CHAPTER 23

1K 11 0
                                    

KAI’S POV

“I had a great time with you.” sambit ni Karina. Nasa kotse pa rin kami until now.

“Biruin mo, ilang taon na ang nakalilipas, di ko inaasahan na makikita pa kita.” sagot ko sa kanya. Alam kong mali dahil may asawa na ako, pero hindi ko matiis si Kira. Pagdating talaga sa kanya, marupok ako.

“I heard nareceive mo na yung divorce papers niyo ni April. Napapirmahan mo na ba?” tanong ni Karina. Nanlaki ang mata ko nang mabanggit niya si April.

“F*ck sorry I’ve gotta go.” agad kong kinuha ang mga damit ko at nagbihis na.

“What’s wrong?” tanong ni Karina.

“Dinala sa ospital si April. Nawalan siya ng malay kanina. I’ve gotta go to her.” sagot ko. Tumango naman si Karina. Pagkabihis niya ay lumabas na siya agad ng kotse ko.

“By the way, let’s be this way from now.” at umalis na siya. Agad kong pinatakbo ang kotse at mabilis na nagdrive papunta sa ospital. Pagdating ko dun ay nakita ko sila. At nandun din si Xander. What the hell is he doing here? Naglakad na ako papunta sa kanila.

“Oh God! Finally you’re here.” sabi ni Rachelle. Nilapitan ko si April at hinalikan siya sa noo.

“What happened?” tanong ko.

“wala. Nahilo lang ako.” sagot ni April.

“God. Mabuti okay ka na. Sorry na late ako ng dating. It’s just marami lang akong ginagawa sa opisina.” Pagdadahilan ko

“Opisina lang ba talaga?” pagsingit ni Xander.

“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” inis kong tanong dito.

“I heard naospital ang kaibigan ko. Bawal na bang puntahan? Pero tanungin kita, sa opisina ka lang ba talaga busy?” sagot nito.

“ano sa tingin mo?” pagbalik ko ng tanong. Then he smirked.

“malay ba namin kung busy kang hanapin ang first love mo.” sagot niya. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko sa inis.

“guys, enough na please.” sabi ni April. Inalalayan ko na si April patayo at inalalayan siya pasakay sa kotse at dumerecho na kami pauwi.

“Kai, may sasabihin ako.” sabi ni April matapos ko siyang maalalayan paupo.

“ano yun?”

“Bu--”

Hindi na natapos ni April ang sasabihin niya nang biglang nag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay si Karina ang tumawag.

“Excuse me for a while.” sabi ko. Tumango lang si April bilang tugon.

“Hello?” sabi ko

“Babe, where are you?” tanong ni Karina.

“I’m at home. Why?” sagot ko.

“can you come here? I’ll send you the address.” sambit ni Karina.

“Sure. Okay.” then she hanged up. Agad kong kinuha ang coat ko sa tabi ni April.

”Saan ka pupunta?” she asked.

“Uhh… Meeting. Baka malate ako ng uwi. Oo nga pala ano yung sasabihin mo?” tanong ko sa kanya. Umiling naman ito.

“saka ko na lang sasabihin. Sige na.” I bid her a kiss goodbye at umalis na ako papunta sa address na tinext ni Kira.

------------------------*
APRIL’S POV

Naawa na ako kay Kai. Sobrang busy niya sa work. Hindi ko masabi na buntis ako dahil sa another meeting na pupuntahan niya. Hindi nagtagal ay tumawag sa akin si Xander.

“Hello?” sambit ko.

“Hello, can I come? Nag aalala ako sa’yo.” sagot ni Xander.

“Hmmm.. sige.” sagot ko. Tutal wala akong kasama dito. Hindi naman masama kung magpapunta ako ng kaibigan.

“Sure. I’m on my way.” then he hanged up. Naglinis ako ng konti, hindi nagtagal ay dumating si Xander na may dalang Cake.

“ohhhh.. my fave. Salamat.” sagot ko nang iniabot niya sa akin ang cake.

“welcome. I’m always here.” sagot ni Xander.
“Oo nga pala nasabi mo na kay Kai yung pagbubuntis mo?” tanong ni Xander.

“Hindi pa.” sagot ko.

“kailan mo ipapaalam?” tanong ulit ni Xander.

“siguro kung hindi na siya busy.” sagot ko ulit.

“May itatanong ako.” sabi ni Xander.

“go ahead.” sagot ko. Naupo muna kami ni Xander sa sofa.

“Paano kung nahanap na ni Kai si Kira? Anong gagawin mo?” tanong ni Xander.

Matagal ko siyang tinitigan. Inihahanda ang sarili sa sagot na aking bibitawan.

“edi nahanap niya.. It’s his decision kung mag iistay pa siya or nah.” sagot ko. I smiled at him. Pero nalulungkot ako kapag naiisip ko yun. Dahil alam kong may possibility na bumalik si Kira. At siya ang piliin niya.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon