APRIL’S POV
“huy ayos ka lang ba?” tanong ko kay Kai. Tumngo naman siya. Parang kanina pa siya wala sa sarili niya. Okay pa naman siya kaninang hapon pero ngayon nag iba siya.“bukas tayo pupunta sa The Ruins . Tapos babalik na tayo sa Manila. Marami rami na tayong naiwan na trabaho.” sabi nito habang kumakain. Tumango naman ako. May point naman kasi si kai. Masyadong mahaba na ang leave namin.
“Punta tayong department store.” pagyayakad ni kai.
“Anong gagawin mo dun?” tanong ko.
“Bibili ako ng new set ng suit and tie. For work.” sagot nito. Napailing na lang ako. Kaya naman nang matapos kami kumain ay dumeretcho na kami sa department store.
“I want this.” sabay turo niya sa gray suit.
Nang matapos na kami mamili ay nagtungo kami sa mga dresses. Siyempe di papakabog ang ate niyo, hindi ako papayag na si kai lang ang may bibilhin kaya naman ay bumili ako ng tatlong dress at tatlong set ng blouse. Nang matapos na kami mamili ay bumalik na kami sa hotel.
“Phew! Nakakapagod magshopping.” pagrereklamo ni Kai sabay higa sa kama.‘Parang last month kakabili mo lang ng suit and ties tas bumili ka na naman.” pagrereklamo ko. Agad akong hinila ni Kai pahiga sa kanya. Kaya sa ibabaw niya na naman ako bumagsak.
“nagereklamo na naman ang misis ko eh.” sabay tawa. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
“heh. Maglinis ka na ng katawan mo at tayo’y matutulog na.” sambit ko.
“sama ka--aray!” pagrereklamo ni Kai matapos ko itong kutongan. Tumayo na ito at nagtungo na sa banyo. Habang inaayos ko ang mga gamit ay biglang nagring ang phone ni Kai. Kaya naman kinuha ko ito at nakita ko sa caller id na si Karina ang natawag kaya sinagot ko ito.
“Hello? Kai?” Sabi nito.
“Si April ito.” sagot ko. Panandaliang natahimik ang kabilang linya.
“Si Kai?” tanong ni Karina.
“Naliligo pa siya eh. Sasabihin ko na lang na tumawag ka.” sagot ko.
“Sige. Kamusta bakasyon?” tanong nito.
“ayos lang. Eh kayo ni Xander? Kamusta?”
“Eto stay strong pa rin. Haha. Osya sige. I’ll hang up na. Bye!”Agad nitong pinatay ang tawag.
“By, sinong tumawag?” halos mapatalon ako nang makita ko si Kai na nakasilip sa pintuan.
“Ah si Karina.” Napakunot naman ang noo ni kai.
“Bakit daw?”
“Ewan. Hindi sinabi. Sige na maligo ka na.” tumango naman siya at sinara ang pintuan ng banyo.
Ayokong magisip ng kung ano-ano. Ayokog isipin na kabit ni Kai si Karina. Aish. Ano ba April? Wala yun okay. Trabaho yun. Napailing na lang ako sa mga thoughts na umapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...