Date
After Grace left, biglang may nag notify sa cellphone ko. It was a text coming from an unknown number.
Unknown Number:
Hi Gabb! I just wanna apologize for what I did last night. And sorry ulit dun sa nangyari sa restaurant. Hindi na yun mauulit. Si Henry 'to.Henry? How did he get my number? And he keeps apologizing to me. Matagal na kitang napatawad!
Me:
Ahh about that.. okay lang po. H'wag na po kayo mag sorry. Pano nyo nga po pala nakuha number ko?Henry:
Nakuha ko number mo kay Hector. Please, huwag ka na mag "po", nakakatanda yun hehe. Think we're just the same age.Napangiti niya ako don ha? Isipin na magka edad lang kami? Magandang ideya yun ah.
Me:
Oh, okay. :)Henry:
I'm going to sleep. Goodnight.
Hindi ko na siya muling nireplyan. Dahil sa text na yun, naging maganda ang gabi ko. I don't know why but everytime I'm seeing him, texting me, I don't know. It makes my day.Kinabukasan, nagpunta ako sa bahay ng mga lola ko upang bisitahin sila. Unexpectedly, nandoon si Kuya Henry. Baka maglalaro sila ni Tito?
"Oh Gabbie! Apo! Napadaan ka dito? What brings you here?" Ani Lola.
"Nothing 'la, I just came here to visit you. Didn't expect nandito pala si Kuya Henry." Sabi ko sa kanya. Masaya naman ako na nandito si Kuya Henry. Nakita ko na naman siya!
"Oo, maglalaro kami sa plaza ngayon gusto mo ba sumama?" sabi naman ni Tito, nagbibihis na.
"Uh..." nag-aalinlangan kong sabi.
"Tama naman si Hector Gabbie, and makakapag bonding din tayo. Sa ganong paraan, magiging close na tayo, hindi ka na mahihiya sakin." Nakangiting sabi naman ni Henry.
Matatanggihan ko ba naman sila? Lalo na 'tong tropa ni Titong ito na gusto kaming maging close sa isa't isa? Well, that seems a good idea. Sa ganon mas lalo ko pang makikilala kung ano bang klaseng tao si Henry-ng ito.
"Well, that's a good idea. Tutal wala rin naman akong gagawin sa bahay since tapos na ang exams so... G ako dyan!" Masaya kong sabi.
"Tignan mo 'tong pamangkin kong 'to, aayaw ayaw pa eh gusto mo rin naman. At isa pa, para naman may manood samin habang nagpapractice kami don!" Sabi naman ni Tito Hector. Ito na naman siya, nagmamayabang na naman.
"Alam mo tito, kahit wala ako don, for sure may manonood sa inyo. Kinababaliwan ka nga ng babae! Hindi ko talaga alam kung anong meron sa'yo at patay na patay sila!" panunura ko sa aking pinakamamahal na tiyuhin. Humalakhak ako at pati ata si Kuya Henry ay nadala na rin sa sinabi ko kaya wala nang nagawa si Tito kundi ngumisi na lang din.
Syempre naglakad na lang kami papuntang plaza kasi malapit lang naman ang bahay nila Tito doon. As expected, kahit walang laro ang daming nagpunta sa plaza at puro mga babae pa ang mga ito just to watch my tito and most probably, to watch Henry too.
Tahimik lang akong nanood ng practice nila. Laging nakakashoot si Tito at ganoon rin si Henry. Parehas silang magaling mag basketball, dahilan siguro kung bakit sila pinaghiwalay imbes na pagsamahin sa iisang team.
"Go Hector my loves! I am always here to support you! Please notice me!" Desperadang sabi nung babaeng hindi kalayuan pero nasa bandang kaliwa ko. Ito rin yung dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong manood ng laro nila eh. Nakakabingi na rin yung mga sigawan nung mga fangirls nila tito.
"Ang gwapo nila! Shet! Hector! Henry!" Sigaw naman nung babaeng nasa unahan ko. Hindi na lang ako nag rereact sa mga pinagsasabi nila dahil alam kong wala na silang pag asa sa dalawang yan. Inirapan ko na lamang nang patago ang mga babaeng ito. Ano ba kasi ang nakikita nila sa magaling kong tito?
"Grabe naman... ang snob ni Henry! Pa'no ba naman yan magkaka jowa? Susko ang yaman dahil may ari ng isang sikat na business... ang gwapo... pero ang snob! Nakaka turn off!" reklamo nung babae. A smile escaped from my lips. Baka naman kasi sa isang babae lang talaga magiging sweet.
Sa tuwing nakakashoot si Tito Hector, lagi niyang kinikindatan ang mga nanonood dahilan ng pagtitilian ng mga babae at sa totoo lang, nakakabingi na.
Natapos ang laro, umuwi na rin kami sa amin. Pagod na pagod sila ngunit tapos na ang laro mukhang hindi pa rin ata napapagod mag-cheer at mag tilian. Kala mo naman kung sinong artista ang tinitilian nila. Wala na kayong pag-asa diyan! Yung isa diyan, playboy! Tapos yung isa, akin lang! Charot!
Si Henry, kasama namin ni Tito na sa mga lola ko pa rin umuwi.
"Aah! Pagod na pagod ako!" reklamo ni Tito Hector.
"Natural, sino bang hindi mapapagod pagkatapos mag basketball? Common sense naman oh!" I said and rolled my eyes on him.
"Kahit kailan talaga hindi ka na sumang-ayon sakin! Ano bang problema mo?" Naiinis na sabi ni Tito Hector. Umiling na lamang si Henry sa amin. Kinalaunan, nagpaalam na si Henry sa amin.
"Uwi na po muna ako, magpapahinga naman po ako sa bahay." Nakangiting sabi ni Henry kay Lola.
"You may take a rest here if you want," ani Lola.
"Its alright po, I just wanna stay at home po muna, thank you po," sabi naman ni Henry.
"Siya sige Hijo, mag-iingat ka pauwi ha... Oh Gabbie! Tutal wala ka namang ginagawa, ihatid mo na muna si Henry papalabas," utos ni Lola sa akin. Tumango naman ako at mabilis kong sinunod ang utos ni Lola.
Habang naglalakad, sinabi ni Henry sakin, "Okay lang naman na hindi mo ako ihatid dito."
"It's fine. I'm not busy anyway. Nakakabored din kasi pag nasa loob lang ako. Okay na rin 'to." Sabi ko.
"So, since tapos ka na sa exams mo, when are you free? Gusto ko sana tayo lumabas. Pasyal pasyal ganun," sabi sakin ni Henry dahilan ng pagkagulat ko na kulang na lang umulwa na ang mata ko!
"You m-mean....."
"A date... perhaps?" Sabi niya.
Woah! Really? A date?
Hey Gabb! Don't expect too much! I bet this is just a friendly date? For you to get to know each other.. para mabawasan yung awkwardness?
Hindi na ako nakaimik pag katapos noon. Alam kong naramdaman niya na nagulat ako sa sinabi niya kaya dinugtungan niya ito.
"Don't worry! Just a f-friendly d-date. Uh.. when are y-you free?" Medyo nauutal niyang sabi.
"Uh... I'm not busy these coming days..." sabi ko, medyo naiilang.
"So, you're free on a Saturday?" he asked. Tumango na lamang ako.
"I'll see you this Saturday, then? I'll fetch you at your house," sabi niya.
"Alright. See you!"
See! It's just a friendly date! Don't expect too much! At least, niyaya ka niya makipag date sa kanya. That should be enough for now.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
أدب المراهقينLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...