Since wala naman akong pasok, nagdesisyon ako na tumawag at makipag bonding kasama ang mga pinsan ko. Why not diba? medyo matagal tagal ko na rin kasing hindi sila nakakasama.
"Grace?"
"Yes?" sabi niya.
"Let's hang out naman," masaya kong sabi.
"Sure! No prob cousin, saan ba?" sabi niya.
"Uh.. same place?" sabi ko sa kanya.
"Why don't we try somewhere else? I mean... like Central or Mez?" she said.
"Alright. Ikaw na bahala you're more used to that," biro ko sa kanya kahit may halong katotohanan.
"Ugh.. sige sige what time ba?" tanong niya.
"7 pm? 8?"
"7 na lang para mahaba habang inuman," she chuckled a bit.
"Alright. Tawagan mo na lang si Allen," sabi ko sa kanya.
"Okay couz," sabay baba ng telepono.
Wala na akong ginawa sa bahay buong maghapon kung hindi humiga dahil talagang pagod ako sa trabaho. Mabuti na lang at pumayag na ang mga pinsan kong makipag hangout sa akin. It'll be really boring here.
7 pm na at sinundo na lamang ako ni Allen. Grace is already inside the car.
"Hi couz!" Bati ni Grace sa akin. Nginitian ko na lamang siya.
"Gabb, why did you suddenly invite us to have a drink?" tanong ni Allen.
"Well, wala naman akong masyadong ginagawa. I want to relax. Besides, hindi pa ulit tayo nagkakasama sama so why not?" paliwanag ko sa kanila. Tumango naman si Allen.
"So Central na lang tayo. Nakakasawa na rin naman sa Corner Route!" Grace exclaimed.
"Palibhasa lagi kang naroon-"
"Hoy! Excuse me! Hindi kaya!" pag d-deny niya.
"Sus! Nandon lang ata si Nygel kaya ka pupunta sa Central," panunuya naman ni Allen.
Grace rolled her eyes. "Baka nga!"
Tumawa na lamang ako. Hanggang sa nakarating na kami sa Central. Ayon, marami ring tao. It's my first time to go here. Mas sanay kasi ako sa corner route. 'Tsaka, hindi pa rin naman ako nakakapunta sa iba pang mga inuman rito.
Nakita ko siya. Bakit siya naririto? Diba sa corner route siya nag iinom?
Nagtama ang paningin naming dalawa. May kasama siyang mga tropa niya. Nandoon si Tito. May mga babae rin... siguro girlfriend niya? Same girl eh. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanya. Nakatingin naman sa akin ng masinsinan sina Grace at Allen. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay.
"Are you okay here?" nag aalalang tanong ni Grace. Tumingin rin ako kay Allen at kitang kita ko rin ang kanyang pag-aalala kahit medyo low-key lang.
Tipid akong ngumiti. "Oo naman," nilibot ko ang buong paligid. "Ayun si Nygel oh!"
Umiling na lamang siya at ngumiti. "Alright. You sure?"
"Oo naman... ako pa!" masigla kong sabi.
Umupo na kami sa table at nakita kong nakatingin pa rin si Henry sa akin. Oh baka naman talagang assuming lang ako?
We grabbed a drink. Ang dami naming napag kuwentuhang magpipinsan. Medyo lasing na rin si Grace.
"Uh... Grace I think we should go home," nag-aalala kong sabi.
"What? No!" she said.
"Anong-"
Pinutol kaagad naman ako ni Allen. "Let her be Gabb. She's always like that."
I sighed. "Fine."
Habang nag iinom, nakita namin si Nygel papalapit sa table namin. Nag uubo-ubohan kami ni Allen kasi hindi mapakali si Grace. Nakakatawa!
"Grace right?" ani Nygel. Nagkatinginan naman kami ni Allen.
"Uh...o-oo," she's stuttering! HAHAHA!
"Nice to meet you," nilahad ni Nygel ang kanyang kamay. "Nygel."
Ngumiti naman si Grace at inabot ito. "I know you."
"I'll just go outside," sabi ko. "Magpapahangin."
Umimik din si Allen. "Ako naman mang ch-chix lang diyan sa tabi-tabi."
Medyo iritado na si Grace. "H-huh? Uh.. S-sama-"
Tinapik ko ang likod niya. "Okay lang Grace... i-entertain mo na lang si Nygel."
She sighed. Alam ko naman na gusto niya rin yun. "Alright."
I keep smiling at them. Nakakatuwa. Pero syempre basketball player si Nygel kaya nakatatak na sa isip ko na basta player ng basketball, fuckboy na.
Tumambay na lang muna ako sa labas. Bigla namang may lumapit na lalaki sa akin.
"Ikaw yung nakilala ko sa bar diba?" ani lalaki.
"Uh..."
"Sean remember?" sabi ni Sean.
"Oh! Right! Sean!" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Uh.. since magkakilala na tayo, wanna hang out with me?" tanong ni Sean.
"Di ako pwede ngayon eh," I said.
Tumango lamang siya. "May boyfriend ka na ba? Labas tayo minsan!"
Hindi kaagad ako nakasagot. Nagulat ako nang biglang may humawak sa aking baywang. It is Henry!
"Sorry Brad ah? Bawal siya eh," ani Henry.
"Bakit? Sino ka ba?" mariing tanong ni Sean.
"Boyfriend niya," sabi ni Henry. Nanlaki ang mata ko roon!
"Totoo ba?" tanong ni Sean. Kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Hindi na niya naintay ang sagot ko. "Ayos lang. Sorry."
"Hin-" hinigpitan ni Henry ang pagkakahawak niya sa aking baywang.
"Susundan mo? Sige ikaw bahala," kinalas niya ang hawak.
Hindi ko na nagawang sundan. Para bang ang bigat kung susundan ko pa. Mas gusto kong dito na lang kasama siya. Teka nga! Ano bang nangyayari sa akin? Tangina!!!
"So you wanna stay with me instead huh?" he smirked. Ugh! This man!
"Hindi noh!" I exclaimed.
"Then why didn't you follow that man?" tanong niya.
"P-pinipigilan mo k-kasi ako..."
"Pinakawalan kita diba? That only means... mahal mo pa 'ko!" he said.
"Hindi na kita mahal!"
"We'll see," sabi niya.
"I'll be going," sabi ko.
I was about to go when he grabbed my wrist. He hugged me tightly. "Mamaya na..."
"Si G-Grace kasi... l-lasing na," nauutal kong sabi. Shocks!
Unti unti niya namang kinalas ang kanyang yakap sa akin. He sighed.
Ang sarap pala sa feeling na ganito 'no? Yung tipong ang sweet niya sayo. Kaso, hindi naman kami. Mangyari pa kaya iyon?
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Teen FictionLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...