GMS62

981 55 33
                                    


FELICITY


"Patawad Calib... patawad..." sambit kong muli habang nakayakap parin sa kanya mula sa likuran nito.

Sa ilang segundo ay nanatili itong tahimik hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagkalas nang mahigpit kong pagkayap ko sa kanya. Inalis niya ang yakap ko.

"We're over." malamig nitong tugon at ni hindi man lang ako nilingon tsaka dumiretso nang lakad.

"Calib!" tawag naman ni Lara dito at pumulupot sa braso nito. Bahagya pa itong sumulyap sa akin at inismiran ako.

Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako nakagalaw pa. Parang hindi ko matanggap ang reaksyon ni Calib. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin.

Kung kailan natauhan na ako ay tsaka pa siya lalayo. Ang sakit... ang sakit sakit pala.

"Hey! What's up" tila nabuhayan naman ang diwa ko nang may tumapik sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito kahit sa loob ko ay nasa kay Calib parin ang isip ko.

"Guess what?" ngisi niya at inakbayan ako.

Napakibit balikat na lamang ako at  naglakad papunta sa sasakyan ko.

"Wait!" buntot nito sa akin at sumakay pa sa sasakyan ko.

"Linta kaba?" inis na sabi ko.

"Uy~ pick up line ba yan? Bakit?" ngisi niyang muli.

"Dikit ka kasi nang dikit." irap ko.

"At least sa'yo lang dumidikit." he added.

"Bakit mo ako sinusundan?" seryosong tanong ko.

"Because I'd love to." diretsang tugon niya.

"Well, I don't like it and I don't believe in you. You're such a pretender! Sino kaba talaga?" mariing tanong ko dito.

"I'm Fifth. Nakalimutan mo na agad?" pa-inosenteng tugon niya.

"I'm not kidding Fifth." pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Why would I tell you? Catch me if you can babe." malanding sabi nito na may kasamang kindat at mabilis ako ninakawan ng halik sa pisngi tsaka nagmadaling lumabas ng kotse.

"Argh! Bwiset ka talaga Fifth!" bulyaw ko ngunit nakalayo na ito.

Mula sa pagka-inis ay nabaling ang atensyon ko sa kulay pulang envelope.

Pagkabukas ko rito ay tumambad sa paningin ko ang isang litrato ng lalaking halos kasing tanda ni papa.

Marami pang detalye ang nakapaloob dito at sa aking pagbabasa ay napag-alaman ko na isa pala siya sa nang-ambush sa amin noon na siyang kumitil sa buhay ng ina at mga kapatid ko.

Napayukom ako sa kamao ko. Matagal na akong handa para rito.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko.


CALIB


"Where's mom?" I haven't see her these past few days?" tanong ko kay Lara as we arrived at home.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon