APRIL'S POV)
Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming umalis ni Kai. Bubuksan ko pa lang ang kotse ko nang tinawag niya ako.
"Dito ka na. Para makatipid tayo sa gas." Sabi nito. Napangiti naman ako at pinagbuksan niya ako ng pintuan sa may passenger's seat. Pagkasakay niya ay agad na kaming nagtungo sa office. Ang sarap sa pakiramdam yung tipong matagal tagal kayong hindi ayos tapos biglang nagbago ang lahat. It's so great and im so greatful to that.
"Good morning Ma'am and Sir." Pagbati sa amin ng mga empleyado. Halata sa mga mata nila ang gulat dahil magkasama kaming pumasok ni Kai. Kung sabagay, si Khim lagi ang kasama niya pagpasok. Syempre kasama namin si Rachelle.
"Rachelle, simula ngayon ikaw na ang secretary ni Kai." Halatang gulat si Rachelle sa sinabi ko.
"Paano ka?" Tanong ni Kai.
"I'll find my own. Magbehave kayo or else." Pagbabanta ko. Natawa naman si Rachelle at hinampas ako.
"Ano ka ba naman bes! hahaha may boyfriend na ako noh. Baka mabengga ako kung magloloko ako lalong lalo sa'yo, mula nung ibinalita mo yung kay Khim. Geez". Sambit ni Rachelle.
"Syempre biro lang. Osya, sa office lang ako." Pagpapaalam ko. Palabas na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Kai.
"Dito ang office mo." Sabay turo sa vacant table na nasa right side niya. What the. Pagsamahin daw ba naman ang office ng CEO sa COO. Sabagay ayos na ito para magkasama kami.
"Eh saan ako?" Tanong ni Rachelle.
"Dun."sabay turo dun sa desk na malapit lang sa office.
"Oh okay. Mauna na ko." Then lumabas na si Rachelle.
Agad akong nagtungo sa desk ko para ayusin ang mga gamit ko. Nang bigla akong yakapin ni Kai sa likod.
"Wag ka na maghanap ng secretary. Si Rachelle na lang secretary natin pareho." Sambit ni Kai. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Baka may makakita pa. Tara na't magtrabaho." Bulong ko sa kanya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap at nagtungo na sa desk niya. Habang nagtatrabaho, di maalis sa isip ko kung gano kasweet si Kai ngayon. Parang bagong kasal lang ulit kami.
<FLASHBACK>
"Do you, April Shaina Mari Pineda, accept Kaile Jomari Chua to be your lawfully husband through richer and poorer, through sickness and in health, till death do you part?"
"Yes, i do."sagot ko.
"Do you, Kaile Jomari Chau, accepts April Pineda to be your lawfully wife through richer and poorer, through sickness and in health, till death do you part?" Matagal na katahimikan ang bumalot sa simbahan. Kinakabahan ako na baka maging runaway groom ko ang isang ito at kinakabahan ako sa magiging sagot niya kaya naman tumungo ako. Kasi i know from the beginning.
"Yes, i do"
Laking gulat ko nung nag "I do" siya. It was a dream come true for me. Kaya nung nag "You may now kiss the bride" portion na, pakiramdam ko ang mga paru-paro sa tyan ko. Until he kissed me. A week after ng kasal namin, naging sweet siya. At dun, mas lalo ko siyang minahal.
May isang beses na nagpunta kami sa isang park. Nag bike kami at naglakad lakad.
"By, alam mo masaya ako." Sabi ko sa kanya habang nakain ng ice cream.
"Halata naman e." Sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. And it was the wonderful moment that i spent with him.
<END OF FLASHBACK>
Di ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yun. Kailan kaya mauulit yun? Hays.
"Tara lunch tayo."
Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Kai. Tumango naman ako at niligpit ang gamit ko.
"Tara." Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Kai.
"Bakit?" Tanong ko. Mula sa pagkakahawak niya sa braso ko, ibinaba niya ito sa kamay ko.
"We should walk like this starting today." He smiled. Natulala naman ako sa kanya. Ang cute talaga ng dimple niya. At nagsimula na kaming maglakad.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...