"Dito ka na matulog," sabi ko kay Henry. "Dito ka na rin mag impake ng mga damit mo para deretso na tayo sa airport."
Tumango naman siya. "Kuhanin ko lang mga gamit ko sa bahay."
I booked a flight ticket for the four of us. Bukas na ang flight namin from Cebu City to Manila. Grace and I packed our things already.
"Uuwi na kaagad tayo? Hmp!" Reklamo ni Grace.
I chuckled. "Couz, don't tell me hindi ka pa nag enjoy sa pananatili natin dito sa Cebu. Don't you miss our friends? Family?"
She rolled her eyes on me. "Duh. Eh mamimiss ko ito! Sabagay, we can come back whenever we want to. But you know what? I'm very happy for you. Makikita na nila ulit si Henry and that way, naku baka kasalan na agad!"
I chuckled and rolled my eyes on her.
Nagpahinga na kami at hindi na gumawa pa ng kung ano ano. The construction is still on going, pero ayos na naman kung hindi na kami mananatili roon. May mga hired engineers and construction workers naman, and we trust them.
Kinabukasan, may kumatok naman sa pintuan. It was Aldrei.
"Ready na ba kayo? Magpapahatid na tayo sa driver ko," aniya. Napatingin din siya kay Henry. Humalukipkip lamang siya. "Didn't expect him to come with us."
Walang imik si Henry. Kitang kita ko na may galit sa mga mata ni Henry the moment na nakita niya si Aldrei.
"Yup. He's going back to Batangas. Ipapaalam na rin namin sa lahat na buhay si Henry. We're ready to take a DNA test if ever na hindi sila maniwala," paliwanag ko. Tumango naman ito. "Tara na?"
Umalis na kami at pumunta na sa airport. I can't believe we're going home! I can't wait to reveal the truth that Henry is alive!
Ilang oras lamang naman ang byahe mula Cebu hanggang Maynila. Bodyguard na lamang ang sumundo sa amin ni Grace, samantalang si Aldrei naman ay sinundo rin ng isa pang bodyguard.
"Magkita na lang tayo mamaya," ani Aldrei. Bakit? Anong meron? "May dinner mamaya sa bahay namin."
Tumango naman ako. "Sure," Aldrei smirked. Umalis na siya.
Bumaling naman ako kay Henry. "Dederetso ka na ba sa bahay nina Tita?"
He shook his head. "Sa bahay muna ako."
"Wow!" Grace was amazed. "You really remember all? Natatandaan mo ba kung saan ang bahay mo?"
Tumango siya at ngumiti. "Yes, but not all. May kaunti pa akong hindi pa naalala. Lalo na 'yung aksidente sa barko."
Grace smiled and hugged him. "That's good to hear, my future cousin!"
I shook my head and rolled my eyes. "Tara na. Henry, sabay ka na muna sa amin."
Pagkatapos noon, pumunta na ako sa condo namin. Bumungad naman sa akin sina Mama at Papa.
"Anak!" Niyakap naman kaagad ako ni Mama. "Welcome back!"
I chuckled. "You missed me so much, didn't you?"
"Oh, kamusta naman ang Cebu?" Tanong ni Mama. "Did you enjoy?"
Tumango naman ako at ngumiti. "Of course, Ma. You were telling me that you're gonna surprise me. What is it?" bumaling na rin ako kay Papa.
Mama chuckled and so as Papa. "Malalaman mo mamaya. Oh my Goodness!"
It's dinner time and napag-usapan nga na kina Aldrei kami kakain. There's an important matter to be talked about, said Mama and Papa. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. It wss a text from Henry.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
Fiksi RemajaLove comes in unexpected ways. Are you willing to take risks to be with someone you love? Gabrielle Ylena Denise Mortera is a 17-year old girl who is the type of girl you want to be with. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagustuhan niya ang isang la...