Hindi na ako nakatulog ng ayos mula nang sabihin ko kay Danilo ang totoo sa pagkakulong ko sa panaginip na ito. Kaya naman pagkagising ko kinaumagahan ay napagalitan ako ng Don at Doña dahil sa maitim kong mata. Kesyo hindi daw kaaya ayang tingnan.
Kauma umaga ay may dumating sa mansion na hindi ko inaasahan. Expect the unexpected ika nga.
Hindi ko inaasahang dadating sa mansion si Ginoong Danilo. Ang kulit ng bungo nya no? Pagkatapos ng masakit na rebelasyon ko kahapon ay may gana pa rin syang makipagkita sa akin. Ganoon ba talaga sya kaseryoso?
"Ano na naman ang ginagawa mo dito Ginoo?" Naiirita kong tanong. Nandito kami sa may burol na bahagi ng bakuran ng mansyon. Nakaupo kami sa upuan doon.
"Hindi bat sabi ko sayo, manliligaw ako? Hayaan mong mahalin kita kahit na hindi ka permanente sa mundong ito."
"Tsk. Bahala ka, Ginoo. Ikaw lang rin naman ang masasaktan." Sabi ko at ibinaling sa mga lupain namin.
"Edi masaktan. Dahil kapag mahal na mahal mo ang tao, wala kang pakialam sa sakit na maidudulot nya sayo." Makahulugan nyang pahayag.
"Hindi yan pag ibig," sabi ko sa kanya. "Pagiging martyr yan."
"Kahit na. Basta mahal kita." sabi nya sabay kindat.
Napairap nalang ako sa ginawa nya. Basta ako, binalaan ko na sya sa maaaring dulot ng pagmamahal nya sakin.
"Ano nga pala ang pinagkaiba ng panahon nyo sa panahon namin, Binibini?" Tanong nya. Maigi nalang inilihis nya na ang topic namin. Nakakairita kaya mapakinggan yang "pagmamahal" na iyan.
"Malaki," makahulugan kong sabi. "Dito sa panahon nyo, mahihinhin ang mga tao. Yong mga lalaki, maginoo. Yong mga babae, mahiyain. Malinis din yong kapaligiran nyo."
"Bakit? Ano ba ang mga tao sa panahon mo, Binibini?" Interesado nyang tanong.
"Hmmm.. Yong mga lalaki, walang respeto, maraming bisyo, nalululong sa bawal na droga. Yong mga babae, konti na mahiyain, daig pa ang lalaki sa pagmumura. Hindi bat hindi maaaring makita ng lalaki kahit ang paa lang naman nito sa panahon nyo? Sa panahon namin, kulang nalang maghubad."
Nanlalaki naman ang mata nya. "Grabe naman pala dyan sa panahon nyo." Sabi nya. "Pero kung papipiliin ka, gusto mo pa bang magising dito sa panaginip na ito o manatiling tulog? Kumbaga, saan mo gusto mamuhay, Binibini? Dito sa panahong ito o sa kasalukuyan?"
"Siguro pareho ang maisasagot ko." Sabi ko. "Dito kasi sa panahon nyo, maayos. Nagtutulungan. Masaya. Hindi ka matatakot na maglakad sa dilim, hindi tulad sa makabago, hindi mo aasahan na katapusan mo na pala ngayon. Kasi sa panahon namin? Magulo. Pero kung teknolohiya ang pag uusapan, mas gusto ko sa makabagong panahon. Maagapan ang nakakamatay na sakit--"
"Talaga?" Manghang tanong nya at tumango ako.
"Doon, kaya mong sumulat ng mensahe na isang pindot mo lang ay naroroon na sa papadalhan mo. Hindi aabutin ng ilang buwan ang paglalakbay papuntang ibang bansa. Dito, mukhang aantayin mo nalang ang oras mo kapag nagkasugat kang hindi maagapan. Isang pindot mo lang ang lalawak na ang kaalaman mo dahil sa internet di tulad dito, kailangan mo pang magbasa ng sobrang kapal na libro kapalit ang katiting na kaalaman. Malaya doon, hindi ka didiktahan ng mga Espanyol dahil wala na sila sa panahong iyon."
"Ang galing naman dyan sa panahon nyo!" Natutuwa nyang wika.
"Ikaw, Ginoo? Saan mo nanaising mamuhay?" Tanong ko.
"Ako? Kung pwede lang paghaluin ang panahon natin, sige." Makahulugan nyang wika. "Gusto kong maunlad na kapaligiran. Maraming kaalaman pagdating sa teknolohiya tulad ng sinasabi mo. Mabilisan. Hindi mo kakailanganing gumastos ng ilang buwan sa pagbyahe at pag aaral. Pero, gusto ko, ang mga tao ay galing sa panahong ito. Mahihinhin at maginoo. Hindi ko yata matatagalan ang paglalakad sa labas kung ang mga babae ay ganoon ang suot no?"
![](https://img.wattpad.com/cover/173587576-288-k810001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Fiction HistoriqueRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...