CHAPTER 3

1.6K 25 0
                                    

KAI'S POV

Pag gising ko nakita kong nakayakap ako kay April. Nakita kong mahimbing pa itong natutulog. Kumalas naman ako sa pagkakayakap ko dito at agad nagtungo sa banyo. Agad akong bumaba sa kusina upang magluto ng pagkain. Hindi nagtagal ay bumaba na rin si April.

"Good morning, by. Ang aga mo nagising ah." Sambit nito habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"Nagluto na ako ng mga pagkain. Kumain ka na. Aalis na ako." Malamig ma sabi ko.

"Ikaw? Di ka ba sasabay?" Tanong nito

"Tapos na ako. Don't bother to wait me." At tuluyan na akong lumabas. Napansin ko na wala ang kotse niya. Mukhang hinatid siya ni Xander kagabi. Bahala siya mag commute. Agad akong sumakay sa kotse at umalis na para pumasok. Pagkapasok ko pa lang ng office ay nakita ko agad si Khim na nakaupo sa table ko.

"Hi Babe." Bati niyo. Lumapit agad ako sa kanya at hinalikan siya ng mariin. Pinaupo niya ako sa swivel chair ko at umupo namannsiya sa ibabaw ko. Palaging may nangyayarinsa amin ni Khim, pero sa amin ni April wala. Hindi ko ginagalaw ang asawa ko dahil kapag magdivorce kami, dun sa pangalawang asawa niya ibibigay ang pagkababae niya. Naramdaman kong binubuksan ni Khim ang zipper ng pants ko nang biglang nag ring ang phone ko.

"Wait a second." Agad na umalis si Khim sa ibabaw ko. At sinagot ko yung tawag, then i hungged up after a minute.

"I have an urgent meeting. Let's go." At umalis na kami ni Khim.

-----------------------*

APRIL'S POV

Nang makaalis na si Kai ay agad akong kumilos at naghanda sa pagpasok. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako nang wala doon ang kotse ko.

"Gosh. Hinatid nga pala ako kagabi ni Xander." Bulong ko. Kaya no choice ako kundi mag commute. Nang makarating ako sa office, agad akong sinalubong ni Xander.

"Huy Xanderpot, ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Xander nga lang kasi. Anyways, kasi balak ko sana mag invest dito sa company niyo. Ay oo nga pala, si Karina. Girlfriend ko. Kararating lang niya galing States kanina." Nag shake hands naman kami nung Karina. Infairness, maganda siya.

"Balak kasi namin magpatayo ng building as part of our business sa states. And we planned na company niyo ang maghandle, since kaibigan kita and i heard magagalimg din ang mga engineers dito." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hmm. Well, sige. Gusto mo ba makausap yung mismong CEO? Yung asawa ko. Or ako na lang?" Tanong ko.
"Ikaw na lang. Baka may ginagawa din asawa mo. Tutal COO ka naman ng kumpanya." Sabi ni Xander.

"Hays oo na. Shall we start talking about your plan of investment?" At agad na kaming naupo upang pag usapan ang tungkol sa ipapatayo nila. Nang matapos na kami, ay agad nang umalis sila Xander at Karina dahil may pupuntahan sila. Naisipan ko namang tawagan si Kai para sabihin ang balitang ito ngunit nakapatay ang phone niya. Kaya naisipan kong umuwi na lang at magluluto pa ako ng hapunan. Nakita kong nakaparada na ang kotse ni Kai sa labas. Mukhang maaga siyang nakauwi ah. Pagkapasok ko ay bumungad agad silang dalawa ni Khim na may ginagawang milagro. At sa bahay talaga namin. Di ko napigilan ang sarili ko, nilapitan ko sila at himablot ko ang buhok ni Khim.

"Napaka walanghiya mo! Ang landi mo! Lumayas ka! Nakakadiri ka." At sinampal ko siya.

"APRIL, STOP IT!" Sigaw ni Kai. Pero di ko siya pinakinggan. Agad akong hinila palayo ni Kai at isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya.

"How dare you?! Wala kang dapat pakialam sa mga ginagawa ko! You're just my wife!" Galit na sambit nito.

"YEAH! IM JUST YOUR WIFE, AND SHE'S JUST YOUR MISTRESS!" Galit kong sigaw dito.

"LUMAYAS KA DITO!" Sigaw ko kay Khim. Agad niyang pinulot ang mga damit niya at agad na umalis. Lumapit naman ako kay Kai at sinampal ito ng malakas.

"PAANO MO TO NAGAWA?! ALAM KONG NAMBABABAE KA, PERO BAKIT YUNG MAKIKITA KO PA?! AT SA SECRETARY MO PA!" Naiiyak kong sambit.

"ASAWA LANG KITA! KAYA LUMUGAR KA!" Akmang sasampalin niya sana ako.

"Sige! Sampalin mo ako! Saktan mo na ako! Dahil oo asawa mo lang ako, pero kahit kailan di mo ako tinuring na asawa. Dahil kahit anong gawin ko, si Kira pa rin ang mahal at ang mamahalin mo. Lumulugar ako, Kai. At nasa lugar ako para magalit dahil masakit sa akin na ang asawa ko ay makikita kong may katalik na iba, samantalang sarili niyang asawa di niya maikama." Galit na sabi ko.

"Kai! Napapagod na ako! Sana naman matauhan ka naman. 3 years na tayong kasal pero di mo ko binibigyan ng pagkakataon na mahalin ka at mahalin mo rin ako pabalik."

"Bakit?! Sa inyo ba ni Xander walang nangyayari? Im pretty sure meron din. Kasi lagi siya ang kasama mo." Agad ko siyang sinampal.

"Wag mo ako igaya sayo. Ako, totoo ang pagmamahal ko sa'yo. Ang sakit lang dahil di mo ako kayang mahalin pabalik at kahit kailan di mo ako mamahalin." Agad akong umakyat sa kwarto at dun umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko malapit na akong sumuko. At malapit ko na siyang sukuan.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon