CHAPTER 21

1K 13 0
                                    

KAI’S POV

It’s already 7 pm nang makarating kami sa Manila. Pagkarating namin sa bahay ay agad na natulog si April dahil pagod ito sa biyahe. Agad ko namang tinawagan si Rachelle para tanungin ang progress sa opisina nitong mga nakaraang araw. Kasalukuyan kong ginagawa ang isang proposal para sa kliyente namin nang biglang may tumawag sa akin.

“Hello?” sambit ko.

“Maaari ba tayong magkita? Balita ko nakauwi ka na.” tanong ni Karina.

“Anong rason at bakit tayo magkikita?” tanong ko.

“May sasabihin ako. Importante.”

“sige. Itext mo na lang kung saan.” pagkatapos ay binaba na niya ang tawag. Hindi nagtagal ay ay nareceive ko na ang text ni Karina. Agad akong nagtungo sa lugar na sinabi niya. Laking pagtataka ko kung bakit dun sa dating tagpuan namin ni Kira gusto niya makipagkita. Nakita ko siya dun na nakatayo.

“Paano mo nalaman ang lugar na ito?” tanong ko sa kanya.

“I need your love. I need your time, when everything’s wrong, you make it right. I feel so high, I come alive, I want to be free with you tonight, I need your love.” halos manlambot ako nang kinanta niya ang huling kanta na kinanta ko kay Kira bago siya nawala.

“Kira?” tumango naman siya bilang tugon.

“Kaile….” Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Ang matagal ko nang hinahanap at iniintay, nasa harap ko na subalit sa ibang katauhan.

“a-anong… kung nagbibiro ka hindi to nakakatawa.” sabi ko. Umiling naman siya.

“ako ito. Si Akira.” sambit niya

“Bakit… paano..” hindi ko na matuloy ang sasabihin ko.

“I miss you.” sabi ni karina.

“Miss? Nawala ka lang bigla, nawala ka nang walang paalam tapos sasabihin mong miss mo ako?” galit kong saad sa kanya.

“Hayaan mo akong magpaliwanag. I planned to tell you na aalis ako. Pero di ko kaya…naaksidente ako. I undergo plastic surgery dahil sa pangyayaring yun. Sobrang lungkot ko dahil alam kong di mo na ko makikilala.” pagpapaliwanag niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. May part sa akin na mahal ko pa siya, pero may part na si April na ang minamahal ko. Lumapit si Karina sa akin at niyakap ako.

“Magumpisa ulit tayo. I love you, Kaile.” sambit nito at saka ako hinalikan. Bahagya ko siyang tinulak palayo.

“May asawa na ako. At kaibigan mo pa. Masasaktan mo siya. Masasaktan natin siya.” sabi ko sa kanya.

“She’ll never knew. I just want to give our love a second chance. Will you? I heard dumating na yung divorce papers. Bakit hindi mo na papirmahan sa kanya? Para masaya na tayong mamumuhay.” sabi ni Karina.

“Think of it.” tinapik niya ako sa likod saka siya naglakad paalis. Naiwan akong tulala at patuloy na tumutulo ang mga luha. Ayokong masaktan si April. Pero ayokong paasahin si Kira.

APRIL’S POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na wala si Kai sa tabi ko. Tinignan ko ang orasan namin and it was 2 am. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero unattended, hinanap ko siya sa office niya sa bahay, wala din siya.

Makalipas ang dalawang oras ay dumating siya. Halatang lasing siya dahil sa pintuan pa lang ay pagewang-gewang na ang lakad niya. Tumakbo na ako para alalayan siya papunta sa kwarto.

“ano bang pumasok sa isip mo at naglasing ka ng ganyan?” tanong ko sa kanya, subalit ito’y nakatulog na. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ko siya. Pagkatapos ay pinalitan ko ang suot niyang damit. Bumalik na ako sa pagkakahiga nang bigla akong niyakap ni Kai.

”hmm….Mahal…ki--ta… Ap….ril.hmmm” sabi niya. Humarap ako dito pero nakapikit siya. Hinaplos ko ang mala-anghel niyang mukha.

“I love you too.” at tuluyan na akong nakatulog.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon