KARINA’S POV
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis dahil hindi si Kai ang sumagot ng tawag.
“Mukhang di maganda mood mo ah. Ano nakausap mo ba si Kai?” Tanong ni Xander.
“Hindi. Yung magaling mong April ang sumagot. Aish. Nakakainis.” at naupo na ako katapat ni Xander.
“Kailan natin maisasakatuparan plano natin na maghiwalay sila? Ikaw bakit di ka nagawa ng paraan? Ano laging ako?” sabi ko kay Xander. Napailing naman ito at unti-unti nitong inilapit ang mukha niya sa akin.
“Maghintay ka lag kasi. Okay? Mapapasaatin din ang mga taong gusto natin. Just wait for the right time.” paliwanag ni Xander. Hindi na ako makapaghintay na mabawi si Kai. Dahil kailangan kong bumawi sa kanya. Matagal na panahon din nung mawala ako. It’s time to take what’s mine.
KAI’S POV
I wonder kung bakit napatawag si Karina. Siguro regarding yun sa business. Nang matapos na ako maligo ay nagbihis na ako. Nakita ko si April na nakaupo sa kama habang nanonood ng tv.
“Di ka pa inaantok? It’s almost 11 pm.” sabi ko sa kanya.
“Nah. Ang haba ng naitulog ko kanina.” sagot niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at sinamahan na siyang manood. Hindi nagtagal, napansin ko na nakatulog na ito kaya naman dahan-dahan ko siyang hiniga para di ko siya magising at pagkatapos ay pinatay ko na ang tv. Pahiga na sana ako nang may tumawag ulit sa akin. Pagtingin ko sa caller id ay si Karina na naman.
“Hello?” sagot ko.
“Hello, Kai.” sambit nito.
“bakit ka napatawag?” Tanong ko sa kanya. Lalong lumalakas ang kutob ko na siya at si Kira ay iisa.
“Nothing. Kamusta yung bakasyon niyo?” tanong ni Karina.
“ayos lang naman.” tipid kong sagot.
’hmm… sige. Tulog ka na.” then she hanged up. Sa mga kinikilos ni karina these past few days, it bothers me. Pakiramdam ko na siya si Kira dahil marami silang similarities. Pero ayoko mag assume. Baka same lang sila ng characterisitics.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...