CHAPTER 2

1.7K 29 1
                                    

KAI'S POV

"Babe, let's eat lunch." Malanding sambit ni Khim. Secretary ko. Bigla siyang umupo sa lap ko habang hinahagod ang dibdib ko pababa.


"Baka may makakita sa atin. Pero sige. After this." Then i kissed her on lips. Yeah. I have a different girl other than my wife. Ang totoo, iba ang mahal ko. Pero nung umalis siya nang walang paalam, napilitan akong magpakasal kay April. Ni hindi ko nga yun niligawan. Noong bagong kasal pa lang kami, lagi kaming nalabas. Nagbobonding sa park, kumakain sa labas. Pero ewan di ko siya magawang mahalin. Pareho kaming nagpapakabusy sa work namin. Magkasama nga kami sa iisang bahay, pero parang hindi kami mag asawa.

She doesn't know that i have a mistress. But she knows na iisa lang ang mahal ko at ang pambababae ko. After ng mga gawain ko sa office ay umalis na kami upang maglunch. Habang nakatigil ang stopight, nakita kong naglalakad sila April at Xander palabas mg isang resto. I already told her to stop flirting with others.


"Babe, what's wrong? Naka green na ang stoplight."

Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita si Khim. Kaya naman mabilis kong minaneho ang sasakyan. Nag lunch lamg kami ng secretary ko at pagkatapos ay hinatid ko na siya sa kanila. Agad akong dumerecho pauwi. Tumingin ako sa orasan and it's 3 pm at wala pa rin si April.


7 pm.


8 pm.

Dahil nababagot na ako kakaantay ay naisipan kong magbasa. Makalipas ang isang oras, may narinig akong kotse sa labas at narinig kong may papasok. Mukhang si April na yun.

"Saan ka na naman galing?" Tanong ko sa kanya.

"Sa trabaho." Sagot nito. Bigla akong nainis nung nagsinungaling siya. Kaya naman inirapan ko siya at bigla kong hinagis ang magazine na binabasa ko.

"Trabaho? Huh! Bakit ayaw mong sabihin na kasama mo si Xander." Galit kong sabi.

"Kasi magagalit ka. Tsaka ilang beses ko nang sinabing kababata ko lang yun." Sagot nito. Sa sobrang galit ko ay lumapit ako sa kanya at inipit siya sa pader. Mahigpit ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

"A-ano ba Kai! Nasasaktan ako." Paiyak nitong sabi.


"Ang ayoko sa lahat yung niloloko ako, naiintindihan mo ba yun? Kasal pa rin tayo kahit anong mangyari." Gigil kong sambit dito.


"B-bakit ikaw ba kapag nambababae, nagagalit ako?" Galit nitong sabi. Kaya mas diniinan ko ang paghawak sa mga balikat niya.

"Be careful with your words. Di ko nagugustuhan tabas ng dila mo ah. Umayos ka, April. Makakatikim ka na sa akin." Inis kong sabi kaya binitawan ko na siya at padabog kong isinara ang pinto. Agad akong humiga at hindi nagtagal ay nakatulog na ako.

(APRIL'S POV)

Umakyat na ako sa kwarto at nakita kong tulog na si Kai. Dahan-dahan akong humiga upang di ko siya magising. Magkatalikuran kami kung matulog. I am his wife, but im nothing to him. Kasi kahit kailan, di ko mapapantayan si Kira.

Dahil si Kira ang kasiyahan niya, ang totoong taong minahal niya mula High School pa lang. Pero nang iwan niya si Kai, ako ang nasa tabi nito. Ako ang nagcomfort kay Kai at bumangon ulit. I'd try everything. Kaya naman nung pumayag siyang magpakasal, yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Every moment that i spent with him, shines.

Papikit na ako nang maramdaman kong niyakap ako ni Kai. Napangiti ako dahil for the first time, he hugs me while he's asleep.


"Kira.. Wag mo akong iwan." Rinig kong sabi nito. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha nito. Bigla naman nawala ang mga ngiti na namutawi sa akin.


"As usual, si Kira. Umasa ka na naman April." Bulong ko. Malungkot kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon