Ikatlong Kabanata

1.9K 65 5
                                    

"Victoria! Victoria!" Pagalit na sigaw ni Don Francisco habang kinakatok ng malakas ang kwarto ko kaya naman naalimpungatan ako.

"Ho?" Tanong ko habang nakapikit pa rin. Nasa harap na sya ng kama ko.

"Anong ginagawa ni Danilo rito sa mansyon ng ganitong kaaga?" Tanong ni Don Francisco kaya naman ay nagising ang diwa ko at napabangon ng wala sa oras.

"Ho? Si Danilo, nandito?!" Gulat na gulat kong tanong at bumaba sa kama para tingnan sa silid tanggapan.

Nakita ko syang prenteng nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng tsaa na bigay siguro ng kasambahay.

Napatayo naman sya at yumuko. "Magandang umaga, binibini." Nakangiting bati nya.

"Aba't hindi ko akalain na ganito ka pala kaseryoso." Sarkastiko kong tanong. Knowing him, masyado syang mapaglaro at mahangin.

"Victoria!" Saway naman ni Don Francisco. "Hindi ganyan trinatrato ang bisita."

"Don Francisco, maaari ko po bang maanyayahang lumabas si Binibining Victoria ngayong hapon?" Magalang na tanong ni Danilo. Binalewala yata nya ang pagiging sarkastiko ko.

"Umakyat ka muna at magbihis, Victoria. Nakakahiya ang iyong itsura! Ipapaakyat ko na lamang ang iyong agahan. At Danilo, pag uusapan natin iyan." Sabi ni Don Francisco. Napairap nalang ako sa utos ni Don Francisco.

Habang naliligo, iniisip ko kung ano ang mangyayari mamaya. Hindi ko naman kasi nabasa ang buong diary. Iyong kaarawan pa lang ni Victoria ang nababasa ko. Wag lang talaga pumayag si Don Francisco na ipapasyal ako kay Danilo.

"Victoria," bumungad sa bumukas na pinto ng kwarto ko si Don Francisco at Dona Luciana. "Magbihis ka. Aalis kayo ni Ginoong Danilo para mamasyal sa kabayanan."

"Bat ka pumayag, Ama?!" Reklamo ko. Infairness, ang galing ko sa part na yan. Ama daw?

Umaga pa lang ay sira na ang araw ko. Maririnig ko na naman ang kahanginan ng lalaking iyon. Gwapo nga, puro naman yabang.

"Hindi natin maaaring tanggihan ang gusto ng anak ng Gobernador-Heneral. Alam mo naman ang maaaring mangyari diba? Basta may kapangyarihan ka ay kaya mong kontrolin ang tao." paliwanag ni Don Francisco. Ang unfair naman. "Paalala ko lang, wag kang mahuhulog sa kanya. Ayaw ko iyong lalaking iyon para sa iyo."

"Yuck, iww." Naparoll eyes ako kaya naman natigilan ang Don at Doña. "Hehe, sabi nyo nga po." sabi ko habang kumakamot sa batok.

The feeling is mutual, Don Francisco.

•••

Aba't malaki pala ang halaga ng isang libo dito sa 1892. Akalain mo iyon? May karwahe kana? Dapat pala nagwithdraw muna ako bago nagbasa ng diary at makulong sa panaginip na ito. Edi sana feeling milyonaryo na ako.

Magkatabi kami sa magarang karwahe ni Danilo. Cinderella ang peg.


"Saan mo gustong pumunta, Binibini?" tanong ni Danilo sa akin. Kanina ko pa kasi sya iniinsnob.

"Sa bahay." Simpleng sagot ko.

"Saan nga?" Pilit na tanong ni Danilo.

"Ganyan ba kasagad ang kabobohan mo? Sabi ko nga sa bahay!" Singhal ko.

Napailing iling nalang sya. "Siguro kung asawa mo lang ako ay bugbog na ako sa iyo." Sabi nya at napailing iling. "At masyadong matalas ang dila mo. Akala ko pa naman ay isa kang Dalagang Pilipina."

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon