GMS21

1.4K 56 39
                                    

FELICITY


Nagulat ako nang bigla nalang magsisisigaw 'yong lalaking mukhang matcho dancer. Namilipit ito sa sakit ng braso niya dahil binalian siya ni Laures.

Oh well, hindi ako alam na marunong naman pala siyang makipaglaban.

"Mommy... they're so ugly." Ani naman ni Bliss.

"Dumikit ka lang sa akin Bliss." Giit ko naman.

Ngayon ay pinaikutan na nila kami kaya naman pinagitnaan na namin si Bliss at pareho kaming nakatalikod sa isa't isa ni Laures.

Ang kalmado lang niya at tila hindi man lang kinabahan kahit kaunti.

"Yaaaaah!" Hiyaw nila bago sumugod sa amin.

*PAK*

*PAK*

*PAK*

Mga tunog 'yon ng mga suntok namin sa pagmumukha nila. Ang lalaki nga ng mga katawan nila ngunit kahit isang suntok mula sa kanila ay hindi man lang dumampi sa balat ko.

"Go mommy! Go tito!" Dinig ko naman hiyaw ni  Bliss.

Makalipas ang ilang minuto ay tila mas mabilis pa sa hangin ang pagtakas nila sa amin. Lahat sila ay tumakbo nang wasak ang mga mukha.

"Salamat." Saad ko kay Laures at ginantihan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

"Yehey! Ang galing niyo po tito and mommy!" Nakangising sabi naman ni Bliss na may kasama pang palakpak.

I guess isa lang naman silang mga siga dito tila wala namang alam sa pakikipag-laban.

"Maraming salamat po talaga inyo at nailigtas niyo ang buong store ko." Ani naman ng isang babae. Tila siya ang may ari ng store na ito.

"Ah... wala po 'yon. Pabili nga po pala ng Ice cream." Lalo naman natuwa si Bliss nang marinig ang sinabi ni Laures.

"Yehey! Ice cream!" Nakangisi ulit sa saad nito.

Napangiti nalang din ako nang makita ko kung gaano kasaya ang anak ko.

CALIB

Mabuti nalang at umalis na agad 'yong mga walang kwentang 'yon.

Muntik ko nang makalimutan na si Laures nga pala ako ngayon at hindi si Calib.

I have to wear my mask upang hindi nila ako makilala at baka dumugin lang ako ng mga fan ko since nasa labas ako.

"Sir, here's your change." Ani nong casher tsaka inabot sa akin 'yong sukli sa binayad ko ngunit tila may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng ito nang hawakan niya ang kamay ko at huli na nang masakal ko siya dahil bigla nalang umikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko.

FELICITY

"Sir, here's your change." Dinig kong sabi ng casher kay Laures.

Naglalakad na ako kasama si Bliss palabas ng store nang bigla nalang akong nakarinig ng isang ingay mula doon sa casher.

Agad akong napalingon at nakita kong sinakal ni Laures 'yong casher ngunit  mas ikinagulat ko ang biglang pag-bagsak nito sa sahig at tila wala na itong malay.

"Mommy! What happened to tito Laures?" Gulat ding sabi ni Bliss.

"Ssshhhh!" Naitugon ko lang kay Bliss.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon