Chapter 15

61 8 0
                                    

Tumigil na ang sasakyan nang nakarating kami sa tapat ng aming gate.

"T-thank you... but you don't have to fetch me and send me home," mahinahon kong sabi. Hindi ko na siya tinignan. Hindi ko kaya eh.

"Rest well, I'll be going," ani Henry. Tumango naman ako.

Papaalis na ako at isasarado ko na ang pintuan ng kotse nang...

"Gabbie?" muli akong tinawag ni Henry.

Nilingon ko naman siya at tinaas ko ang aking kilay. "Hm?"

"I don't want you to date other boys, but me. Okay?" ang tigas ng English niya. H'wag kang maiinlove Gabbie, huwag.

Hindi ko na siya sinagot. Dumeretso na lang ako sa pagbubukas ng gate at tuluyan ko nang sinarado ang pintuan.

The next morning, Grace went into our house to visit me. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkakasama ever since nagsimula na ako sa aking trabaho.

"What?" Gulat na gulat na tanong ni Grace sa akin. "He fetched you? May something na ba ulit?"

Agad naman akong umiling. "Of course not! It's not what you think! Hindi ko nga alam kung bakit sinusundo at sinusundan niya ako eh."

"Isn't it obvious? Syempre mahal ka pa niya! Come on Gabbie don't be so naive!" wika ni Grace. Umiling na lamang ako.

"Alam ko namang mahal mo pa rin siya," tuloy niya.

"Hindi na kaya!" I exclaimed.

"Sus! Kitang kita ko naman sa mga mata mo na mahal mo pa rin," sabi niya. "When you saw Henry with that girl, I see it in your eyes that you are still affected. Na nasasaktan ka pa rin."

Natameme ako roon. "H-hindi ko na nga m-mahal y-yun."

She sighed. "Maari mo kaming maloko, pero hinding hindi mo maloloko sarili mo."

Huminga na lamang ako nang malalim. "Bahala ka! Kung ano gusto mong paniwalaan e'di doon ka!"

Umiling siya. "I'll be going. I will still go to work. How 'bout you?"

"Magbibihis na rin ako," sabi ko.

She nodded. "Alright. Bye!"

Tumango naman ako at kinawayan siya. "Bye!"

    Nagbihis na kaagad ako at dumeretso ng trabaho. This time, I already brought my car.

"Good morning po Ma'am!" Bati nung guard.

Nginitian ko naman siya pabalik. "Magandang umaga po!"

Pagkapasok ko sa opisina ay lumapit naman sa akin si Joanna, may dalang bulaklak.

"Ma'am flowers for you daw po," ani Joanna.

Nagtaka naman ako roon. "Sino raw nagbigay?"

"Kay Architect Corpuz po," sabi ni Joanna sa akin, tila kinikilig. Tumango na lamang ako.

     Hindi ko alam kung bakit kahit may nagbigay sa akin ng mga bulaklak ay hindi saya ang nararamdaman ko. Maybe...

"Bakit po Ma'am? May ineexpect pa po ba kayo kung kanino galing ang mga bulaklak na iyan?" Deretsuhang tanong ni Joanna.

"Uh... eh... h-hindi naman..." yun na lamang ang nasabi ko.

"Okay po Ma'am, I'll get to work na po. Just call me when you need something," ani nito at tumango naman ako sabay ngiti sa kaniya.

     Maybe she's right. Maybe I'm expecting the flowers coming from someone else. Gabbie? Kung hindi kay Mike galing, kanino pa? Kay Henry? No.

    I sighed. Bumalik na lamang ako sa aking trabaho nang may tumawag sa akin. Si Mike.

"Hello?" bungad ko.

"Did you receive the flowers I gave you?" nahihimigan ko ang saya sa tono niya.

"Oh! Yes... thank you but you don't have to give me these," sabi ko sa kanya.

"Uh... I just want to give you that... maganda ba?"

"Oo," tipid kong sagot.

"Are you free today? Kain naman tayo!" masaya niyang sabi.

     Bigla naman akong napaisip. "I don't want you to date other boys, but me." Yun ang umikot ikot sa utak ko.

"Uh..." nag aalinlangan kong sabi.  Eh ano naman kung mag date kami? Wala na siyang pake doon. Bahala siya sa buhay niya.

"Sure!" Sabi ko.

Nahimigan ko ang saya sa tono niya. "Alright! I'll just wait for you outside."

"Okay." sabay baba ng telepono.

   Pagkalabas ko ay nakita ko na kaagad si Mike. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya pabalik.

"Shall we?" Tanong niya. Tumango naman ako at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

    It's a long tiring day. Lunch kami kumain ni Mike at nabusog naman ako kahit papaano.  I was about to leave the office when I saw Henry standing there, near the door. Kalma Gabbie, kalma lang.

"What are you doing here?"  Tanong ko sa kanya.

"Let's talk," seryoso niyang sabi.

Mas lalo ko pang tinigasan ang sabi ko. "Para saan pa? I'm tired already. Sa ibang araw na lang."

"Hindi naman kita papagurin, mag uusap lang naman eh," sabi niya. Lumaki ang mata ko roon. PAPAGURIN?! What does he meant by that?

"Ang green minded mo bata," nagpipigil ng ngiti ang Henry. Inirapan ko na lamang siya.

"You know what? I'll just leave. I don't have time-"

"Kasama mo na naman yung gagong yon kanina diba?" Biglang nagseryoso na naman siya.

"Oh eh ano naman sa'yo? As if tayo pa," banayad kong sabi sa kanya.

"Diba sabi ko sa'yo na ako lang idate-"

"Ano bang problema mo? Wala kang karapatang diktahan ako sa kung ano ang ayaw at gusto ko! You're not part of my life anymore!" Medyo pasigaw na ako noon.

"Not YET," at talagang binigyan niya pa ng emphasis yung yet huh? "Just wait and I'll be part of your life again. Soon."

Nakailang segundo ata bago ako nakasalita muli. "Ewan ko sa'yo!" Sabi ko at umalis na ako. Kitang kita ko naman na ngumisi siya. Parang nandedemonyo pa ata.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon