Game
"Oh, Gabriella! Gising na! Tanghali na oh! May pasok ka pa," sabi ng nanay ko sabay tapik sa likod ko habang nananaginip pa ako ng magandang panaginip. Pano ba naman, eh si Taehyung yung nasa panaginip ko. Panira naman oh!
"Opo babangon na nga po!" Sabi ko habang kinukusot ang mga mata.
I am a hardworking student. Yung tipong aral nang aral but I still manage to get along with my family and friends as well. Bunga naman nito ang pagiging consistent honor student ko simula kindergarten hanggang ngayong nasa 11th grade na ako.
I am not the typical type of girl who's really close with all of my family members. I'm not talking that much unlike when I'm with my friends.
"Gabbie! May laro sina Tito Hector ngayon sa plaza, hindi ka ba manonood?" Tanong ni Grace, pinsan ko.
"Uh hindi na siguro. Marami pa kong gagawin sa bahay. Next time na lang," sabi ko.
"Huh?" Pagtataka niya. "Eh ano namang gagawin mo don? Tapos na tayo sa mga school projects natin, ano pa gagawin mo sa bahay?"
"Marami pa couz'. Kaya kung gusto mong manood ng laro nila, punta ka na lang don mag isa, okay?" Sabi ko.
Dahil sa sinabi ko, kitang kita ko sa mga mata nya ang pag kadismayado at pagkalungkot dahil hindi ko sya masasamahan sa panonood ng laro.
"Ganun ba? Sige di na lang ako manonood. Sayang naman di ko makikita si crushie," may bakas ng kalungkutan sa kaniyang mukha.
I sighed. "Sige na nga! Sasamahan na kita. Basta hindi tayo magtatagal ha?"
"Yes!" Masigla niyang sabi. "You're the best cousin ever! Thank you couz'!" sabay hila ng aking kamay at dali daling pumunta sa court.
"You know what? Kung hindi lang kita pinsan, aayaw talaga ako. You know I'm not into basketball," I said.
Pagdating namin sa court, ang daming mga nanonood. Palibhasa mga sikat ang mga naglalarong ito kumpara sa ibang naglalaro ng basketball. Halos lahat ng mga babae si tito Hector ang sinisigaw. At sa tuwing nakaka shoot sya panay ang tilian ng mga ito.
Si tito Hector ay kapatid ng aking ama. 10 years lamang ang aming agwat sa isa't isa at siya ang pinakabunso sa magkakapatid. Magaling din syang maglaro ng basketball kaya maraming nagkakagusto sa kanya.
Masyadong dikit ang laban ng dalawang team. Oo, magaling and team ng mga tito ko pero magaling din naman ang kabilang team. Marami din silang fans. Pinagmasdan kong mabuti ang mga galawan ng bawat isa sa kanila. May nakapukaw sa atensyon ko at yun ay yung lalaking mula sa kabilang grupo. Mas matangkad sakin, katamtaman ang katawan, at higit sa lahat, gwapo.
"Oh, Gabb? Hindi mo ba ichecheer si Nygel? Ang galing galing nya oh!! Kaya crush na crush ko yon eh! " Sabi ni Grace sa akin.
"Cheer mo na lang siya. Tutal ikaw naman may crush don hindi ako. Makipag sabayan ka sa mga nagchecheer doon oh!" Sabi ko sabay turo sa mga nag c-cheer kay Nygel.
"Ganyan ka na ba talaga ka KJ ngayon ha?" ani Grace.
"For your information, hindi ako KJ. Ayoko lang talaga kase mapapaos lang ako sa wala at hindi naman ako yung tipo ng babae na ichecheer yung idol nya or yung crush nya. Okay?" Paliwanag ko sa kanya at sa wakas tumahimik na rin sya.
Nag time out ang coach ng team nung kabila. Napansin ko na nakatingin sakin yung lalaking pumukaw sa atensyon ko kanina habang may ipinapaliwanag ang coach nila. Hindi ko masigurado kung sa akin ba talaga siya nakatingin o baka naman sa mga katabi ko o yung nasa likod ko. Sa kabilang panig naman, panay pa rin ang tilian ng mga babaeng haling na haling kay Tito Hector.
"Huy! Tignan mo oh! Nakatingin sa akin si Hector! Oh my gosh!" ani nung babae.
"Hindi kaya! Sa akin kaya sya nakatingin! Tignan mo pa!" Sabi naman nung isa habang tinatansya ang tingin ni tito at ang mata nung babae. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mandidiri sa mga babaeng ito. Tahimik na lamang akong nanood muli ng laro nila.
Natapos na ang laro at mukhang pagod na rin si Grace. Mas una pang napagod sakin. Umuna na syang umuwi kasi malayo pa ang bahay nila kumpara sa bahay namin na medyo malapit lapit lang. Sabay na kaming umuwi ni tito kasi may kukuhanin din sya sa amin.
"Gabbie teka lang ha? may pupuntahan lang ako." ani Tito Hector.
Tumango ako. Nagulat ako dahil nilapitan nya yung lalaki kanina mula sa kabilang team. May pinag uusapan sila, nagtatawanan pa nga. They seem really close. I wonder how and why.
"Tara na Gabb," ani tito.
Nakauwi na ako at talagang hindi ko pa rin maalis sa aking isipan yung lalaking iyon. Biruin mo, close sila ni Tito Hector? I wonder what his name is?
Kinabukasan ay may laro na ulit sila, same teams. Niyaya na naman ako ni Grace na manood at gusto ko rin naman manood tutal Sabado naman. Nakita ko na naman yung lalaking yon. Nacu-curious na ko kung sino yon ha. Ang galing maglaro, mahitsura pa!
"Grace? Sino yon?" Tanong ko kay Grace sabay turo dun sa lalaking yun.
"Ahh yon ba? Si Henry yon, bakit? Crush mo?" She smirked at me. Alam ko na kaagad kung ano ang kaniyang ipinapahiwatig.
"Baliw, hindi 'no! Close na close sila ni Tito Hector eh... 'tsaka masama bang magtanong?" Tanggi ko.
Seems like she doesn't believe in what I say. I glared at her.
"Sya si Michael Henry Simpson. Uh... oo, close sila ni tito kase magkaklase sila nung elementary and nung college. Both from De La Salle University, they're best friends as well!" ani Grace.
Meaning, 27 years old din lang sya? Woah.
"Ah... okay," tipid kong sagot.
"You're not the type of person who really asks for infos or names of others unless you're interested in him or her. Meaning-" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.
"Hindi nga sabi eh! Tumigil ka nga!" naiirita kong sabi sa pinsan ko kaya tumigil na sya.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Teen FictionLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...