Sobrang sarap ng tulog ko kagabi. Ito ang dahilan kung bakit tanghali na ako nagising ngayon. Hindi pa rin matanggal tanggal ang aking ngiti sa aking mga labi. Bigla namang tumunog ang aking cellphone. It was a text coming from Henry.
Henry:
Good morning!Ako:
Good morning din!Henry:
May pasok ka pa. Eat your breakfast, I'll fetch you later after school.Ako:
Kakain na rin ako. H'wag mo na akong sunduin mamaya. Kaya ko mag-isa umuwi.Henry:
Kahit ngayon lang, please?Ang kulit nitong lalaking 'to no?
Ako:
Fine.Henry:
I'll just call you after school. Love you.Ako:
Alright. Love you too!"Hm.. mukhang maganda ang gising ng aming anak ah?" nakangiting sabi ni Mama. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
"Kumain na tayo ng umagahan.. we still have a lot to do. Malapit na rin exams mo Gabbie... you should study first and refrain from going out with someone maging si Henry man yan," striktong sabi ni Papa.
"Opo Pa, alam naman po ni Henry yung tungkol sa mga bagay na ganun," I assured him and my mom as well.
After eating breakfast, I went ahead to the study room. Malapit na kasi ulit ang finals and I need to pass my exams. Bigla namang tumawag si Henry.
"Hello?" sabi ko.
"How's your day?" Si Henry.
"Okay naman. Gusto na ulit makita! How 'bout yours?"
"Really, huh?" He chuckled. "I'm doing good here."
"That's good!" Sahi ko. "Kaso... hindi ako pwedeng gumamit ng phone nang matagal kasi finals na namin."
I heard him sighing. "Tama 'yan... para sa kinabukasan natin 'yan. Papakasalan pa kita."
"Ano ka ba? H'wag ka ngang masyadong excited! Grade 12 pa lang ako! H'wag ka ngang atat diyan!" I exclaimed.
Humalakhak siya ng malakas. "Fine, fine. Mag-aral ka na I don't want to disturb you anymore. Galingan mo ha! I'll fetch you after your exams. Bye love you!" sabi ni Henry at binaba na ang telepono.
Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pag aaral. Tatlong araw din akong naging busy at hindi ko nakikita si Henry. Malungkot pero okay lang din naman. Makaka focus din kasi ako kapag wala siya rito.
Monday na ulit at finals na namin. Handang handa na ako at nag text sakin si Henry.
Henry:
Goodluck sa finals! I know you can do it. I'll fetch you later once you're done. Love you.Napangiti ako roon. Agad ko naman siyang nireplyan.
Ako:
Okay. Thank you! Love you too! :) <3Pagkatapos noon ay nimute ko na ang phone ko para magreview pa ulit ng mga lessons ng mga subject na it-take namin ngayon.
Madali kong naitake ang aking mga exams dahil napag aralan ko lahat ng mga questions doon. Nakakagaan iyon sa pakiramdam. Pagkatapos na pagkatapos naman ng exam ko ay ini-on ko na ulit ang sounds ng cellphone ko.
"Hi Gabbie! Would you mind joining us right now? Kakain lang sa labas?" Tanong ni Lisa, kaklase ko.
Sakto namang may tumatawag sa cellphone ko at nakita kong si Henry 'yon.
"Uh.. gustuhin ko man pero may susundo sa akin eh... next time na lang siguro," sinabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Alright. Aasahan ko yan ha!" Masayang sabi ni Lisa ngunit may bahid pa rin ng kalungkutan dahil nga hindi ako makakasama.
Nginitian ko na lamang ulit sila. Sinagot ko naman ang tawag ni Henry.
"Hello? Henry!" masaya kong sabi.
"Oh masaya ka ah? Nandito na ako sa parking dito na lang tayo magkwentuhan."
"Alright."
Dali dali akong nagpunta sa parking lot at nakita ko agad ang sasakyan ni Henry. Nag-aabang siya, nakatayo sa unahan ng kotse niya nang naka sandal.
"Uh... hi!" Masaya kong sabi.
"Shall we?" Tanong niya. Tumango na lamang ako.
Sumakay na kami sa loob ng kotse at pinaandar na niya ito. "What were you telling me again?" Tanong niya.
"Ahh... 'yon, nadalian kasi ako sa exams ko kanina so... yun lang!" Maligaya kong sinabi sa kanya.
"Mabuti yun.. at least diba pag naipasa mo exams mo pede nang-" pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya.
"Hoy! Mr. Simpson! Tumigil tigil ka na nga sa mga kalokohan mong yan!" mariin kong sinabi sa kanya.
Tumawa siya. "Kalokohan? Tinatawag mo 'tong kalokohan? Mrs. Simpson, seryoso ako sa'yo. H'wag mo nga 'tong matawag tawag na kalokohan!"
"Mrs. Simpson? Ms. Mortera po ako," pagtatama ko sa kanya.
"You'll be a Simpson too. Someday," he confidently said that. Hindi ko na kayang pigilan ang ngiti ko pagkatapos niyang sabihin yun. I've never experienced this kind of love kahit na may naging ex na ako. This is not normal. This is very different.
Wala na akong masabi. "Mag drive ka na nga lang! Ang dami mong alam!" At nagpatuloy na lamang siyang nagdrive.
Dahil tatlong araw ang aming finals, tatlong araw din niya ako sinusundo.
"Uh... Ayos lang ba 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Alin?"
"Kasi may trabaho ka. Tapos, sinusundo mo pa ako sa halip na nagtatrabaho ka na. You know what... I can handle myself. You don't have to fetch me everyday. Mamaya maapektuhan pa trabaho mo," sabi ko sa kanya, nag-aalala.
"Basta para sa'yo, nakakahanap ako ng paraan," sabi niya sa akin sabay kindat. Damn this man!
"You know, concerned lang naman ako sa trabaho mo."
"Of course you do! Hindi ko naman hahayaang mawalan ako ng trabaho. Paano kita bubuhayin? Yung mga magiging ana-"
"Dumali ka na naman!" medyo pasigaw ko sa kanya.
"Totoo naman ah?" seryoso niyang sabi. Umiling na lamang ako.
"Unless... ayaw mo akong pakasalan at nilalaro laro mo lang-"
"Hindi kita pinaglalaruan 'no!" medyo galit ko nang sabi sa kanya.
"Gusto mo ba akong pakasalan?" tanong niya sa akin.Hindi agad ako naka sagot. Pinangungunahan ako ng aking pamumula. Pakiramdam ko nag iinit na ang buong katawan ko!
"Ayaw mo pala akong pakasalan-"
"Hindi! I-I mean.. h-hindi naman sa ayaw kitang p-pakasalan... pero syempre a-ayoko munang isipin y-yan," sabi ko, nauutal.
"I understand. Biro lang naman eh," sabi niya. "Tara na?" tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Teen FictionLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...