Fall
I still can't believe he kissed me last night! Anong ibig sabihin nito? Kagabi lang nung nasa loob kami ng restaurant gusto niya yung plano ni Tito Hector na mang chix ah? Baka naman... pinaglalaruan nya lang ako? Imposible naman kasi na magkagusto sya sa isang katulad ko.
Bumangon ako sa kama nang lutang. Walang pumapasok sa isipan ko maliban na lang talaga dun sa nangyari kagabi. At biruin mo, tinawag nya 'kong "baby"!
Wala akong ginawa maghapon kundi mag cellphone, mag advance study, at manood ng tv. Maya maya naman tumunog na ang cellphone ko.
*Grace is calling...*
"Hello?" sagot ko.
"Hoy! Oh ano? Kamusta?" tanong nya.
"Okay naman ako.." sabi ko.
"Gaga! I'm pertaining to the dinner last night!" sabi nya.
"You should've specifically said it! Hindi yung-" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Fine! So, as I was asking.. what happened? May kababalaghan bang nangyari kagabi?" She excitedly said.
Medyo natameme ako don kasi naalala ko na naman yung ginawa ni Henry.
"Hoy! Are you still there?" sabi nya.
"Ha? Ah! Oo, yung tungkol kagabi.. o-okay naman.. it went w-well.." sabi ko medyo nagdadahan dahan sa pag sasalita dahil baka madulas ako at masabi ko pa kung ano ang nangyari kagabi.
"Nakakaramdam ako ng mga missing details... hmm intayin mo ko I'll go there, okay?" Ani Grace.
"Do you really need to-"
*toot* *toot* *toot*
"Hello?! Grace! Hello?" Sabi ko.
Ganon na ba talaga sya ka desperadang malaman kung ano ang nangyayari sakin? Unbelievable.
"Gabbie! I'm here!" masayang sabi ni Grace.
"So, tuloy mo yung story.. I know there's something missing..." she smirked.
Inirapan ko na lang sya. Does she really have to ask about it? And pano nya nalaman?
"I don't have anything to say na nga.. ang kulit mo!" sabi ko sa kanya. Nakakairita talaga 'to kahit kailan!
"Naman Gabbie.. come on! Tell me everything!" pinipilit nya akong sabihin lahat ng nangyari.
"Fine! I'll tell you everything! But promise me this will be a secret okay? Don't tell anyone about this." Sabi ko sa kanya. Tumango lamang sya at handa nang makinig sa storyang sasabihin ko.
"Okay, so we were eating there tapos may nakita si Tito Hector na chix daw. Niyaya nya si Henry na mang chix so medyo nainis ako don kase-" pinutol nya ako.
"Kase may gusto ka kay Henry?" tanong nya sakin.
"Hindi noh! Kaya ako nainis ay dahil dinadamay pa ni Tito Hector si Henry sa mga kalokahan nya. Patapusin mo muna kasi ako!" Sabi ko sa kanya.
"Oh tapos?" Si Grace, nagpipigil ng tawa.
"Ayun medyo nagwala ako don.. pero not literally nagwala. Just did some little chaos." Tuloy ko.
"Uh-huh.." si Grace.
"Tapos.. sabi ko kay Tito na huwag nya isama si Henry. Tapos akala ko hindi talaga sasama si Henry kay Tito but then I was wrong. He told me na gusto din daw nya yon. Gusto nya mag ka girlfriend so I walked out. Nakakainis kaya!" sabi ko.
"Then?" Si Grace.
"Nagbabantay na ako ng tricycle pauwi kase ayaw kong sumabay sa kanila." tuloy ko habang tumatango tango si Grace.
"Tapos..." nag aalinlangan kong sabi.
"Tapos?" Tanong ni Grace.
"Ayun... may humawak sa palapulsuhan ko tapos nakita kong si Henry yun. Tapos nag so-sorry siya sakin. Niyakap nya din ako." sabi ko sa kanya.
"Anong nangyaring sunod? Kiniss ka nya?" Tanong ni Grace, medyo kinikilig.
"Oo," mabagal kong sagot.
"Sabi na nga ba! I knew it! It's true!" Masayang sabi ni Grace. What?
"What do you mean?" tanong ko, naguguluhan.
"Actually, I know what happened." Sabi ni Grace sakin.
"Oh alam mo naman pala, nagtanong ka pa?" sarkastiko kong sinabi sa kanya.
"Syempre mas masarap pakinggan yun kapag mismong sayo nanggaling diba?" masaya niyang sinabi. Kinikilig ata ang bata.
Inirapan ko na lang ulit sya dahil wala na akong masabi. Yung kaninang Grace na nakita kong kilig na kilig, biglang nag iba ang awra ng mukha niya. Halo-halong ekspresyon ang pinapakita niya ngayon. Hindi ko mabasa ang gusto niyang iparating.
"Pero.. Gabbie? I'm not against you and Henry but.. alam mo naman na mas matanda sya sayo, and may exes sya. Wala kang kalaban laban don." sabi nya sa akin at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"Grace, hindi ko hahayaang mahulog sa kanya. Never." sabi ko sa kanya. And I'm sure of that.
"Ikaw bahala ha... pero binabalaan lang naman kita. Hindi malayong ma-fall ka sa kanya. Lalo na't nagsimula na yung pag d-dinner nyo kagabi. I'm just concerned you know, this isn't the first time that you've fallen for someone and for having a relationship, but I just want you to be happy and have no regrets in the future." Sabi nya sakin.
"Of course cousin, I'll take note of that. Thanks for your concern," sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Tama naman si Grace eh. Hindi malayong mahulog ako sa isang katulad nya. Naiintindihan ko rin yung sinabi niya sa akin. But I won't let myself fall for someone like him. I won't. Promise.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Fiksi RemajaLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...