XANDER'S POV
Nang makauwi na kami ay agad na naupo si Karina sa upuan.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman." Sagot niya. Tumabi naman ako sa kanya.
"Hindi ka ba galit kay April?" Tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.
"Naiinis, oo. Kasi inagaw niya sa akin si Kai. Pero alam kong gagawin mo ang trabaho mo." Sagot niya sa akin.
"Alam mong kababata ko si April. At mahal ko siya. Medyo mahirap--"
"Walang mahirap. Mahal mo diba? Bawiin mo." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Karina at umalis na siya paakyat sa kwarto niya. Kaya naman umakyat ako at kinatok ang pintuan niya.
"Wag ka nang magdrama. Halika na. Diba kikitain natin yung mga yun para sa business natin?" Sabi ko. Agad naman siyang lumabas. Agad kaming nagtungo sa site kung saan itatayo ang building namin. Sinalubong kami nila Kai at April dun.
"Hello again." Sabi ko. Natawa naman si April at nagbeso kami, kinamayan ko naman si Kai. Nilibot namin yung site at ipinakita sa amin yung blueprint ng building. Lunch time na nung matapos kami.
"Saan niyo gusto kumain? Tara. My treat." Pagyayakad ko.
"Yon. Hahaha. Tara tara." Masayang sambit ni April kaya naman umalis na kami sa site. Hindi sumabay sila April dahil may kotse sila ng kanila kaya naman susunod na lamg sila sa amin. Nang makahanap kami ng resto ay nagparking na kami at pumasok sa loob. Lumapit ang waiter sa amin para kunin ang order namin.
"Cr lang ako, saglit. Excuse me." Sabi ni April at agad siyang tumayo. Hindi nagtagal ay bumalik na ito.
"Anong oorderin mo?" Tanong ni Kai sa kanya.
"Hmmm... Steak." Sagot ni April.
"Mahilig din ako sa steak. Haha. Pareho pala tayo." Sabi ko. Napangiti naman si April sa sinabi ko. Nang mapagawi ang tingin ko kay Kai ay seryoso ito.
"Steak na lang din sa akin." Sabi ni Kai.
"Allergic ka sa steak di ba?" Sabi naman ni Karina. Agad tong tinitigan ni Kai na may halong pagtataka.
"Paano mo nalaman? Wala akong ikinukwento sa yo tungkol sa akin?" Tanong ni Kai.
"Chicken curry na lang po yung isa." Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si April. Agad kong tinignan si Karina. Lumapit ako sa tenga niya.
"Umayos ka." Sabi ko. At napangiti siya kunwari may iba akong sinabi.
------------------------*
APRIL'S POV
"Allergic ka sa steak di ba?" Sabi ni Karina. Nakita kong tinignan siya ni Kai, halatang nagtataka kung paano nalaman ni Karina ang tungkol dun. Wala naman akong ikinukuwento sa kanya. Kaya naman binasag ko ang katahimikan nang inorder ko si Kai ng Chicken Curry.
"Paano mo nga nalaman na allergic ako sa steak?" Tanong ulit ni Kai.
"Ahh yun ba... Nagkwento kasi si Sam." Sagot ni Karina. Napakunot naman ang noo ko. Magkakilala sila ni Sam?
"Magkakilala kayo ni Sam?" Tanong ko kay Karina.
"Uh nagkakilala kami sa bar. Kasama ko naman si Xander that time. Kaya kilala din niya. Tapos ayun nagkwentuhan na kami. Eh nung nabanggit namin na ang kukunin namin para sa building is ang kumpanya niyo, ayun nagkwento siya tungkol sa inyong dalawa." Pagpapaliwanag ni Karina. Tumango naman ako bilang tugon. Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin. At nagsimula na kaming kumain. Hindi ako kumportable kay Karina. Di ko alam kung bakit, pero kasi nakikita ko sa kanya si Kira. Parehong pareho sila. Pareho sila kung paano manamit, scent ng pabango at marami pa. Pero dahil girlfriend siya ng kaibigan ko, hindi ko na iisipin yun. Magiging friendly ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...