A/N: 6 chapters to go! Vote and Comment 😍
Natigilan sya sa mga sinabi ko noong gabing iyon. Alam ko, natatakot din syang mawala ako.
"Victoria, bangon na.. Aalis tayo." Malambing na tawag sa akin ni Danilo.
Awww.. Ang swerte ko naman sa kanya. Mas naging malambing pa sya sa akin despite ng kalagayan ko.
"Saan tayo pupunta, Danilo?" Tanong ko habang kinukusot ang mata kong galing sa tulog.
"Pinakiusapan ako ni Manang Celia na tayo muna ang mamalengke ng ating kakainin sa maghapon dahil masama ang pakiramdam nya." Sagot nya sa akin nang nakangiti at nakatingin sa mukha ko. "Bumangon kana riyan, ipapasyal kita."
"A-ahh.. Wala lang sayo ang kalagayan ko?" tanong ko habang tinitingnan syang haluin ang gatas at hiwain ang karneng dala nya para sa umagahan ko.
"Napag isip isip ko na, wag kong problemahin ang kalagayan mo." Sabi nya at akmang isusubo ang hiniwa nyang karne para sa akin. "Hindi sa wala akong pakialam, pero hindi ko dapat iniinda ang mga araw mo. Ang dapat kong intindihin ay samahan ka, pasayahin at mas alagaan habang kasama pa kita. Bago ako magsisi na hindi ko nagawa yong mga dapat gawin habang nandito ka pa."
Myhaaart. Ang lambing nyaaa.
"Kumain kana, aalis na tayo." Sabi pa nya.
Isang simpleng baro't saya na naman ang suot ko at simpleng barong lang din ang suot ni Danilo. Sya ang may hawak ng bayong at sa isang kamay naman nya ay hawak nya ang kamay ko. Sabay kaming naglakad sa magulong dagat ng mga taong abala ding mamili.
Namasyal kami habang namimili ng pagkain. Nakakatuwa nga dahil tinatanong nya lagi kung gusto ko bang bilhin yong hawak nya. Lagi nyang hinihingi ang opinyon ko. Natutuwa nga ang ibang tindera sa amin dahil sa pagiging sweet nya.
Nakapamili na kami kanina pa ng gulay at mga prutas. Namimili kami ngayon ng isda at karne. Kanina pa nya hindi binibitawan ang kamay ko kahit na namimili sya.
Ngayon ko lang narealize na ang swerte ko pala sa lalaking ito. Kung wala lang talagang taning ang buhay at ang panaginip kong ito ay ayoko nang magising pa. Willing akong maistuck sa panahong ito basta kasama ko sya. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.
"¡Deje de oo, te dispararé!" (Stop! Or else I will shoot you!) Sigaw ng isang guardia civil at sabay tutok ng baril sa ulo ni Danilo.
Nagkagulo ang mga taong nakakasaksi sa nangyayari ngayon ay ang iba naman ay nagbubulungan.
"¿Quiénes eres y qué diablos estás haciendo? ¿No sabes que soy el hijo del gobernador-general?" (Who are you and what the hell are you doing? Dont you know that Im the son of the Governor-General?) reklamo ni Danilo sa kanya.
Mas lalong lumakas ang bulungan sa nangyayari ngayong nalaman nilang anak ng Gobernador-Heneral ang nakikita nila.
"¡Deje de parar!"(Stop! Stop!) Sigaw ni Carlitos at nakiusyoso sa nangyayari ngunit napatigil din sya nang tutukan din sya ng baril.
"Esto no es de su negocio, Señor. Así que por favor, apague su nariz o más, también lo dispararé." (this is none of your business, Mister. So please stick out your nose here or else i will shoot you too.) Mahinahong pakiusap ng isang guardia civil.
"Ano bang ginagawa nyo? Labag ito sa batas!" reklamo pa ni Danilo habang nakatingin sa bunganga ng baril. Ramdam ko ang galit nya sa pagpisil ng kamay kong hawak nya.
"Utos lamang ng nakatataas." sabi ng guardia civil na nakabantay sa kilos ni Danilo.
Nakatitig naman sa amin si Carlitos. Maya maya ay tumango si Danilo at Carlitos sa isa't isa.
"Lumayo ka, Victoria." nabasa ko sa mga labi ni Carlitos.
"Tatabi ka. Siguraduhin mong hindi ka masasaktan, Victoria." bulong ni Danilo gamit ang pinakamababang boses nya. Tumango nalang ako para hindi na humirap ang sitwasyon.
"Isa, dalawa, tatlo!" Bilang ni Danilo at binitawan ang kamay ko. Natataranta naman akong lumayo.
Tinabig ni Danilo ang mahabang baril na kanina ay tinutok sa kanya ng guardia civil. Hinampas niya ito sa ulo ng guardia civil. Natumba naman ang guardia civil dahil sa biglaang pagkilos ni Danilo. Inibabawan naman nya ang guardia civil na nakahiga at pinagsusuntok hanggang sa maging disabled. Namimilipit ngayon ang guardia civil. You messed with the wrong person.
Si Carlitos naman ay tinadyakan sa maselang parte ang guardia civil na nakahawak sa kanya kanina. Namilipit ito pero sinipa pa nya ito hanggang sa matumba at binugbog hanggang sa hindi na makagalaw.
Inalis ni Danilo ang pawis na nasa noo nya at tinulungan akong tumayo sa gilid. Si Carlitos naman ay nanggigigil pa din sa guardia civil na humawak sa kanya kanina.
"Tandaan nyo itong dalawa ha!" Sigaw ni Danilo sa dalawang guardia civil na nakaengkwentro nila kanina. "Sisiguraduhin kong hindi kayo makakalagpas sa kamay ng batas! Makakarating to sa Gobernador-Heneral at hindi ako makakapayag na walang parusa na ipapataw sa inyo!"
"Sa tingin mo makakatakas na kayo ulit?" Nagulat kami sa isang boses lalaki na nagsalita sa may likod namin.
Si Samuel!
"Hulihin sila!" utos ni Samuel kaya naman magkabilaang hinawakan kami ng mga kasama pa nyang guardia civil. Si Carlitos naman ay pinigilang makalapit sa amin.
"Ano ba, Samuel! Hindi ka pa ba nakokontento?! Tigilan mo na nga kami! Nababaliw kana!" Sigaw ni Danilo habang galit na galit.
"Baliw nga ako. Baliw na baliw sa babaeng di ko makamit." Simpleng sagot ni Samuel sabay tingin sa akin.
"Nagkape kana ba, Samuel? O gusto mo buhusan kita ng isang timbang kape para matauhan ka sa katotohanang hindi kita mahal?" Nangangalaiti kong sigaw kay Samuel.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Hindi na kailangan, Victoria. Matagal na akong gising."
"Bakit mo pa ito ginagawa kung ganoon?!" sigaw ko sa kanya.
"Simple lang, dahil hindi ako marunong magparaya.."
•••
In Ang Diary ni Lola, kapag sinabihan kang baliw, we don't say "baliw sayo yieeeee", we say "Baliw nga ako, baliw na baliw sa babaeng di ko makamit."
Sino kaya ang magkakatuluyan? #DanBecca o #SamBecca? Comment your loveteam HAHAHAHAHAHAHAHA
![](https://img.wattpad.com/cover/173587576-288-k810001.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Historical FictionRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...