Chapter 7

81 11 1
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari kagabi at kapag naiisip ko iyon ay lagi akong napapangiti. Ganto na ba talaga kalakas ang tama ko sa'yo?

"So tell me what happened yesterday," ani Grace, tinatanong kung anong nangyari. "Gusto ko lahat lahat ha? Walang kulang."

Ayon, kinuwento ko sa kanya. Lahat lahat. Habang nagkukwento naman ako, panay ang tili ng magaling kong pinsan.

"For real?? Damn! Ikaw na teh!" Sabi ni Grace.

Natawa naman ako don. "Anong ako na? HAHAHA grabe naman yun eh friendly date lang naman."

"Kahit na! Tignan mo ha, based from what you said, wala siyang girlfriend. I mean, nagkagirlfriend na siya. Tapos sinabi niya sayo na single siya," ani Grace. "Tapos, hindi na nga niya mahal si ex kasi may mahal na siyang iba ngayon. And niyaya ka niya makipag date.. meaning... he likes you!"

Umirap na lang ako. "Ako? Magugustuhan niya? Ano namang magugustuhan niya sa 17 year old na ako?"

"You know what Gabbie? Age doesn't matter! I already told you that. Malay mo may nakita siya sayo na nakapag pafall... or tinamaan talaga sayo," sabi ni Grace sakin.

Tumawa na lang ako. "I don't know. We don't know. Wag na lang natin pangunahan ang kung ano man ang mangyayari bukas, sa makalwa, at mga susunod pang araw okay? Baka ma-disappoint pa tayo."

"Kung sabagay, baka kasi pag nag imagine tayo ng mga bagay-bagay tapos hindi nangyari baka ma-disappoint ka nang husto!" Panunuya sa akin ni Grace.

"What are you talking about? I'm not imagining things! I don't expect something from him!" Diin ko sa kanya.

"Hindi nga ba talaga Gabbie?" panunura sa akin.

I sighed. "Hindi nga sabi eh."

"Ikaw bahala.. hindi naman ako ang niloloko mo," she smirked. Hindi ko na pinatulan. Hahaba at hahaba pa ang usapan naming iyon. Biglang tumunog ang cellphone ko. It's Henry who is calling.

  Nag-aalinlangan pa ako kung sasagutin ko ba o ano. Sabi naman ni Grace sakin, "Go! Sagutin mo na! Ito naman napaka pa importante!"

"Oo na eto na oh, sasagutin ko na! Mag-intay ka nga!" Naiirita kong sabi.

"H-hello?" Sabi ko.

"Hello, Gabbie?" Si Henry.

"Oh! Napatawag ka?"

"Nothing. How are you?" si Henry.

"Ahh...eh.. o-okay naman ako.. I-ikaw?" Nauutal kong tanong sa kanya. Damn! Why am I being like this?

"I'm good...by the way, kelan ka ba walang gagawin? Labas ulit tayo," sabi nito.

    Pinag isipan kong mabuti kung anong sasabihin. Syempre! Lalo na't papalapit na naman ang mga tons of works na kelangan naming matapos by the end of the quarter.

"Uh... Hindi ko pa kasi alam eh.. But I think I'll be available on next Saturday," panigurado ko sa kanya.

"Well, see you on next Saturday then?" si Henry.

"Sure!" Then I hung up the phone.

      Isang taon na kaming naghahang out at naging close na rin kami sa isa't isa. Parang naging tropa ko na rin siya. Wala nang hiya-hiya.

     December 25, paskong pasko.  Nagpunta kami sa bahay nina Ate Jen at Kuya Jef para i-celebrate ang pasko. As expected, nandon din si Henry.

"Merry Christmas everyone!" Si Ate Jen. Tuwang tuwa ang lahat at dahil nga close na ako sa kanila ay nag-enjoy na rin ako sa party.

Maya-maya, pasimple akong nilapitan ni Henry. "Merry Christmas Gabb."

Nginitian ko naman siya. "Uy! Merry Christmas din!"

"Can you spare me a minute? I just wanna talk to you," he is serious now. "Yung tayong dalawa lang sana?"

"Uh.. s-sure! Sa labas na lang tayo if you want," sabi ko.

Naglalakad kami papuntang labas. Nung nakalabas na..

"Ano ba gusto mong sabihin?" tanong ko.

"It's been a year since we're hanging out together. And I think this is the right time that I want you to know that..." si Henry.

"That?" Ako.

Umiwas siya ng tingin sakin. "That I like you." Syempre nagulat ako don.

Sobrang awkward. Katahimikan ang bumalot sa aming kapaligiran. I don't know what to say, I don't know what to do.

Tumawa na lang akong pilit. "Ikaw? Magkakagusto sakin? Ano ka ba?" Sabi ko.

"Gusto kitang ligawan," seryosong sabi ni Henry sa akin.

Napaawang ang bibig ko doon. I couldn't even move! Goodness gracious! Come on Gabbie! Say something!

"Y-you w-what? Are you freaking serious?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. He nodded like he's already sure about his decision.

"B-baka naman n-naguguluhan ka lang s-sa mga nangyayari n-ngayon," nauutal kong sabi. Shit! "Baka n-naman-"

Bago ko pa matuloy ang aking sasabihin ay siniil na niya ako ng kanyang nakakalasing na halik. Fuck! I've never been this desperate to kiss someone!

  Sa pagitan ng kanyang mga halik ay sinabi niya sakin na "I've made up my decision. I'll court you and that's final." Pinagpatuloy niya ang kanyang paghalik sa akin.

   Kung alam mo lang, kahit hindi ka manligaw, sasagutin kita. Pero hindi ito tama. Hindi magiging tama kailanman.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon