Dapat humanap ako ng magandang pagkakataon para kunin si Bliss nang hindi masasaktan.

Pero anong gagawin ni Calib sa anak ko? Sana naman wala siyang gawin na masama kay Bliss.


LAURES CALIB


That martial arts... hindi ko kailan man nakita ang galaw na 'yon sa pentagon o sa kahit sa mga butler ko. Nakakasiguro ako na hindi siya baguhan dahil halata naman na isa siyang professional.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon