CHAPTER 15

1.1K 13 0
                                    

APRIL'S POV

"By gising na. Babyahe na tayo papuntang Bacolod." Ramdam ko ang paggising sa akin ni Kai. Ngayon lang pumasok sa isip ko na last day na namin sa Boracay.

"Hmmm.. Mamaya na by." Sabi ko sabay talukbong ng kumot. Agad naman ito hinila paalis ni Kai.

"Gumising ka na. Dali." Dahil makulit ang asawa kong to ay bumangon na ako at kumilos. Kumain muna kami ni Kai bago kami nagtungo sa paliparan. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating na kami sa Silay Airport.

"Tara maglunch muna tayo." Pagyayakad ni Kai. Paalis na kami nang biglang may tumawag sa akin.

"By sagutin ko lang tong tawag." Sabi ko at tumango naman ito. Agad kong sinagot yung tawag.

"Hello?" Pero hindi siya nasagot. Bigla na lang niya binaba ang tawag. Napailing na lang ako at pumunta na kay Kai.

"Sino ba yung natawag sa'yo by?" Tanong sa akin ni kai.

“ewan ko nga din eh. Di naman nagsasalita sa tuwing sinasagot ko.” sagot ko. Nagpatuloy na lang kami ni Kai sa paglalakad para maghanap ng makakainan. Nang makahanap na kami ng restaurant, agad kaming pumasok at lumapit sa may receptionist.

“Table for two please.” sabi ni Kai.

“This way sir.” at agad kaming inasikaso papunta sa table namin. Agad nitong ibinigay ang dalawang menu book.

“You can order as many as you like.” sabi ni Kai. Napailing naman ako sa sinabi niya. Maya-maya ay bumalik ang waitress sa amin at kinuha na ang mga order namin. Nang matapos na kami kumain ay umalis na kami papuntang airport.. Nag check in na kami para sa flight.

-----------------------------------*
KAI’S POV

Napansin kong biglang natahimik si April. Pagtingin ko ay nakasandal siya sa balikat ko at mahimbing na natutulog. Antukin talaga siya kahit kailan. Napansin ko na maganda pa rin siya kahit natutulog. Para siyang anghel. Habang pinagmamasdan ko siya, ay di ko namalayan na napapngiti ako. Bakit ang swerte ko at siya ang binigay sa akin? Halos wala akong naisukli sa kanya kundi puro sakit dahil di ko siya matutunan na mahalin. Hindi ko maabi sa kanya na nagpaparamdam si kira sa akin.

“I’m sorry.” sambit ko,.Hindi nagtagal ay tinawag na ang flight number namin. Tinapik ko siya ng bahagya.

“April, gising na. Aalis na tayo.” sabi ko. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Inayos naman niya ang sarili niya, at pagkatapos ay umalis na kami. Nang makasakay na kami sa eroplano ay hinanap na namin ang seats namin.

“Sa may window ka pala.” sabi ni April sa akin. Nahalata ko na gusto niya sa may bintana.

“Dun ka na maupo. Switch tayo.”sabi ko. Napangiti siya at agad na naupo sa malapit sa bintana. After a while ay isinuot na namin ang seatbelts. I plugged in my earphones at nag browse sa naka airplane mode ko na phone.

“Back at one ni Brian McKnight please.” sabi ni April saka kinuha ang kaliwang side ng earphone ko. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Agad kong hinanap ang kanta at ipinlay.

It’s undeniable that we should be together,
It’s unbelievable, how I used to say that I for never.
The basis you need to know, if you don’t know just how I feel

Then let me show you now that I’m for real, if all things and time, time will reveal yeah.”

Ipinikit niya ang kanyang mata habang pinapakinggan niya ang kanta.

One, you’re like a dream come true,
Two just wanna be with you
Three, girl it’s plain to see
That you’re the only one for me and

Four, repeat steps 1,2,3
Five, make it fall in love with me
If ever I believe my word is done,
Then I start back at one.”

Habang nakikikinig, ay hindi ko mapigilan na mapatingin kay April na ngayon ay nakatulog na naman.

One, you’re like a dream come true,
Two just wanna be with you
Three, girl it’s plain to see
That you’re the only one for me and

Four, repeat steps 1,2,3
Five, make it fall in love with me”

Mahina kong kinanta ang part ng chorus dahil ganun ang gusto kong sabihin kay April kapag may pagkakataon. Babawiin ko ang mga taon na nawala at nasayang dahil sa mga kalokohan ko. Now, im gonna make things right. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko habang pinapakinggan ang kanta.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon