As usual, tambay lang kami sa may dalampasigan. Ayos lang naman, ang mahalaga nakakasama ko siya.
"Dito na lang muna tayo sa ngayon," ani Miguel.
Tumango naman ako. "I'm fine here, no need to go somewhere else."
"Hanggang kailan ka ba rito?" Tanong niya.
"Well, I still don't know. Siguro ay mga ilang buwan pa o baka kapag natapos ang construction ay uuwi rin kaagad," I explained. Tumatango tango lang siya.
"May panahon pa para ipasyal kita sa Alegria," aniya.
"Alegria?" naging interesado pa ako sa kaniyang sinasabi.
Tumango lamang siya. "Have you been there?"
Umiling naman akong parang batang sabik sa pamamasyal sa ibang lugar. He chuckled.
Wala naman kaming ginawa masyado, pero ang bilis tumakbo ng oras. Biruin ninyo, naka isang oras kami roon nang walang ginagawa!
"It's getting late," aniya. Tumango naman ako. "We should head back."
As usual, hinahatid niya ako sa hotel na tinutuluyan ko. Nakita ko si Aldrei na nasa labas ng hotel. Mabilis ko naman kaagad hinarap si Miguel.
"Uh... una ka na! I can handle myself, you know," sabi ko.
He tilted his head and his eyebrows furrowed. "Why?"
"Uh... nasa labas kasi si Drei..."
"And?"
"Sabi ko kasi kanina sa kaniya na babae ang kasama ko after work," marahan kong sabi.
"Is he your boyfriend?"
"How many times do I have to tell you that he's not-"
"Then there's no reason for me not to send you to your room," matigas niyang pagkakasabi. "And why the hell would you tell him that you're with a girl when you can tell him that you're going out with me?"
Natigil ako roon. "I-I'm sorry. Ayaw ko lang kasi na isipin niyang may namamagitan sa a-atin."
"Bakit? May gusto ka ba sa kaniya?"
Lumaki ang mga mata ko roon sa sinabi niya. "N-No!"
"Ihahatid kita. Sa ayaw mo o hindi," mariin niyang sinabi.
I have no choice. Gusto niya ako ihatid, oh sige. Iniiwasan ko lang naman na magkaroon pa ng malisya sa aming dalawa ni Miguel gayong lumalabas lamang naman kami para tumambay... or maybe... date?
"Gabb!" Sigaw ni Aldrei sa akin. He's going to go to me.
"Uh..." nag aalinlangan kong sabi. "H-Hello!"
He looked at Miguel. "You're with him?"
Simple lamang akong tumango. His eyebrows furrowed. "I thought you're with a girl?"
"Uh... sorry."
He sighed. Bigla ko namang hinarap si Miguel at sinenyasan na umalis na. I muttered a thank you. He just nodded.
"I'll be going," he said to me. "Rest well... goodnight."
Sabay na kaming pumasok ni Drei sa loob ng hotel. Sinulyapan ko siya at mukhang hindi maipinta ang mukha dahil nakasimangot.
"Is he courting you?" Seryoso niyang tanong.
"W-what? Si M-miguel ba? N-No!" Natataranta kong sabi.
He sighed. "But... he likes you?"
Umiling naman ako at nagpilit ng tawa. "He's never gonna like me. Hindi ako ang type niya."
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Teen FictionLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...