KAI'S POV
Agad akong nagpunta sa bar kung saan makikipagkita sa akin si Xander. Nang makita ko siya sa may counter ay agad ko siyang pinuntahan.
"Anong sasabihin mo? Di ba yan pwedeng sabihin bukas?" Inis kong sabi dito. May iniabot siyang sulat sa akin.
"Galing kay Kira." Sabi nito. Agad akong napatingin kay Xander.
"May komunikasyon kayo ni Kira?" Gulat kong tanong dito.
"Wala. Biglang dumating lang yan kanina. Mauna na ako." Sabi ni Xander at tumayo na siya paalis. Tinitigan ko ang sulat na nakapatong sa table.
"Kira, where are you?" Sabi ko. Bakit ngayon pa? Kung kailan kakaayos pa lang namin ni April and i already starting to love her back.
------------------------*
XANDER'S POVNang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Karina.
"Where have you been?" Tanong nito.
"Inihatid ko lang ang dapat ihatid." Sagot ko.
"Akala ko ba hahayaan mong sila ang makaalam at ayaw mong mangialam?" Nagtatakang tanong ni Karina.
"Oo nga. Pero napag-isipan ko rin na baka pag nagbalik si Kira ay mapapasa-akin na din si April. Y'know how long i've been waiting for rhat moment, Karina." Sagot ko. Nagsmirk naman si Karina at tinapik ako sa likod.
"You done well, Xander."
I smirked. At inakbayan ko siya.
"Thanks. Kira." At umakyat na ako sa kwarto. Napadako ang paningin ko sa mga pictures na nasa bedside table ko. Kahit kailan talaga maganda si Kira. Kahit kinailangan niya mag undergo ng plastic surgery dahil sa isang aksidente, she is still beautiful.
-----------------------*
APRIL'S POVIminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kai ma mahimbing na natutulog sa tabi ko. Humarap ako sa kanya at ipinatong ang kanang braso ko sa tyan niya.
"Good morning, by." Sabi ko. Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin.
"Good morning din." He answered. I pressed his nose gently.
"Parang ayokong pumasok ngayon." Sabi ko. He gave me a sweet smile and gently paty forehead.
"I also don't like. Movie marathon tayo?" Sabi niya.
"Pero baka kailanganin ka sa office." Sagot ko.
"Nah. Sila papa at tito ang papasok ngayon." Sambit niya.
Napailing naman ako. Kahit kailan talaga. Di na nahiya eh. Siya na nga yung CEO, sila tito at papa pa ang papapasukin. Pero siguro baka gusto nila kamustahin ang kumpanya.
"Tara na't mag almusal. I'll cook." Sabi ni Kai then he kissed me. Bumangon na kami at dumerecho agad siya sa kusina habang ako ay naghilamos muna sa banyo. After a while, natapos na ako at dumerecho na din sa kusina.
"Anong niluto mo?" Tanong ko.
"Corned beef, egg omelet at gumawa ako ng salad." Sagot niya. Lumapit siya at pinisil ang pisngi ko.
"Baka gusto mo isama ako sa breakfast mo?" Tanong niya. Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya.
"Gutom lang yan. Halika na." Sagot ko at naupo na sa upuan.
"Wala namang masama dun ah. Mag asawa naman tayo." Sagot niya at bigla siyang magpout nang makaupo na siya.
"Hays. Tara movie marathon tayo mamaya." Sabi ko. Tumango naman siya at nagsimula na siyang kumain.
"Oo nga pala, anong oras ka nakauwi galing office kagabi?" Tanong ko. Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.
"U-uh mga around 1 am." Sagot niya at kumain na muli. Di nagtagal ay biglang may nagdoorbell.
"Hmm sino kaya yun?" Tanong ko. Tumayo na ako papuntang pintuan nang pigilan ako ni Kai.
"Bakit by?" Tanong ko.
"Ako na titingin. Kumain ka na ulit doon." Sabi niya.
"Okay?" Sagot ko at bumalik na ulit ako sa dining area habang siya ay lumabas na. Ano kaya yun? He's acting a bit weird.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...