CHAPTER 14

1.1K 13 0
                                    

KAI'S POV

Hanggang ngayon, curious ako kung sino ang tumawag kay April. Hindi ko na ulit siya tinanong mula kagabi.

"By, tara maglakad sa beach mamaya." Sambit ni April. Kararating lang kasi namin sa Boracay at kakarating lang din namin sa hotel. Nag aayos kami ng gamit nang biglang may tumawag sa akin.

"Hello, Karina?" Tanong ko.

"Uh hello Kai? Are you available today?" Tanong niya.

"Im out of town eh. Bakit?" Sagot ko.

"Wala naman. Iinvite sana kita for a lunch. Sige, baka nakaistorbo pa ko sa inyo." Then she hungged up.

"Huy tara. Lakad lakad na tayo sa may beach." Pagyayakad ni April kaya naman ay agad kaming umalis at nagtungo sa may dalampasigan.

"Wahhh ang ganda talaga ng white sand." Natutuwang sabi ni April.

"Maganda rin naman yung dagat ah. Talagang yung white sand lang pinansin mo." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at naupo kami sa buhanginan.

"Sana ganito na lang. Peaceful. Stress-free." Sabi niya sabay ipinikit niya ang mga mata niya.

"April". Agad siyang tumingin sa akin.

"Bakit?" Tanong niya.

"May itatanong ako." Sagot ko.

"Ano yun?"

"Paano kapag nagbalik si Kira, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Ilang segundo niya akong tinitigan bago ibinalik ang atensyon sa dagat.

"Kapag bumalik siya, edi masaya. Makikita ko na ulit ang kaibigan ko." Sagot niya.

"Paano kapag gusto niya bumalik sa akin, isusuko mo ba ako?" Tanong ko sa kanya. Huminga muna siya nang malalim bago tinignan muli.

"Kahit kaibigan ko siya, di ko isusuko sa kanya ang taong mahal ko. Pero kung yung taong mahal ko ay masaya talaga sa kanya, wala akong laban dun." Sagot ni April

"Eh paano kung yung taong mahal mo, ay natututunan nang mahalin ka pabalik?" Tanong ko ulit. Napangiti siya at hinawakan ako sa pisngi.

"Edi mas mabuti. Dahil hindi na one-sided love ang story nila." Sagot niya habang nakangiti. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa magtama ang mga labi namin.

"I love you, April. And im sincere to that." Sabi ko. Bakas sa mukha ni April ang pagkagulat at the same time ang happiness na nararamdaman niya sa oras na ito.

"Bakit mo nga pala naitanong kung anong gagawin ko kapag bumalik si Kira?" Tanong ni April.

"Wala naman. Hindi naman kasi natin masasabi yung mga maaaring mangyari." Sagot ko. Pinili kong ilihim kay April ang tungkol kay Kira.

"Tara na. Gala pa tayo." Pagyayakad ni April kaya naman nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Dahil mahilig si April magpicture, kada may madadaanan kami na maganda ang view ay agad ito magpapapicture. This moment with her made my world colorful again.

<UNKNOWN'S POV>

Habang nasa office ako ay may biglang tumawag sa akin.

"Excuse me for a second." At agad akong lumabas sa conference room para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Boss, nakabalik na po sila ng hotel."

"Good. Alam mo na ang gagawin mo." At agad kong binaba ang tawag. I will bring you down, Kaile. At syempre uunahin ko muna pabagsakin ang kumpanya mo, sunod ang pamilya mo. Sa ngayon, uumpisahan ko sa asawa mo. I smirked. I can't wait for that moment.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon