Chapter 34

36 4 0
                                    

I'm already crying at this moment. I don't know what to do! I asked for help from other people who was there and thank God, we get into the nearest hospital immediately.

"Doc, please... ano bang meron sa kaniya? Pagalingin n'yo po kung anong sumasakit... I'm ready to pay for everything please..." halos magmakaawa na ako sa doctor. Hinawakan ko ang kamay niya.

She nodded. "Sige po Ms., kaano ano po ba sila ng pasyente?"

"F-Friend," I said while sobbing.

"I'll just talk to you for further results," aniya. Tumango naman ako.

  Bigla namang sumugod si Casandra kasama ang kaniyang ina. She's really angry right now.

"Ano na naman bang ginawa mo?" Galit na sabi sa akin ni Casandra.

"Look-"

"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo sana laging inilalayo e'di sana hindi ito nangyayari!" She spatted.

"Anak!" Her mother called her intensely at bumaling sa akin. "Ano ba talagang nangyari, Gabbie?"

Pinalis ko ang aking luha at kumalma. "N-Nag-uusap po kami kanina tapos bigla po siyang sumakit ang ulo. Tapos po-"

"Sabi na! Kasalanan mong bruha ka-"

"Isa pang imik mo Casandra pauuwiin kita sa atin sa ayaw mo o sa gusto!" Banta ng kaniyang ina sa kaniya. She just rolled her eyes and stopped.

"Tapos po nag-aalala na po talaga ako sa kaniya kanina, tinanong ko po kung okay lang s'ya... sabi naman po niya ayos lang siya tapos bigla na lang pong nahimatay," paliwanag ko. "I called for help kaya po nakarating na po kaagad kami rito sa pinakamalapit na ospital."

Tumango naman siya. "Maraming salamat, Gabbie."

Dumating na naman kaagad ang doktor. "Ms. Mortera, can I talk to you?"

Tumango naman ako agad sa doktor. Pumunta na kami sa office niya.

"Take a seat, Ms. Mortera," ani doktor.

Umupo naman ako. "What's the update, Doc?"

"So the patient seems to have an amnesia," paliwanag niya. "It's normal na sumakit ang ulo niya for some reasons lalo na't ang mga ala-ala ay unti unti niyang naaalala at bumabalik but this time, he seemed to force himself at hindi iyon maganda sapagkat masyadong na p-pressure ang sarili niya."

Amnesia? Naaksidente siya. I have a feeling about this. What if Miguel is Henry? Nagka amnesia lang siya kaya hindi niya ako maalala?

Paulit ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Miguel sa akin kanina. "I don't know but I have a feeling like I've known you for a very long time."

"Is it dangerous? Nagising na po ba si Miguel?" Nag aalala kong tanong.

Umiling siya. "Just like what I have said earlier, it's normal to have a headache kasi naaalala niya ang nakaraan, kaya there's nothing to worry about. Ang kailangan lang gawin ay huwag magpaka stress sa mga bagay bagay to prevent headaching and everything. By the way, the patient is already awake. Let's just let him rest first. He's at the ER right now."

Tumango naman ako. "Thank you, Doc."

Pagkalabas ko, naroon na kaagad si Grace. "Oh my goodness gracious, couz! Are you okay? Is he okay?"

Tumango naman ako at ngumiti. "Yes. He's fine... he's at the ER right now, resting."

She's relieved now. "Buti naman. Naku!"

Lumapit naman kaagad si Aling Nena, ina ni Casandra. "Anong sabi ng doktor?"

"Normal lang daw po na manakit ang kaniyang ulo dahil sa kalagayan niya ngayon," paliwanag ko. "Uh... Aling Nena, pwede po ba kitang makausap? Yung tayong dalawa lang po sana?"

Tumango naman kaagad si Aling Nena. Lumabas muna kami sandali at may kailangan akong tanungin sa kaniya. I'm going to investigate on my own this time.

"May gusto lang po sana akong tanungin," sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "Ano ba iyon, Hija?"

"May amnesia po pala si Miguel," sabi ko. "Hindi ko po alam ang tungkol roon. He's not even telling me."

Tumango lamang siya. "Ano bang gusto mong malaman tungkol kay Miguel?"

"Saan po siya lumaki?"

She sighed. "Sa totoo lang, Hija, hindi ko rin alam kung saan siya lumaki."

"P-Po?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Ganito kasi ang buong storya. Ang batang iyon ay nakita lamang ng aking asawa sa dagat," paliwanag niya. "Natagpuan siyang walang malay at wala siyang iba pang kagamitan. Siya lang."

What? So he's not really related to Aling Nena and Casandra? He doesn't live there!

"Nakita rin namin siyang may tama sa braso at mukhang binugbog. Noong una ko siyang nakita, parang may kamukha siya na isang sikat na tao, hindi ko alam kung artista kuno o kung ano man," dagdag niya. "Ilang araw din siyang walang malay. Noong nagising siya, laking tuwa namin dahil akala nami'y patay na siya."

Tumatango tango naman ako sa sinabi niya at patuloy ang pakikinig.

"Sobrang tigas niyang mag Ingles, akala mo'y anak mayaman. Tinanong namin siya kung saan siya galing, pero hindi raw niya alam. Tinanong namin ang pangalan niya, pero hindi rin daw niya tanda kung sino siya. Pinatignan namin siya sa isang doktor sa center at doon namin nalaman na may amnesia siya. Dahil nga sa hindi niya matandaan ang pangalan niya, pinangalanan na lamang namin siyang Miguel."

Tumango ako. "Baka po may nangyari sa kaniya doon sa Panay o kahit dito sa Cebu. Wala po ba siyang nakukuwento sa inyo, o kahit kaunting ala ala ay may naaalala siya?"

Umiling si Aling Nena. "Wala eh, pero halos gabi gabi noong nasa Panay pa kami, nananaginip ata siya at may binabanggit na pangalan."

Nabuhayan ako roon. "Ano pong pangalan?"

Nag isip siyang mabuti. "Ah! Gabrielle ang kaniyang sinasabi noon. Hindi ko nga alam eh pero noong dumating ka, lalo na't Gabbie rin ang pangalan mo, naisipan kong baka ikaw ang tinutukoy niya."

Namumuo na ang luha sa aking mga mata. I can't believe that he's Henry! Well, it's not yet confirmed but I have a strong feeling that Miguel and Henry are one!

"M-Maraming salamat po, Aling Nena," sabi ko. Niyapos naman niya ako at tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.

Bumalik na kami sa loob ng ospital. Umupo muna si Aling Nena sa tabi ni Grace at papasok sana ako sa Emergency Room nang nakita ko si Miguel na naglalakad na papunta sa akin.

"Ba't ka-"

Niyapos niya ako. "Shh... I'm fine."

"You have no idea how scared I was!" Umiyak na ako roon.

Tumawa siya at pinalis ang aking luha. "You won't lose me."

Sumunod naman ang doktor sa amin. "Well, Miguel, I already told Ms. Mortera what to do. You just need to rest and don't stress yourself too much."

He nodded. "Thank you, Doc."

Grace and her bodyguard brought a car. "Dito na kayo sa amin sumakay!"

"Hindi na Ineng," ani Aling Nena. "Pwede naman kaming sumakay sa tricycle at bumyahe pabalik roon. Salamat na lamang."

Tumango naman si Grace. "Well then, we'll get going."

Bago ako sumakay sa sasakyan ay lumapit muna si Miguel sa akin. "See you."

I nodded and smiled at him. "See you."

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Grace looks worried about me. "Were you crying, couz? Mukhang pugto ang mata mo, may nangyari ba?"

Umiling ako. "Wala 'to. I just got information about Miguel."

"And?"

"I knew that Miguel isn't really related to Aling Nena or anyone in Panay nor in Cebu. He was just found unconscious by Aling Nena's husband," paliwanag ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag kay Grace ng lahat ng sinabi sa akin ni Aling Nena kanina.

She was shocked. "So... it's possible that Henry and Miguel are one person?!"

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon