GMS72

1K 37 6
                                    


FELICITY

Napasingap ako nang marinig ko sa mga bibig niya mismo ang katotohanan. Kasabay no'n ay ang pag-bagsak ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kung maramdaman. Magagalit ba ako o ma-guilty?

"My mom took the life of your family and you also took the life of my father."

Ang huli niyang sinabi na 'yon ang paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko. Napakapit ako sa buhok ko. Pinapatay ni Olivia ang pamilya ko ngunit hindi ko rin alam na ako mismo ang pumaslang sa ama ni Calib.

Napatingin ako sa mga mata. Wala siyang kasalanan, wala siyang kinalaman sa bagay na 'yon. Pinapatay ako ni Olivia noon pa man nang malaman niyang anak ako ni Octavo ngunit sa halip na buhay ko ang mawala ay ang pamilya ko ang naglaho sa akin.

I worked on underground society without even knowing that I killed one of the Jacinto's Family. Paano ako magagalit sa kanya? May utang rin akong buhay sa pamilya nila.

Pakiramdam ko ay may kinalaman si Octavo rito. Pakiramdam ko ay noon pa man ay pinapaikot niya na ang buhay ko. Mas mabuting si Mr.Wong ang kausapin ko upang malinawan ako.

"I'm sorry..." bigkas ko.

"No... you don't have to say sorry." yakap sa akin ni Calib.

Ngayon ay parang naglaho lahat ng tinatago kong galit mula sa nakaraan. Hindi ko alam kung gano'n din ang nararamdaman ni Calib. Masyado kaming pinaglalaruan ng tadhana.

Pagmamahal, 'yon ang nagdala sa amim sa kapatawaran at pagpakawala ng galit sa puso dahil kung sa umpisa pa lang namin nalaman ang tungkol dito ay baka nagpatayan na kami. Siguro nga ito 'yong rason kung bakit hindi ko nalaman agad.

"Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin. Sana mahal mo pa rin ako. Sana tanggap mo pa rin ako." saad nito.

"Tanggap kita dahil mahal kita. Sana ako rin." tugon ko.

~*~


"Daddy where tito Zayne at Itchen?" tanong ni Bliss kay Calib.

Nasa iisang kwarto kami ngayong apat. Matutulog kami nang magkasama.

"They're at the hospital."

"Why? are they sick?" he asked again.

"No. Nagbabantay lang sila sa lola mo." tugon ni Calib.

"Is she okay na now Daddy?" si Seri naman ang nagtanong ngayon.

"Yes of course baby. We can visit her tomorrow." saad nito.

"Good night daddy, Good night mommy." ani Bliss.

"Good night as well Daddy and to you Mama." ani Seri.

Pareho ko namang hinalikan sa noo 'yong dalawa at gano'n rin si Calib.

"Good night mommy." bulong naman ni Calib at nakuha pa akong halikan kahit na nasa magkabilang dulo kami dahil sa gitnan namin 'yong dalawa.

"Good night Daddy." matamis kong tugon.

Kapwa nalang kaming napangiti at sa ngayon ay hindi na muna kami magkatabi sa pagtulog.

LARA

"Argh! Bwisit na matanda 'yon!" bulalas ko nang maalala ko ang napala ko sa Pentagon.

Nandito ako ngayon sa hospital at hindi ko pa rin natatapos ang buhay ni Olivia. Isa pa 'yon. Hindi ko alam kung may lahi siyang pusa at ang tagal mamatay!

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon