APRIL'S
"Hmmm" unti unti kong iminulat ang mga mata ko dahil nararamdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa akin. Napatingin ako sa kaliwa at mahimbing pa rin natutulog si Kai. Bumangon na ako at nagtungo na sa kusina upang magluto ng umagahan. Hindi nagtagal ay nakita ko nang bumaba si Kai.
"Good morning, by." Masiglang bati ko. Tumingin naman siya sa kin at ngumiti.
"Uh, by pinagluto kita ng paborito mo." Agad kong inihain sa kanya ang almusal niya nang makaupo na siya. Tahimik lang siyang kumain. Ni hindi niya ako kinakausap.
"Aalis na ko. Wag mo na akong intayin. Gagabihin ako." Malamig niyang sabi at agad na siyang umalis. Wala namang bago doon. Araw-araw ay gabi siyang umuuwi. Minsan nga umuuwi siyang lasing. Niligpit ko na ang pinagkainan niya, pagkatapos ay naghanda na ako para pumasok sa trabaho.
By the way, ako nga pala si Shaina April Mari Pineda-Chua. 23 years old. Married for almost 4 years pero wala pa ring anak. Si Kaile Jomari Chua, "Kai" for short, ang asawa ko. Tagapagmana ng "Indigo corporation". Hindi sa typical na love story kami nag umpisa. Yeh. Ni wala ngang ligawan portion eh. Hahaha. Why? Kasi pinilit ko lang siya na magpakasal sa akin.
I love him, but he loves someone. Malamig lagi ang pakikitungo niya sa akin.
Pero syempre, di maiiwasan ang pag-aaway kungvpareho namin sinasaktan ang isa't isa. Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na patungo sa kompanya namin. Mula nang ikinasal kami, nag merge na ang Chua-Pineda Inc. kaya nabuo ang "Indigo Corp". Pero sa mismong office ako ng pamilya ko nagtatrabaho at si Kai naman ay sa Indigo. Dahil ayaw niyang makatrabaho ako. Nang makarating na ako sa office ko ay pumasok si Rachelle. Secretary at the same time, bestfriend ko.
"Beshyyy." Masayang bati niya.
Agad ko siyang niyakap.
"Nag-away na naman ba kayo ni Kai?" Tanong nito. Umiling naman ako.
"Hindi ah. Haha. Anyways, marami ba akong appointment ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Yep. So uumpisahan mo muna sa pagpirma ng mga proposals na nilagay ko na sa table mo. Next, may meetings ka 2 clients starting from 10 am." Sabi ni Rachelle.
"Thank you." I smiled. Tumango naman siya at lumabas na siya ng office ko pagkatapos. Umupo na ako at nag umpisa nang basahin ang mga proposals upang pirmahan, nang tumawag si Xander.
"Hello?" Tanong ko.
"Hey, April. Long time no see." Sabi nito. Matagal tagal na rin mula nang umalis si Xander. Sa ibang bansa na siya naghigh school. And he's my childhood friend.
"XANDERRRRRPOOOOT." Sagot ko habang natatawa.
"Nubayan. Nakakahiya eh." Inis na sagot nito.
"Hahahaha. Napatawag ka ata?" Tanong ko.
"Hahaha. Yayayain sana kita maglunch. Are you free?" Tanong nito.
"Yeah mga 12 pm. May meeting ako with a client at 10 am eh." Sabi ko.
"Then send me where and i'll pick you up." Sabi nito.
"Okay. See ya." Then we hungged up. Mabilis na lumipas ang oras. Nang matapos na ako sa mga proposals, ay agad akong nagpunta sa meeting ko.
After an hour, ay tinext ko na si Xander.
To: Xanderpot
Im here at Cal's Restaurant.
After a minute ay nagreply siya.
Fr:Xanderpot
Otw there.
After a while nakita ko siya na pumasok sa resto.
"Let's eat here." Sabi niya. Agad naman niya tinawag ang waiter.
"Order anything you want. I'll pay." Sabi nito. Dahil nahiya ako ay konti lang ang inorder ko. Isang steak at mudpie lang ang inorder ko. Nang makumpleto ang order namin ay umalis na ang waiter.
"So kamusta kayo ni Kai?" Tanong nito. Pinilit ko namang ngumiti.
"Ayos lang." Tipid kong sagot.
"Sure?" Tanong nito.
"Yup." Sagot ko.
"Kung ako nalang kasi dapat minahal mo, di ka malulungkot ng ganyan." Nabigla ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong Pschologist ang mokong na ito.
"Hahahaha loko ka talaga." Sabi ko.
"Pero kung may problema ka, feel free to tell me. Pero joke lang yung sinabi ko kanina Hahaha. Just trying to make you feel better" Tumango naman ako sa sinabi niya. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa arcade at naglaro. Nagtext kasi ai Rachelle na cancelled ang two meetings ko kaya naman vacant na ang schedule ko. Nang matapos kami sa arcade dinala niya ako sa amusement park kung saan sinakyan namin ang favorite ride namin. Ang roller coaster.
"Thank you for this day. Ingat ka pauwi." Sabi ko sa kanya nung inihatid niya ako pabalik sa bahay. It's already 9 pm nang makauwi kami. Ngumiti siya at kumaway, hanggang sa tuluyan siyang nakaalis. Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko si Kai sa sala.
"Saan ka na naman galing?" Tanong nito. Inalis naman niya ang tingin niya sa binabasa niya at tumingin sa akin.
"Sa trabaho." Sagot ko. Inirapan niya ako at bigla niyang hinagis ang magazine sa sahig.
"Trabaho? Huh. Bakit ayaw mong sabihin na kasama mo si Xander." Galit nitong sabi.
"Kasi magagalit ka. Tsaka ilang beses ko nang sinabi na kababata ko lang yun." Inis kong sagot sa kanya. Agad niya akong tinulak at inipit ako sa pader.
"A-ano ba Kai! Nasasaktan ako." Paiyak kong sabi.
"Ayoko sa lahat yung niloloko ako. Naiintindihan mo ba yun? Kasal pa rin tayo kahit anong mangyari." Gigil nitong sabi.
"B-bakit kapag ikaw ba nambababae, nagagalit ba ako?" Galit kong tanong dito.
"Be careful with your words. Di ko nagugustuhan tabas ng dila mo ah. Umayos ka, April. Makakatikim ka na sa akin." At binitawan niya ako. Agad siyang umakyat at padabog na isinara ang pintuan. Naiwan naman akong nakasandal sa pader at tumulo na naman ang mga pesteng luha. Wala eh mahal ko eh. Alam kong darating din ang panahon na mamahalin niya ako pabalik.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...