Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si Allen at Grace na naroon sa aming table. Mabilis ko silang nilapitan.
"Uh.. masyado ba akong naging matagal?" tanong ko.
"Hindi naman. Sobra lang," sabi ni Allen.
Tumawa naman si Grace. "Yaan mo na Allen... malay mo may comeback diba?" Sabay baling ng kanyang mata sa akin.
"What do you mean?" I asked. Did they see it?
"Sus! Gabb we saw everything! Niyayakap ka pa niya eh! So sweet!" ani Grace.
I rolled my eyes. "It's not sweet."
"It is!" ani Grace habang tumatango-tango naman si Allen.
"Mabuti pa umuwi na tayo," sabi ko sa kanila.
"Alright."
Kinabukasan, pagod ako. Hindi naman ako ganoong nalasing pero parang pagod na pagod ako kagabi. I checked my phone and there was a message coming from... Mike.
Mike:
Good morning! May lakad ka ba today? Labas naman tayo!Ako:
Sorry Mike ah? I'm very tired up until now kasi... maybe next time! Really sorry :((Siguro naka 3 minutes bago siya nag reply sa aking message.
Mike:
Oh... I see. Alright rest well! I'll just reschedule it once you're okay now. :)I didn't reply him again. Bumangon na lamang ako at naghanda para sa trabaho.
Tanghali na at biglang kumatok sa office si Joanna, may dalang lunchbox. "Ma'am lunch daw po para sa inyo."
Ngumiti naman ako at inabot iyon. "Kanino raw galing?"
"Hindi ko po alam Ma'am eh... may kailangan po ba kayo?" tanong niya.
"Wala naman. I'll just call you if I need anything. Thank you," sabi ko. Tumango naman siya at umalis na sa office.
I saw a sticky note on the top of the lunchbox.
"Kain lang ng kain. Hope you enjoy the food, ako nagluto niyan."
-MHLS.MHLS? Michael Henry Limbo Simpson?
Binuksan ko na kaagad ang lunchbox at napaka halimuyak ng amoy nito. Adobong manok ang ulam. Seems delicious! Teka nga Gabb, bakit masyado ka naman atang naeexcite na tikman ang luto niya? Hindi ba dapat h'wag tikman kasi sa kaniya galing?
Wala na akong magagawa. Natikman ko na, nakain ko na. Wala na finish na.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. It was Henry. I don't know what to do! Natataranta ako!
"H-hello?" I said.
"How's the food?" he asked.
"Uh...o-okay naman," nagkakandautal-utal kong sinabi. What the hell Gabbie?
"Are you okay? Nagkakandautal-utal ka... masyado ba akong malakas ang dating?" He chuckled. Damn, this man!
"Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko sabay baba sa telepono.
Iritang irita talaga ako sa lalaking ito! Why does he has to be like this all the time? He's pissing me off!
Nagpatuloy na lamang ako sa aking gagawin nang biglang tumunog na naman ang aking telepono. Hindi ko na natignan yung caller. I'm sure it's Henry again.
"Ano ba? Tumigil ka na nga!" Naiirita kong sabi.
"Woah Gabb, chill! It's me, Mike," ani nito. Holy crap!
"Oh! M-Mike! Sorry I thought you were the person who called me kanina... I'm very sorry," sabi ko.
"No, it's okay. Sino ba 'yon? Sugudin ko na ba?" ani nito.
"He's just a nobody... by the way, napatawag ka? Do you need anything?" pag-iiba ko sa topic.
"Ahh... wala naman. Kakamustahin lang sana kita... but it seems you're busy so," ani Mike.
"Well, I'm a bit busy right now but it's fine. I'm okay naman. How 'bout you?" I said.
"I'm a bit busy din, are you free tonight? Balak sana kitang yayain sa dinner? It's been a long time since we went out on a dinner," sabi niya.
"Uh... I'm not yet sure eh... I'll just text you if I'm free tonight," I said, a little bit sad.
"Sure, no prob. Baka naman kaya hindi ka na masyadong free ngayon ay may boyfriend ka na?" sabi niya. I couldn't speak. "Just kidding."
I laughed weakly. "W-wala naman..."
"Sige Gabb, I'll hang this up. I still have a lot of things to do and you as well. Text me later, okay?" sabi niya.
"Alright. Bye!" I said then hung up the phone.
I spent the succeeding hours on doing my other works. This is a very tiring day. Nagugutom na 'ko eh. Bigla namang tumunog ang phone ko.
Henry:
"I'm here downstairs."He's here? Ano na naman bang ginagawa ng lalaking 'to rito? Ugh!!!
Bigla namang kumatok si Joanna, ngiting ngiti sa akin. "Ma'am, nag-iintay na po si Sir Henry sa baba. Kung gusto niyo raw po s'yang papasukin dito sa loob ng office n'yo."
Ang kapal rin ng pagmumukha ng lalaking 'to 'no! "No. Just tell him to go home. I don't need him," sabi ko.
"Pero Ma'am-"
"Uh!" pag wawarning ko sa kan'ya. Tumango na lamang siya.
Dinungaw ko naman si Henry sa baba. Nakatingin siya sa akin, kumindat pa. Lakas din!
Nagpatuloy na lamang ako sa pagtatrabaho. Konti na lang naman ang aking gagawin, tapos makakauwi na rin ako sa wakas.
Pag baba ko, nando'n pa rin siya. Wow naman, nag-intay talaga? Kaso nakatulog na siya roon. Parang ayoko namang gisingin, mukhang pagod na rin eh.
Nilapitan ko na lamang siya. Dahan dahan ko siyang pinuntahan upang gisingin pero napatitig ako sa kanyang mga mata. Habang malapit na ako sa kanya, nakikita ko ang kanyang mukha. Ang kanyang mapupungay na mata, ang matangos niyang ilong, ang kanyang malambot na labi, lahat.
Siya yung tipo ng tao na madaling mahalin. Mabait, masunurin, nag-iinom pero hindi sobra sobra. Malambing, mapagmahal, lalo na sa pamilya. Mahal na mahal ko s'ya noon eh. Pero nagawa niya pa rin akong lokohin. Many questions are still not yet answered. Pero kahit gaano pa kalaki ang pagkakamaling nagawa mo sa akin, I can't help but forgive you.
I guess I still haven't moved on. I guess I still love you.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Teen FictionLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...