CHAPTER 30

1.2K 14 0
                                    

APRIL'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ako'y magogrocery pa. Palabas na ako nang bahay nang tinawag ako ni Kai.

"By, saan ka pupunta?" Tanong ni Kai.

"Magogrocery lang ako, by" sagot ko sa kanya.

"Samahan na kita." Pagpepresenta niya.

"Nah. No need, i'll be back." Sabi ko. I gave him a kiss at tuluyan na akong umalis. Pumasok na ko sa kotse ko at pinaandar na ito. Hindi nagtagal ay may natawag sa akin.

"By miss mo na agad ako?" Sambit ko dito.

"Oo by. Nagaalala ako sa'yo." He answered.

"Why?" Tanong ko.

"Wala lang. Basta. Balik ka kaagad." Napangiti naman ako dahil sa sinasabi niya.

"Ahhhhh." Napapreno ako nang hindi oras nang biglang may van na humarang sa daraanan ko.

"By? Ayos ka lang?" Rinig kong sabi ni Kai sa kabilang linya. Hindi nagtagal ay lumabas ang mga lalaking naka bonnet at naka masks. Agad kong ibinaba ang tawag at binuksan nila ang pintuan sa driver's seat.

"Sumama ka sa amin, April." Naluluha akong bumaba dahil sa takot at isinakay nila ako sa van nila.

"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanila.

"Wag ka na ngang madaming tanong. Ang ingay mo eh." Kaya naman nanahimik na lang ako at nagdadasal sa kaligtasan namin ng anak ko.

-----------------------*
KAI'S POV

Nakaramdam ako bigla ng kaba nang binaba ni April ang tawag. Sinubukan ko ulit siya tawagan ngunit naging out of coverage area na ito. Hindi kaya ngayon ginawa ni Xander ang plano niya? Agad kong tinawagan si Xander.

"Napatawag ka ata Kai." Then he chuckled.

"Saan mo dinala si April?!" Galit kong tanong sa kanya.

"She's beside me." Sagot neto.

"Kai.. " umiiyak na sabi ni April.

"April.. Ayos ka lang ba? Hihingi ako ng tulong ah?" Sabi ko.

"Uh-uh. Di pwede. Kung gusto mong makitang buhay ang asawa mo, pumunta ka dito." Sabi ni Xander.

"KAI WAG KANG PUPUNTA... AYOS LANG AKO!" Rinig kong sigaw ni April. Nasuntok ko na lang ng hindi oras ang pader ng bahay namin.

"Sige. Pupunta ako. Itext mo address." Then i hanged up. Tinawagan ko naman si Rachelle.

"Hello, sir?" Sagot nito.

"Nasa panganib si April. Kinuha siya ni Xander. Isesend ko yung address kung san kami magkikita. Humingi ka ng tulong." At ibinaba ko agad ang tawag. Natanggap ko agad ang text ni Xander. Agad akong umalis at nagtungo sa lugar na sinabi niya.

A Moment With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon