GMS31

1.3K 55 35
                                    

FELICITY

"Lara will be staying here."

Napako ang tingin ko doon sa nagsalita. Ang Ina ni Calib...

"Mom? What are you doing here?" Ani Calib.

"Lara will be staying here because she's your fiancee Calib. Matutuloy na ang kasal niyo. Aren't you happy? Hindi ba't 'yon ang kahilingan mo sa akin noon?" Mataray na saad nito.

Sa unang pagkikita pa lang namin ng Ina ni Calib ay alam ko namang ayaw niya sa akin. Pero ayoko naman sukuan si Calib dahil lang dito. Hindi naman kami mga bata para kontrolin nila na parang robot.

"Ikaw na rin ang nagsabi, that was before mom." Tugon ni Calib at marahang hinawakan ang kamay ko habang hawak ko din si Bliss.

"At sino ang pakakasalan mo? Itong babaeng 'to?" Sabay duro sa akin. "She's a mess. And she have a child." Napatingin siya kay Bliss at bakas kong medyo nagulat rin siya nang mapatingin kay Bliss.

"Excuse me lang po. Ayaw ko sanang sumagot pa pero hindi ko na matimpi. Wag niyo naman sanang insultuhin ang pagkatao ko dahil lang sa may anak ako." Mariin kong sabi habang nakikipag titigan sa mga mata ng Ina ni Calib.

"I don't care about you. Look at you? Ugaling hampas lupas! Tsk!" Iling nito. "Maaari ka nang umalis sa pamamahay na ito. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Si Calib at si Lara ay ikakasal na." She added.

"I'm sorry but I can't leave your son." Iling ko din.

"At sino ka naman sa palagay mo para sagutin ako ng ganyan?"

"Ako ang fiancee ni Calib at hindi si Lara kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko. Maaaring ina ka niya ngunit hindi ko ipagsiksikan ang sarili ko sa inyo kung ayaw niyo man sa akin." Matapang kong sagot.

"Hmm... matapang ka." Tinaasan niya ako ng isang kilay habang nakapamewang.

"Stop it mom. I'm not a kid anymore. I can decide on my own." Sabad ni Calib.

"No! Lara will be staying and this stupid girl will be out from this house." Giit niya tsaka ako hinawakan sa kamay at pilit na kinaladkad. Hinawakan din naman ni Calib ang kabilang kamay ko.

"Bitawan mo siya mom." Seryoso sabi ni Calib.

"And why would I do that?" Pagmamatigas ng nanay niya na pilit pa rin akong kinakaladkad.

"Don't hurt my mom!" Dinig kong hiyaw ni Bliss at namilog ang mga mata ko nang makita kong tinulak niya 'yong ina ni Calib na siyang dahilan upang matumba ito sa sahig.

"How dare you!" Bahagyang naningkit ang mga mata nito.

Agad ko namang inilayo si Bliss at baka kung ano pa ang gawin nito sa anak ko.

"Bastos kang bata. Sa tingin ko ay kailangan kitang turuan kung paano gumalang sa ibang tao." Akmang hahawakan nito si Bliss ay pinigilan na siya ni Calib.

Inakap ko si Bliss ng mahigpit habang nasa likod kami ni Calib. Kung hindi lang siya nanay ni Calib ay baka kanina pa siya nalagutan ng hininga sa akin.

"Don't you dare to hurt my son mom." Mariing sabi ni Calib na siyang ikinagulat nito at muling tinitigan si Bliss.

Napatingin ako kay Lara. Nanatili siyang nakatayo sa likuran at tila ba nag-aantay nalang siya na makaalis ako sa bahay na 'to. Pwes! Manigas siya.

"Well, wala akong tiwala sa babaeng yan. Bigyan mo ako ng DNA test if you want me to believe you Calib."

Tila bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Paano kaya 'yon?

"Kapag napatunayan mong anak mo nga 'tong batang ito ay tatanggapin ko siya at irerespeto ko ang kasal niyo." she cross her arms.  "Ngunit kapag nalaman kong hindi mo kadugo ang bata ito ay wala kang magagawa Calib kung hindi ang pakasalan si Lara at tuluyan na ding mawawala ang babaeng ito sa buhay mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Bahagya akong napalunok ng sarili kong laway dahil sa kondisyon na binigay sa amin ni Calib. Ngayon palang ay alam ko na ang kahihinatnan dahil hindi naman talaga si Calib ang ama.

Napatingin ako kay Calib.

"Deal." Ani Calib na siyang ikinabigla ko. Bakit siya pumayag? Baliw na ba siya?

"What's happening here?" Sabad ni Itchen.

"Itchen, tulungan mo si Lara na ipasok ang mga gamit niya. She'll be staying here." Utos nito kay Itchen at nakita ko namang napangiti si Lara sa sinabi ng ina ni Calib.

Sa totoo lang ay gusto ko nang punitin ang pagmumukha ni Lara.

"Her bedroom will be next to Calib." Dugtong pa nito na siya ikinakunot ng noo ko.

"She can't stay there. Hindi na available 'yon dahil nandoon si Felicity." Tugon ni Calib.

"Then palipatin mo siya. She can stay at the basement." Sabad ni Lara.

"Okay fine." Napabuntong hininga na tugon ni Calib.

So ano? Ganoon lang 'yon? Pumayag siya agad sa gusto ni Lara? Kami 'yong lilipat ni Bliss ng kwarto dahil lang sa maarteng si Lara?

Napabuntong hininga nalang din ako at hindi ko lubos maisip na pumayag lang si Calib ng gano'n kadali when it comes to Lara. Madami namang bakanteng kwarto dyan ah!

~*~


Bahagya akong napanganga nang makita kong nilipat ni Zayne 'yong mga gamit namin ni Bliss sa loob mismo ng kwarto ni Calib.

Anong ibig sabihin nito? Napatingin ako kay Calib.

"Akala mo ba pababayaan kita?" Nakangising saad nito sa akin.

"Tsk!" Bahagya akong napailing at tila natatawa nalang ako.

Kaya naman pala ang bilis niyang pumayag kanina dahil may balak naman pala siya. May balak lang naman siya na magsama kami sa iisang kwarto. Talino ni Calib no? Grabe gusto ko nang pumalakpak.

"Mommy are we sleeping with... mister Calib's bed room?" Nagtatakang tanong ni Bliss.

"Yup kiddo. Just call me Daddy anyway. As what I've said your mommy and I are getting married." Paliwanag naman ni Calib.

"Alright Mister Daddy." Tango ni Bliss na halos napa-face palm naman si Calib.

Hinatid na ni Itchen 'yong mommy nila sa impyerno este kung saang lupalop man ito nakatira.

Samantalang si Lara ay nanatili na nga dito. Sana lang ay huwag ko siyang makasalubong palagi at baka masakmal ko siya.

Huwag na huwag niya lang akong susubukan hmp!

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Calib ay tumambad sa paningin ko ang tila biglang nagkaroon ng buhay na kwarto nito. Ang dating walang laman ay sa wakas ay nagkaroon na rin ng palamuti.

Mukhang pinaayos niya ang kwarto niya para sa aming dalawa ni Bliss.

Napatingin ako kay Calib na nasa likuran ko. He's smiling at me. I'm happy ngunit kinakabahan ako tuwing naiisip ko ang kondisyon na ibinigay sa amin ng kanyang ina.

Paano naman magtutugma ang DNA test nilang dalawa ni Bliss? Hay. Bahala na!

To be Continued...



A/N: Ano kaya ang magiging resulta ng DNA test? Sino kaya ang magiging bride? Si Felicity nga ba o si Lara? VOTE AND COMMENT ^^


Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon