CHAPTER 25

1.1K 13 0
                                    

KAI'S POV

Napansin kong naging malayo sa akin si April nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam kong may mali. Alam kong may mali dahil sa pinag gagagawa ko. Dapat kinakalimutan ko na si Kira dahil may asawa na ako. Pero naging third party ko Kira ngayong nagbalik siya. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si April na nag aayos.

"By sabay tayong pumasok." Sabi ko sa kanya.

"Paalis na ako. Maaga pa meeting ko." At saka siya umalis. Agad ko siyang hinabol at hinila sa braso.

"Nasasaktan ako!" Galit nitong sambit.

"Ano bang problema by? Pag usapan naman natin to." Pakiusap ko sa kanya.

'Wala. Walang problema." Sagot niya. Agad siyang sumakay sa kotse at mabilis tong pinaandar. Pakiramdam kong may nalaman siya pero ayaw niyang ipaalam. Bigla namang tumunog ang phone ko at may nagtext.

From: John

Meron ka na lang 5 weeks para bayaran ang 4.5 million.

Napapikit na lang ako dahil nawala sa isip ko ang tungkol sa utang ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay at naghanda na para pumasok.

(RACHELLE'S POV)

"Shhh wag ka nang umiyak dyan April." Sabi ko kay April na ngayon ay umiiyak dahil sa mga nalaman niya.
"Matagal na niya pala gustong makipahiwalay sa akin." Sambit nito.

"Wag ka magpakastress. Makakasama yan sa bata." Sambit neto.

"Papalakihin ko na lang to na mag isa. Tutal si Kira naman ang talagang mahal niya. Bakit ko pa ipinililit ang sarili ko sa taong di makalimot sa first love niya?" Sabi nito. Naaawa na ako sa kaibigan ko. Parang kailan lang ang saya saya nilang mag-asawa tapos biglang ganito.

----------------------*
APRIL'S POV

Hindi nagtagal ay dumating na si Kai. Agad kong pinahid ang mga luha ko at lumabas na ng office si Rachelle. Nagkatinginan kami ni Kai at kunot-noo siyang lumapit sa akin.

"By, ayos ka lang ba? Bakit mugto mga mata mo? Did you cry?" Nag aalalang tanong ni Kai.

"Okay lang ako." Sabi ko. At agad akong tumayo palabas sa opisina, nakasalubong ko si Xander sa hallway. Nilagpasan ko lamang ito subalit hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. I hugged him back.

"Sa hallway pa kayo naglalandian." Rinig kong sambit ni Kai.

"Ano bang problema mo?" Sagot naman ni Xander. Agad akong pumagitna sa dalawa.

"Wag kayong mag away dito sa kumpanya." Galit kong sabi.

"Coming from you." Sagot ni Kai. Sinamaan ko naman ito ng tingin at agad na umalis. Bahala sila sa buhay nila. They're too old enough.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon