CHAPTER 7

1.3K 15 0
                                    

APRIL'S POV

"Bakit kasi nagpull out yung investor na yun?! Nasa kalagitnaan na yung project ah?!" Inis na sigaw ni Kai habang ongoing ang board meeting.

"Don't worry, we will find a new investor as soon as possible para mahatak ang percentage of sales." Sagot ni Fely. Financial Manager ng kumpanya.

"Actually, i have a friend na mag iinvest dito sa atin due to his upcoming business here in Philippines. And he's here today." Sabi kong sinenyasan si Rachelle na papasukin na sila Xander at Karina.

"Everyone, i would like to introduce Mr. Alexander Cowell and Ms. Karina Sofia Martinez. Our new investor." Pagpapakilala ko. Agad naman na nakipag shake hands silang dalawa sa mga board members. After an hour, natapos na din ang meeting. Pagkapasok pa lang namin ni Kai sa opisina namin ay agad itong umupo at ibinaon ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay. Nilapitan ko siya at minasahe ko siya.

"By, alam kong stress ka na. What if we should take a break?" Suggestion ko.

"Maraming pang dapat asikasuhin dito sa opisina. Saka na tayo magbakasyon kapag stable na lahat." Sagot nito. Tumango na lang ako bilang sagot. Pabalik na sana ako sa upuan ko nang pinigilan ako ni Kai.

"Kaano-ano ni Xander si Karina?" Tanong nito.

"Girlfriend."

Tumango siya at binitawan na ako. Lumabas muna ako sa opisina at pinuntahan si Rachelle.

"Bes, i need your suggestion." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Napapansin ko kasi mukhang stressed na stressed na si Kai dito sa kumpanya. And i wanted him to feel relaxed. Y'know." Sabi ko.

"Maghoneymoon kayo." Sagot niya. Almost nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Matagal na kaming kasal tas honeymoon pa rin?" Sagot ko.

"Hello, matagal na nga kayong kasal, pero wala pang nangyayari sa inyo and wala pa kayong anak. Ano kailan niyo ba balak?" Nakakunot na noong sabi ni Rachelle.

"May right time pa para dyan. Yung simple lang naman. Simple vacation." Sabi ko.

"Mag beach kayo. Or getaway somewhere far." Sagot niya. Tinapik ko naman siya sa balikat.

"Salamat." Then tumayo na ako at bumalik sa opisina. Nang maupo ako ay agad kong kinuha ang journal ko at dun isinulat ang mga magagandang gawin sa getaway.

"By una na akong umuwi. Magluluto pa ko ng dinner." Pagpapaalam ko.

"Magcocommute ka?" Tanong nito.

"Oo." Sagot ko.

"Hatid na kita. Male-late ako ng uwi eh." Sambit ni Kai.

"Hindi na. Busy ka eh." Sabi ko.

"I insist." At hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako palabas ng opisina. Dahil mapilit at wala akong nagawa ay sumakay na lang din ako. Nang makarating kami sa bahay, pinagbuksan ako ng pintuan ni Kai.

"Ingat ka pabalik sa opisina. Salamat." Paalis na sana ako nang hinila ako ni Kai paharap sa kanya at hinalikan niya ako.

"Sarapan mo yunv pagluluto." Sabi niya. He smiled and he turns back to his car, then droves away. Ako? Ayun. Naiwang tulala sa labas. Napahawak ako sa lips ko. Am i dreaming? Cause if yes, i don't want to wake up. Napailing ako at tuluyan nang pumasok sa bahay.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon