KAI'S POV
Nang matapos na kami kumain ay umuwi na kami ni April.
"Kanina ka pa tahimik. Ayos ka lang?" Tanong ko kay April.
"Yeah im fine." Sagot niya. Alam kong hindi din siya komportable kay Karina.
"Ayusin mo na gamit mo. 7 am ang flight natin bukas." Sabi ko.
"Ahh oo nga pala. Yung getaway hahaha. Sige." Hinalikan niya ko sa pisngi at tumakbo na siya paakyat. Umakyat din ako at nakita ko siya sa kwarto na nag liligpit ng mga dadalhin niya. Nilapitan ko siya at niyakap ko siya patalikod.
"Bigla ka atang nanlalambing ngayon ah." Sabi niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya.
"Wala naman. Bakit hindi ba pwedeng lambingin ang asawa ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero nagaayos kasi ako ng gamit. Hahaha." Sagot ni April kaya kumalas na ako sa pagkakayakap.
"Pagkatapos mo, kakain na tayo." Sabi ko at bumaba na patungo sa kusina para magluto. Gustong gusto kong bumawi kay April. Ngayong natututunan ko na siyang mahalin, saka naman bumalik si Kira. What a concept.
(APRIL'S POV)
Habang nag aayos ako ng gamit, nakita ko ang isang kwintas na nakaipit sa jacket ko.
"Akala ko nawala ko na itong kwintas." Sambit ko.
<FLASHBACK>
Katatapos lang ng klase nang mapagdesisyunan namin nila Kai at Kira na tumambay sa open field para magpahangin.
"Huy bes may ibibigay ako sa'yo." Sabi ni Akira.
"Ano?" Tanong ko.
"Talikod ka tas pumikit ka." Agad kong sinunod si Kira. Naramdaman ko na may isinuot siya sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang kalahating pendant ng heart.
"Sign yan ng friendship natin." Sabay pakita sakin nung kanya na kalahati din.
"Walang iwanan ha?" Sabi ni Kira.
"Walang iwanan." At nag fist bump kami. Mula nung araw na yun, naging masaya at kumpleto kami.
<END OF FLASHBACK>
"I miss you." Sabi ko. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.
"By, kakain na." Agad kong pinahid ang mga luha ko. Nilingon ko si Kai na nakasandal sa pintuan.
"Okay." Ibinulsa ko muna yung kwintas at sumunod na kay Kai pababa. Biglang may tumawag sa akin na unknown number.
"Hello?" Tanong ko.
"April." Pamilyar ang boses nang nasa kabilang linya pero hindi ko matandaan kung sino siya
"Uhh, sino ito?" Tanong ko.
"Someone you and your husband should be feared of." Sagot nito then he hungged up.
"Who is it?" Tanong ni Kai. I just shrugged off.
"Nothing special." Sagot ko. Naupo na kami at nagsimula nang maghapunan.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...