CHAPTER 8

1.2K 20 0
                                    

XANDER'S POV

Pagkatapos ng meeting ay agad kaming umalis ni Karina.

"Di mo ba ipapaalam sa kanila?" Tanong sa akin ni Karina. Nilingon ko siya at umiling.

"Masaya na sila. At ayokong sirain yun sa pagbabalita na malapit nang bumalik si Kira."
Sagot ko. Hindi ko sinabi sa kanila na nasa states lang din si Kira. Naging schoolmates kami nung college. Ayaw niyang ipaalam kila Kai at April ang tungkol doon.

"So aantayin mo pa na magkagulo sila?" Tanong ulit ni Karina.

"Nope. Malalaman at malalaman nila yun. So why bother telling them, right?" Tumango naman si Karina at tuluyan kong pinatakbo ang kotse.

(APRIL'S POV)

Agad akong inihanda ang mga sangkap na gagamitin ko para lutuin ang paboritong pagkain ni Kai. Mahilig kasi siya sa chicken curry kaya naman yun ang lulutuin ko. Habang nag-gagayat, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Nakakagulat lang yung nangyari kanina. My husband kissed me. Sabihin na nating normal na sa mag-asawa yun, pero si Kai? Ay jusmiyo. Magpapadasal na ba ako? Habang nagluluto ay iniisip ko na rin kung saan maganda magbakasyon.

"Dalhin ko kaya siya sa bohol? Or sa Baguio? O kaya sa Puerto Gallera?" Bulong ko. Napailing naman ako. Im pretty sure di yun papayag sa ngayon lalo na't busy yun sa opisina. Nang matapos na ako magluto ay nanood ako ng tv. Napatingin ako sa orasan and it was already 8:30 pm. Anong oras kaya uuwi yun si Kai. Para sabay kaming kumain.
Papunta na sana ako sa kusina nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Mukhang dumating na si Kai.

"Hmm... Chicken curry." Sabi ni Kai pagkapasok pa lang niya sa bahay.

"Hehe. Tara kain na tayo?" Pag yayakad ko.

"Ba't di ka pa nakain?" Tanong niya.

"Eh kasi para sabay na tayo kumain. Tsaka para may kasama ka." Sagot ko. Ngumiti naman siya at inakbayan ako. Sabay kaming nagtungo sa kusina. Naupo na siya samantalang ako ay inihahanda na ang pagkain.

"By, balak ko sana mag out of town tayo kahit next week." Sabi ko.

"Saan naman?" Tanong niya. Napakamot naman ako ng ulo dahil kahit ako ay di ko alam.

"Uh.. Boracay?" Sagot ko.

"Parang di ka sure." Tinignan ko siya at bigla naman siyang ngumiti.

"Actually, di ko rin kasi alam kung saan." Nahihiya kong sagot.

"Sige. Punta tayo sa Boracay. Tapos sunod, punta tayo sa "The Ruins" sa Bacolod City. Then sa Cavinti, Laguna, maraming falls doon. Punta tayo sa Enchanted Kingdom. Alam kong mahilig ka sa mga amusement park." Sabi niya. Napanganga ako ng hindi oras dahil sa dami ng mga sinabi niya.

"S-seryoso ka ba dyan?" Amaze kong tanong. Napailing siya at agad na kinuha ang phone niya.

"Rachelle, ipagbook mo kami ni April ng hotel sa Boracay. Good for 3 days. Pa book mo na rin kami ng flight." Sabi nito at pagkatapos ay ibinaba agad nito ang kanyang cellphone.

"Seryoso ka nga." Sambit ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya, lumapit siya sa akin at hinalikan ako. It was a soft passionate kiss. I wrapped my arms around his neck. Binuhat niya ako at hiniga sa couch dahilan para nasa ibabaw ko siya. Yung passionate kiss ay napalitan ng french kiss. He starts to roam his hands in my thigh. I started to unbutton his shirt nang biglang nagring ang phone niya. Nagkatinginan muna kami.

"You should take that call. Baka mahalaga." Sabi ko.

"Can i later?" Sabi niya.

"Dali na. Baka tungkol sa work yan. Go ahead." Kaya umalis siya sa ibabaw ko at kinuha ang phone niya para sagutin ang tawag. Ako naman ay inayos ko ang skirt ko na nakataas.

"By, i have to go back at the office. Nagkaroon lang ng emergency. I'll be back." Then he kissed me on my forehead then he left. Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at naglinis na ng katawan, pagkatapos ay nahiga na ako.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon