Chapter 28

37 5 0
                                    

Kinabukasan, pumunta pa rin ako sa karinderya nina Miguel. He wasn't there noong pumunta ako. Nadatnan ko na si Casandra nasa nasa cashier kaya oorder na ako.

"Tignan mo nga naman kung sino ang naririto," mayabang na sinabi ni Casandra. "At talagang hindi ka nahihiya pagkatapos ng lahat ng dinulot mo rito?"

"I'm sorry, okay? I didn't mean what happened yesterday. Kung hindi lang sana naging bastos ang crew-"

"Anong bastos doon sa pag hingi ng number mo?" She exclaimed.

"You weren't there when the whole thing happened. Hinawakan niya ako at umakma pang halikan ako!" Halos pasigaw ko nang sabi.

"Kung sana sinabi mo kaagad na ganoon yung gagawin sa'yo edi sana-"

"I won't know unless he already did it!" I fired back at her.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang makakuha ng atensyon! Palibhasa isa kang Mortera-"

"What does it has to do with my name? Ako na nga ang hinarass, ako pa ang may kasalanan?!" mariin kong sabi sa kaniya.

"Bakit? Totoo naman diba? Palibhasa, kilala ka sa bayan dito kaya papansin ka!"

"Papansin? Ha! Eh ikaw nga riyan ang papansin eh! Kakain lang ako rito-"

"E'di huwag kang kumain dito! Parang kawalan ka sa negosyo namin ah-"

"Ano na naman ba ang pinag didiskusyunan nyo rito? Tumigil nga kayo!" Ani Miguel, kakadating lang.

"I was just about to eat here when this ingrata told me nonsense!" I exclaimed.

"Bakit? Totoo naman ah? Ikaw may dahilan kung bakit nagkanda baba baba na ang sales namin dito!" Sigaw niya sa akin.

"Hindi ko naman ginusto ang nangyari ah-"

"Tumigil na kayong dalawa!" Sigaw ni Miguel. Sasabunutan na sana ako ni Casandra nang pinigilan siya ng kaniyang ina.

Miguel looked at her. "Sa pinaggagawa mong 'yan, Casandra, lalong bababa ang sales natin!"

"Eh kasi naman-"

"I don't need more explanations! Just keep quiet!" Migiel exclaimed. "And you," sabay tingin sa akin. "Let's talk outside."

I rolled my eyes and just followed him outside. Kita kong ang sama ng tingin ni Casandra sa'kin. Like I care!

"Bakit mo ginawa iyon?" And now he's angry at me.

"Anong ginawa? I just defended myself from the nonsense that she was talking about! I even apologized to her in the first place yet she's still talking and talking and that pissed me off!" I exclaimed.

"Bakit ka ba bumalik doon? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na h'wag ka na ngang pupunta roon?"

"Kakain lang naman ako ah-"

"Then just fucking eat somewhere else!" He fired back at me. And now, he's more angry.

"Gusto kitang makita! Bakit ba? Kasi ayaw mong makita ko na naglalandian kayo ng ingratang 'yon? Ha?" At galit na rin ako ngayon.

"She has a name, for Pete's sake!" ani Miguel.

"Answer my damn question!" I shouted at him. .

"No! I'm not flirting with her or so whatever you may think of us. So I'm asking you to not go there 'cause I care for you and I will make a fucking way for us to still fucking see each other, do you understand?" He said those words seriously and with finality. Wala na akong magawa kun'di ang sundin ito.

"Do you trust me?" Mahinahon niyang tanong. Halos bumagsak na ang luha ko sa hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi ko siya kaagad masagot dahil kapag mag sasalita ako, tuluyang bubuhos ang luha ko sa galit at sakit.

"Sagutin mo ang tanong ko Gabbie," aniya.

"Do you trust me?" He asked again.

"Y-Yes," I said and he sighed, then hugged me.

"Magkita tayo bukas," sabi niya.

Kumalas ako sa yakap niya. "Saan? Medyo busy ako b-bukas..."

"I'll visit you to your site. Malapit lang naman 'yon sa karinderya kaya... let's meet by 6 in the afternoon. I'll fetch you," he said.

Tumango naman ako at sigurado akong totoo ang kanyang sinabi.
  This is a very stressful day, I know. Pero wala akong magagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa utos ni Miguel sa akin. I just don't want myself to be a burden to him.

   Magmula noong nangyari iyon, sa hotel na mismo ako kumakain ng umagahan. Tapos kapag naman lunch time na, sa fastfood chain na lang kami kumakain ni Aldrei.

"Hm..." ani Aldrei. "I'm wondering... bakit hindi ka na ata napapadalas kumain doon sa karinderya? Did something happen?"

Umiling naman ako. "Nope. I just... want to eat foods here. I just kind of miss these. At saka... baka masanay ako sa pagkain rito sa Cebu naku! Baka hindi na ako makabalik ng Manila!" Then I laughed.

Mukha namang nakumbinsi ko si Aldrei sa paliwanag ko. He laughed as well. "Well, may point ka roon. Baka hindi kita mapakasalan!"

Nabilaukan naman ako sa sinabi niya.

"Shit! Gabb! Are you alright?" Nag aalalang tanong ni Aldrei, he's panicking.

"Uh..." napa ubo pa ako roon. "I-I'm fine... n-nabigla lang..."

"I'm sorry!"

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Huminga ako nang malalim. Susko Aldrei! Ginugulat mo ako!

   We went back to the site right after we ate lunch. Masyadong naging busy sa trabaho at kailangang tutukan kung paano gawin ang establisyemento to check and make sure na matibay ang pagkakagawa nito.

"I have seen your designs," ani Aldrei. "They were good!"

I smiled at him. "Thank you, but I'm still working on it. Syempre, kailangang nasa theme ang aking designs dahil itong building na itatayo natin ay for hardwares. Marami pa akong idadagdag at babaguhin para talagang swak na swak ang design sa loob ng establishment na ito."

He nodded. "You nailed it!"

Nagtawanan kami roon. Bumalik na ako sa aking opisina at ipinagpatuloy ang aking pag dedesign. 6:20 PM na natapos ang aming trabaho at nakita ko si Miguel na naghihintay roon sa labas.  Bigla naman pumasok si Aldrei sa opisina ko.

"Let's go? You're done, right?"

"Uh... you can go first, Drei. I still have something to do," sabi ko sa kaniya.

His eyebrows furrowed. "Huh? What else will you do?"

"I'm going to meet a friend," I smiled at him.

"I'll come with you-"

"No! No... you don't have to. It's a girl! Girl's night!" I exclaimed.

"Hm... alright. H'wag kang masyadong magpapagabi." Tumango naman ako at tuluyan na siyang umalis.

Mabilis ko namang inayos ang aking mga gamit at lumapit na kay Miguel.

"I'm very sorry, I'm late," sabi ko.

"It's alright. Let's go?" Tumango naman ako at sumama sa kaniya.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon