KAI'S POV
Gabi na naman ako nakauwi galing kila Karina. Pag uwi ko ay nadatnan kong nagtatawanan sila Xander at April. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis kaya naman pumasok na ako.
"Andyan ka na pala Kai." Sambit ni Xander. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay.
"Mukhang ang saya niyo diyan." Inis na sabi ko.
"By, kumain ka na ba? Ipaghahanda kita." Sabi ni April.
"Di na. Nawalan na ako ng gana." Sabi ko. Pero ang totoo ay kumain na ako bago ako umalis kila Karina.
"Ahh ganun ba." Bakas sa boses ni April ang pagkadismaya.
"Uhm, mauna na ako sa inyo." Pagpapaalam ni Xander. Tumayo na silang dalawa ni April at naglakad sila papunta sa pintuan.
"Kumain ka na?" Tanong ko kay April.
"Hindi pa." Sagot nito.
"Mas inuna mo pa makipagtawanan bago ka kumain." Sambit ko sa kanya. Tinignan lang niya ako at saka siya ngumiti.
"Iniintay kita. Gusto ko kasi sabay na tayo kumain. Looks like you already did. With someone else." Sagot niya. Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Did she know?
"I--didn't." I answered back.
"Okay. Kakain na ako." She said at naglakad na siya patungo sa kusina.
------------------------*
APRIL'S POVMukha namang kumain na siya kasama si Karina. Mali pala. Si Kira. Alam kong hindi siya umuuwi ng gabi dahil sa trabaho. I am just waiting for him to said it. To confirm it. Pero mukhang pinipili niyang ilihim ang lahat. Pagkatapos ko kumain ay kinuha ko ang unan ko at sa sala natulog.
"By bakit ka dyan matutulog?" Nagtatakang tanong ni Kai.
"Trip ko lang. Sige na." I answered. Tumalikod na ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Nang marinig ko na ang pagsara ng pintuan, senyales na nasa kwarto na siya ay nagsimulang bumuhos ang mga luha ko.
*FLASHBACK*
“edi nahanap niya.. It’s his decision kung mag iistay pa siya or nah.” sagot ko. I smiled at Xander.
"Actually, may dapat kang malaman." Sambit ni Xander. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya.
"Ano yun?" I asked.
"Bumalik na si Kira." Pagbabalita ni Xander. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Wag kang magbiro." Pambabanta ko sa kanya.
"Im not kidding. Karina is not my girlfriend." Pagbubulgar ni Xander.
"Wag mong sabihin na si Karina si Kira? Isang kalokoham yon." Natatawa kong sabi. Natahimik naman bigla si Xander kaya natigil ako sa pagtawa.
"S--si Karina ba talaga si Kira?"gulat kong tanong. Tumango naman si Xander
"Hindi busy si Kai sa opisina. Busy siya sa pagpunta kay Karina." Sabi ni Xander. Nang marinig namin ang kotse sa labas ay nagkunwari kaming nagtatawanan.
*END OF FLASHBACK*
"Paano mo nagawa sa akin ito Kai? Kung kailan magkakaanak na tayo." Mahina kong sabi. Pumasok sa isip ko na hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sa tingin ko dumating na ang kinatatakutan ko. Na ibabalik ko si Kai kay Kira.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...