CHAPTER 17

1K 12 0
                                    

KAI’S POV)

“hmmm”iminulat ko ang mga mata ko nang maalimpungatan ako. Napatingin ako sa tabi ko at mahimbing pa rin na natutulog si April. Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table.

“it’s already 7 pm and yet she’s asleep. Mukhang napagod siya.” natawa naman ako sa sinabi ko. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. At mamaya lang gigisingin ko na si April para maghapunan. Nang matapos na ako maligo ay saktong nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagetext.

Fr:0915*******

Hey Kaile. Miss me?

Napakunot naman ang noo ko kung sino ang nagtext sa akin.

To: 0915*******

Who are you?

*beep*

Fr:0915*******

Kira

I almost dropped my phone sa nabasa ko. Impossible. Pati number ko nalaman niya.

Fr:0915*******

Nasa hotel ka right now. Kasama si April. So is this your honeymoon?

Gigil kong nagtype para replayan siya.

To:0915*******

None of your business.

Pagkatapos nun ay hindi na siya nagreply. Subalit may isa pang nagtext.

Fr: Mr. Domingo

Meron ka na lang 6 months para bayaran ang 4.5 million mong utang. Alam mo ang pwedeng maging kabayaran kapag hindi mo nabayaran o tatakasan mo ako.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. 6 months na lang pala. I almost forgot about it.

“Kanina ka pa gising?” naatingin ako sa higaan at nakita ko si April na gising na at nakatingin sa akin. Tumango naman ako.

“tara’t magdinner.” sabi ko.

“Give me a minute.” agad siyang bumangon at pinulot ang mga damit niya. At saka siya dumeretcho sa banyo para maligo din. Nagpatawag naman ako ng housekeeper para papalitan ang bedsheets gawa ng bloodstain. Nang matapos na ang housekeeping ay naupo na ulit ako sa kama. At inantay matapos si April. Ayoko sabihin sa kanya ang tungkol sa 4.5 million na utang ko. Dahil alam kong mag-aalala yon. Pero kapag hindi, nasa panganib ang buhay niya at ang kumpanya namin. Ayoko nang madamay siya dahil sa mga katrarantaduhan ko noon.

“Huy, ayos ka lang?”

Halos mapatalon ako nang biglang nagsalita si April sa gilid ko.

“k-kanina ka pa ba dyan?” tanong ko.

“slight. Kanina pa kita tinatawag kaso mukhang lutang ka eh. Ano bang iniisip mo?” tanong ni April sa akin. Umiling naman ako bilang tugon.

“Basta kapag may problema ka sabihin mo sa akin. Okay? So for now, saan tayo magdidinner?” tanong ni April. Shit. Makakalimutan ko pa.

“Tara sa Sm Bacolod.” sagot ko. Tumango naman siya at agad kaming umalis.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon