APRIL'S POV
"Uy picturan mo ako dito." sabi ko kay Kai. Pumuwesto na ako at...
"1...2...3..." sabay flash ng camera ng phone niya.
Agad akong tumakbo sa kanya para tignan yung picture. Nasa "The Ruins" kami ngayon dahil hapon ang flight namin pabalik ng Manila kaya naman after lunch kami nagtungo dito.
"Alam mo ba na itong The Ruins ay remains na ng ancestral home ng pamilya ni Don Mariano Ledesma Lacson at Maria Braga Lacson? At inspired ito by Italian architecture." sabi ni Kai.
"Talaga? Kaya ba tinawag itong The Ruins?" tanong ko kay Kai.
"yup. Sinunog ito ng mga Guerillas noong kasagsagan ng World War 2 para di ito magamit bilang military office ng mga Sundalong Hapon na sumasakop sa atin noon." pagpapaliwanag ni Kai. Tinignan ko lang siya at ngumiti.
"Bakit mo ako tinatawanan?" tanong nto sa akin. Pinisil ko naman ang pisngi niya.
"Pwede ka na maging tour guide. I wonder kung bakit naging business man ka." sagot ko at tinawanan siya. Nagulat ako nang naglakad siya at may kinausap na photographer.
"Halika." hinila niya ako at pumuwesto kami kung saan background namin ang bahay.
"okay...1...2....3..." sabi nung photographer. I smiled kasabay ng pagclick ng camera.
"Isa pa." sabi nung photographer. Nagbilang ulit siya pero nung malapit na sa huling bilang ay iniharap ako ni Kai sa kanya at hinalikan niya ako.
Click
Nang matapos na ang picture taking ay ngumisi si Kai sa akin habang ako ay naiwan lang na tulala doon.
"Ano wala ka pa bang balak umalis diyan? Baka malate tayo sa flight natin." agad kong nilingon ang walangyang lalaking yon at sabay kaming umalis. Kinuha muna namin ang souvenir na picture namin dun kahit medyo nahihiya ako dun sa last pic. Hiningi din ni Kai ang kopya nung mga picture at sinave sa phone niya. Napaka talaga kahit kailan. Bumalik muna kami sa tnutuluyan naming hotel para kunin ang gamit namin.
Habang nasa biyahe, ay tahimik lang kami ni Kai. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Nag enjoy ka ba sa bakasyon natin?" tanong nito sa akin.
"sobra. Thank you." sagot ko. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay narating na namin ang paliparan. Nag check in kami at inantay na ang eroplanong sasakyan namin pabalik ng Manila.
BINABASA MO ANG
A Moment With You [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] Can true love can beat the power of first love? Anong laban ng pusong nagmamahal ng tunay sa taong unang minahal? Would she fight for her love? or she would surrender for his happiness? Cover by: Canva Date started: November.22,2018 Date...