Chapter 2

145 10 4
                                    

Meet

      Linggo ng hapon nagkayayaan kaming magpipinsan na pumunta sa bahay ng isa ko pang pinsan. Masaya naman, pero dahil nga hindi ako masyadong nagsasalita, hindi ako ganoong nagsaya.

         Nagulat ako nung nakita ko sya. Oo! Sya nga! Si Henry! Papunta sya sa bahay ng mga pinsan ko, at dahil don, lalo akong hindi nakaimik.

"Oh, Henry! Andito ka na pala!" Sabi ni Ate Jen, pinsan ko.

    Ngumiti lamang sya at sinabing, "Ah oo... Mukhang ang dami mong bisita ah?"

"Oo nga eh, okay lang yan! Dito ka na rin kumain! Tara!" Sabi ni ate Jen.

"Ah hindi na, sa bahay na lang ako kakain.. kukuhanin ko lang sana yung pinapakuha ni Mama," sabi ni Kuya Henry.

      Ano kayang kukuhanin nya kay Ate? Hmm..

"Kumain ka muna dito, ikaw naman nahihiya pa," dagdag naman ni Kuya Charles, yung kapatid ni Ate Jen.

"Sige na nga," sabi ni Kuya Henry habang inaabot yung supot na binigay ni Ate Jen.

"Ay bago tayo kumain, ipapakilala ko muna sayo mga pinsan ko," ani Ate Jen.

"Eto si Grace, Allen, Anne, at ito naman si Gabrielle.. Gabbie for short," dagdag nito sabay turo sa akin.

"Ah..." ngumiti siya bago bumaling sa akin. "Gabbie? Kilala ko na ata 'to."

What? Kilala nya ako? How?

    Dahil sa sinabi niyang yon, dumali na naman itong si Grace sa pasimpleng paniniko sa akin na parang hindi sinasadya kahit sinasadya naman. Ang lakas mang asar ng babaeng ito!

"Alright, that's enough. Kumain na kayo," sabi ni Tita Vel, yung mommy nina Ate Jen at Kuya Jef.

Kumain na kami ng hapunan at sa hindi inaasahang pagkakataon, sa akin talaga tumabi si Kuya Henry. Bakit sakin tumabi? Pede naman kay Tito Hector?

"Uhm.. Gabbie?" si Kuya Henry.

"P-po?" Nauutal kong sabi sa kanya.

Shit! Nakakahiya to!

"Pede bang makikiabot ako ng kanin?" Nakangiting sabi sa akin ni Kuya Henry.

"Ah... ito po," sabi ko habang inaabot ang kanin. Hindi ako makaderetso ng tingin sa kaniya.

"Thanks," Si Kuya Henry.

At dahil masyadong epal itong pinsan kong itong si Grace, bigla syang nag ubo-ubohan dahilan ng pag kaka tingin sa aming lahat ng mga pinsan ko. Nakakahiya.

Dali dali akong kumain ng aking pagkain at pagkatapos ay nagpahangin muna ako sa labas. Bigla naman akong sinundan ni Grace na parang may balak na naman akong tanungin ng mga walang kwentang bagay.

"Gabbie," ani Grace.

"Hm?" Sagot ko.

"Napansin ko yung kanina huh, hindi ko alam-" pinutol ko na yung sasabihin nya. Alam ko namang yun na naman yon.

"Grace, ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi nga? At tsaka.. ang laki ng agwat namin sa isa't isa kaya tumigil ka na! Bumalik ka na lang don sa loob! Susunod na lang ako dyan mamaya." Paliwanag ko.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon