Dapit hapon na at nakaupo ako ngayon sa balkonahe ng kwarto ko. Nakaharap ito sa malawak na hardin namin ngunit kita pa rin ang mga taong naglalakad sa labas ng tarangkahan ng mansion namin.Sana na lang maikli lang ang diary ng totoong Victoria Luciana Flores. Pangatlong araw ko palang dito sa 1891 ay buryong buryo na ako. Walang computer, desktop, wifi or phone man lang? Gosh.
May pumasok na magarang karwahe sa tarangkahan ng mansyon at kasalukuyang tumatakbo papunta sa harap ng mansyon. Kundi ako nagkakamali-- SI GINOONG LOUIS DANIELO IYON AH?!
"Binibini!" Sigaw ng aming kasambahay. "Ipinag uutos ni Don Francisco na magbihis ka. Si Ginoong Louis Danielo ay nasa ibaba at muli kang inaanyayahan upang mamasyal sa kabayanan."
Napairap naman ako. Mamamasyal na naman? Wao ha? Ganon pala magseryoso ang mga mapaglarong tao.
Pumunta ako sa pinto upang pagbuksan ang kasambahay. Tinatamad ko syang tiningnan at umaktong may masakit. "Hindi ko kaya, Manang. Masama ang pakiramdam ko."
"Ganoon po ba, Binibini?" Tanong nito. Tumango naman ako. Umalis na rin ang kasambahay.
Bumalik ako sa balkonahe ng kwarto ko. Kakaupo ko lang sa upuan sa balkonahe ko ay may kumatok na naman sa kwarto ko.
Napairap naman ako sa hangin. Kakaupo ko lang eh?
Kakatayo ko lang sa upuan nang magbukas ang pinto ng kwarto ko. Patakbong lumapit sa akin si Danilo, at inilagay ang kamay nya sa noo ko upang tingnan ang temperatura ko.
Gulat na gulat ako sa ginawa nya.
"Ginoong Louis, isang kapangahasan ang inyong ginagawa!" sigaw ni Don Francisco kaya naman napabitaw sya sa akin nang wala sa oras.
"Pasensya na, Don Francisco. Ako ay nag alala lamang sa kalagayan ng binibini." Nakayukong paumanhin ni Danilo.
Lumapit naman si Don Francisco at Doña Luciana sa akin. Niyakap ako ng Don. "Ayos ka lang ba, hija?"
Oww.. Sabi ko nga palang may sakit ako.
Nagpanggap naman akong nanghihina. "Nanghihina ako, Ama. Ngunit wag po kayong mag alala, konting pahinga lamang ang kakailanganin ko upang magbalik ang lakas ko."
"Mahiga ka, Anak." Sabi ni Doña Luciana at akmang aalalayan ako sa kama ngunit tumutol ako. "Hindi na Inay, mas gusto ko pong maupo sa terasa."
"Binibini, ano ba ang iyong nararamdaman?" Tanong ni Danilo.
Napataas naman ang kilay ko. "Doktor ka ba?"
"Nag aaral ako ng medisina, Binibini. Ngayon ay sabihin mo sa akin ang iyong nararamdaman upang malunasan natin." sabi nya. He sounds concern. Infairness, walang halong yabang sya ngayon.
"Wala naman. Nanghihina lang talaga ako. Pasensya na." Sabi ko.
"Maiwan muna namin kayo upang makapag usap." sabi ni Doña Luciana at umalis kasama si Don Francisco.
Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tanungin ng diretsa si Danilo. "Nag aano ka na naman ba dito, Danilo? Ganyan ba talaga kapag nagseseryoso na ang manloloko?"
"Binibini, gustuhin mo man o hindi, gusto kong ligawan ka." ambait nya ngayon ah?
"Hindi bat hinindian na kita kahapon?" Paalala ko sa kanya. Mamaya, mafall talaga yan sakin. E pansamantala lang naman ako dito. Magigising rin ako sa panaginip na ito. Edi dinagdagan ko pa ang populasyon ng paasa?
"Kapag may gusto ka, gagawin mo ang lahat upang mapasaiyo iyon. Nasaan ang seryoso don kung isang hindi mo lang ay tumigil na ako?" Aba, saan galing ang quote nyang iyan?
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Lola
Tarihi KurguRebecca Garcia, ang anak ni Victoria Garcia na susunod na bibiktimahin ni Ginoong Danilo. Matatagpuan nya ang lumang diary ni Lola Victoria na nagmula pa sa 19th Century kung saan nakasaad ang nakaraan nila ni Ginoong Danilo. At dahil may sumpa ang...