CHAPTER 31

1.4K 14 0
                                    

KAI'S POV

Agad kong pinuntahan ang lugar na tinext sa akin ni Xander. Nang marating ko ang jsang warehouse, nakita kong bukas ang pintuan nito kaya naman pinasok ko ito. Nakita ko si April doon na naka gapos sa upuan at nakabusal ang bibig. Agad akong lumapit dito at tinanggal ang tape na nakadikit sa bibig niya.

"Sinabi kong wag ka nang pumunta. Mapapahamak ka dito!" Inis na sabi nito.

"Shhh... Wag ka nang magalit. Ilalabas kita dito, ha?" Sabi ko sa kanya. Sinubukan kong tanggalin ang mga tali sa kamay niya nang biglang may pumukpok sa ulo ko.

"KAI!" Rinig kong sigaw ni April.

"Dumating ka na rin. Kanina pa ako nag aantay." Sambit ni Xander na nagpunta sa likod ni April.

"Pakawalan....mo...si April." Nanghihina kong sambit. Medyo umiikot na ang paligid ko dahil sa lakas ng pagkakahampas sa akin ng isa sa mga tauhan niya.

"Ako... Na ... Lang... Wag na si April." Sabi ko. Nakita kong umiiling si April habang naiyak.

"Maawa ka.. Sa pinagbubuntis niya." Sabi ko. Tinignan ni Xander si April at nilapit nito ang mukha niya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo April. Ako na lang ang mahalin mo." At saka lumapit sa akin si Xander.

--------------------*

APRIL'S POV

"XANDER!" Sigaw ko nang walang humpay nilang binugbog si Kai.

"Dito ka na mamamatay Kaile. Kapag nawala ka sa landas namin, ako ang mamahalin ni April." Sambit ni Xander. Pinilit kong tanggalin ang pagkakatali sa akin dahil gusto kong makalapit kay Kai. Gusto ko lapitan ang asawa ko na ngayon ay nagsasakripisyo para sa akin. Nilabas ni Xander ang baril niya at saktong natanggal ko ang pagkakatali sa akin, tumakbo ako niyakap si Kai at isang tunog ng baril ang umalingawngaw sa kapaligiran.

---------------*

KAI'S POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong nakayakap si April aa akin. Nang hawakan ko ang likod niya, nahawakan ko ang dugong umaagos dito.

"APRIL." Sambit ko at inihiga siya sa mga braso ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Lumaban ka April!" Sabi ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at ngumiti.

"Kapag.... Pinapili ka..... Iligtas mo ang anak natin."mahinang sambit ni April napailing ako sa simabi niya.

"Hindi pareho kayong ililigtas ko." Sabi ko. Nakita ko si Xander na natulala dahil si April ang nabaril niya. Tinignan niya ulitbako at akmamg babarilin nang nagsidatingan ang mga pulis na agad siyang inaresto. Agad na tumawag ng medics ang mg Pulisya.

"Naaresto na siya, April. Please. Lumaban ka. Para sa anak natin." Sabi ko.

"Ma....mahal....kita." At ipinikit niya ang kanyang mga mata. Dumating ang ambulansya. At habang nasa byahe papuntang ospital, ay nakapikit lang siya.

"By, wag kang matulog please." Sambit ko. Nang makarating na kami sa ospital ay agad siyang dinerecho sa delivery room. Dahil kritikal ang kondisyon niya at kailangan ilabas ang bata through cessarian. Wala akong magawa kundi ang mag intay sa labas at umasang mabubuhay ang asawa ko.

5 hours.

Limang oras na ang nakalilipas nanv biglang lumabas ang doktor.

"Dok kamusta ang asawa ko?" Tanong ko.

"Safe  yung baby. Since kabuwanan na niya, cinessarian namin siya. Unfortunately, your wife is in a crirical condition. May natamaan na ugat sa dibdib niya which causes internal bleeding. So under monitoring siya. Excuse me." At umalis na ang doktor. Inilipat na sa ICU si April. Pinuntahan ko muna ang anak namin na nasa incubator pa.

"Sir ano pong ipapangalan sa bata?" Tanong ng nurse sa akin.

"Savannah Marietta." At tumango ang nurse. Sunod akong pumunta sa ICU.

"By, gumising ka na. Im sorry. Di kita sinunod. By, babawi pa ako sa'yo. Just be with me." At nag straightline ang monitor. Dali-dali akong tumawag ng nurse. Pinalabas muna nila ako at cini-pr nila si April.

"Please..... Fight. For our family." At malaliman akong nagdasal.





A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon