Chapter 26

41 6 0
                                    

    Pati boses, siyang siya! Bakit ganon? Wala namang kambal si Henry? And one more thing, his movements are exactly Henry's!

"Gabb," si Aldrei. "May problema ba? All of a sudden, bigla mo na lang tinatawag na Henry yung lalaking iyon."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Look," aniya. "He's gone for almost a year now. Pitong buwan na ang nakakalipas at kung buhay siya, he should return to you, or even to his family. But did he come back? Did you even see him? Hindi naman diba?"

I looked at him with a hopeful eyes. "But there isn't any dead body found! Hanggang ngayon wala pa rin, kaya there's a possibility na buhay pa sya! At oo, maaaring hindi nga siya bumalik... pero malay mo naninirahan lang siya sa kung saan! Stranded sa isang isla diba?"

Halos mangiyak ngiyak na ako sa sinabing kong iyon. Aldrei just hugged me and said, "I'm sorry."

Pagkabalik ko sa hotel, pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Habang nagpapahinga, tinawagan ko naman si Grace.

"Hello?" Si Grace.

"Couz, I have something to tell you," sabi ko.

"What is it?"

"I saw someone, kahawig niya si Henry. Lahat... kuhang kuha! He's just got more toned muscles, and a long hair. Sobrang kamukha niya talaga couz!"

"Really? Anong trabaho?" she sounds interested.

"Uh... he's working on a restaurant. Not really an expensive one, yung mga kainan lang sa tabing dagat," sabi ko. "Grace..."

"Hm?"

"What if... buhay si H-Henry at naririto siya sa Cebu, nagtatrabaho sa isanh simpleng kainan na malapit sa pagtatayuan ng project ng kompanya?"

I heard her sighing on the phone. "But isn't he dead already? Malay mo diba... kamukha nya lang talaga si Henry."

Nalungkot ako sa sinabi niya.

"But..." sabi niya. "Wala namang nakikitang katawan ni Henry nung nag iimbestiga... so it's possible na... he's alive?"

Bigla akong nabuhayan roon. "That's my point couz. That's why I'm going to investigate if I have time."

"Pero couz, h'wag kang madidisappoint kung hindi siya si Henry ah," ani Grace.

    Tama naman siya eh. I can't expect na siya si Henry kasi may mga tao naman talagang kahit hindi related sa isa't io,sa ay talagang magkamukha.

Kinabukasan, hindi na ako nag breakfast sa Hotel. Lagi na akong  dumederetso sa site kaya duon na lang ako mag uumagahan, lalo na doon kina Miguel.

"Welcome po, Ma'am Mortera!" Sabi nung isang crew.

Ngumiti naman ako at masigla siyang binati. "Good morning po!"

I find my seat and one of their crews came to me. "Ano pong order nila?"

"Anything will do. Yung pinakamasarap na specialty n'yo na lang," sabi ko. Tumango naman ito at pumunta na sa may kusina.

He's not yet here, I guess?

  And there he goes, dumating na rin. Kasunod na naman 'tong babaeng ito. Goodness! Bakit ba lagi na lang parang asong nakabuntot kay Miguel?

Nagtama ang paningin namin ni Miguel. Kumalabog na naman ang puso ko. He really seems intimidating. Yung tipong isang tingin lang, kinakabahan ka na agad.

  Dumeretso na kaagad sila sa kusina. May dala dala siyang mga gulay na siguro'y gagamitin sa pagluluto. Napatingin naman yung babaeng sunod ng sunod sa kaniya.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon