GMS35

1.3K 53 24
                                    

CALIB


Ngayon lang muli sila nagkita ni Felicity at ng papa niya kaya minabuti ko namang bigyan sila ng space para makagpag-usap ng masinsinan.

Napailing naman ako habang hawak hawak ko ang mga document na inutos ko kay Zayne.

"Burado na ang lahat ng document na mayroon si Felicity. Pakiramdam ko ay may tao sa likod nito dahil alam naman natin na matagal nang nagta-trabaho si Felicity sa underground society. Kahit ang tungkol ama ni Bliss ay wala akong makuhang impormasyon." Ani Zayne.

"Haayan mo na. Mas mabuti nang ganito para wala na ding makuhang impormasyon si mommy." Saad ko nalang.

"Yong DNA test nga pala..." he paused nang mapatingin ako sa kanya.

"What about it? Naayos mo na ba 'yon? I need it asap." Giit ko.

"Yeah, job well done. Binayaran ko na rin 'yong doctor. I'm sure, you're mom will never doubt you even a little since kamukha mo naman 'yong bata." Saad niya at napatango naman ako.

Tumayo na ako at balak ko na sanang magtungo kay Felicity nang bigla may umalingawngaw na putok ng baril sa loob mismo ng casino.

Agad namang naalerto si Zayne at sabay na rin kaming nagtungo sa pinagmulan ng ingay.

"Madaya ka eh!" Dinig kong bulyaw ng isang lalaki habang may hawak itong baril.

Napaupo lang ako sa couch habang pinapanood ang pagwawala nito. Nasa kabilang couch din si Itchen at tila nanonood rin ito ng marathon sa loob ng casino.

Mukhang palugi na ang taong ito kaya masyado nang mainit ang ulo at nakuha pa niyang magwala dito sa loob mismo ng casino ng Heaven's Gate.

"Iharap niyo sa akin ang may-ari ng Casino! Dinadaya niyo ako!" Giit pa nito at nagpakawala pa ulit ng dalawang magkasunod na putok at sa pagkakataong ito ay nagsihiyawan na ang mga tao dahil sa takot.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Tumayo na din ako at naglakad palapit dito. Tinutukan niya agad ako ng baril nang makita ako.

I just grinned at isang batalyon naman ang nakatutok sa kanya ngayon.

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko dito.

"Ibalik niyo sa akin ang pera ko!" Tugon niya at tila hindi man lang siya natakot sa nakapalibot sa kanya.

Tinitigan ko lang siya ng mabuti. Bawat galaw ng mata niya at gestures niya.

Napalingon ako sa pintuan kung saan sina Felicity.

May mali... isa lamang itong palabas.

I snapped my finger at kaagad nilang hinuli 'yong lalaki.

Sumenyas naman ako kay Itchen at Zayne na manatili sa labas. Agad na rin ako kumaripas patungo kung saan sina Felicity at Bliss.

As I open the door ay agad na sumalubong sa akin ang isang palaso na napigilan ko din naman agad bago pa man ito tumama sa akin.

Nasa likod ng sofa sina Bliss at ang lolo nito habang nakikipaglaban si Felicity.

Isang ninja ang tumambad sa paningin ko na kasalukuyang nagpupumilit na tumakas nang makita ako at tila bigo siyang makuha si Felicity.

Mabilis siya ngunit agad ko namang nahawakan ang braso nito tsaka ko siya pinatumba sa sahig. Nilagay ko sa likod ang dalawang kamay nito tsaka nilagyan ng tali na tiyak ko namang hindi siya makakawala.

Gang Master's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon