Ika Tatlumpu na Kabanata

1.1K 39 4
                                    

Danilo's POV

Simula nang mawala ka, lahat ay nagbago🎶 -(Litrato, Callalily)

Ilang araw na ang lumipas at mas naging malungkutin ako. Hindi dahil naikasal na ang babaeng minahal ko. Pero dahil nangungulila ako kay Rebecca.

Nasasabik nako makita syang muli kahit na alam kong wala nang pag asa at posibilidad. Naalala ko tuloy yong mga araw na sinusungitan pa nya ako at tinatanggihan pa ang panliligaw ko. Mahuhulog din naman pala sya.

Kamusta na kaya si Rebecca sa modernong panahon? Malungkot din kaya sya tulad ko? Naalala nya kaya ako hanggang sa pagtulog at pagkain?

"Danilo? Maaari ba kitang maabala saglit?" nagulat ako nang makita ko si Ama na nakasilip ang ulo sa pinto ng kwarto ko.

"Ano po iyon, Ama?" tanong ko.

"Maaari mo ba akong ibili ng pluma at tinta sa bayan? Wala akong mautusan at kailangan na kailangan ko na dahil susulatan ko ang..." hindi nako nakinig sa mga sumunod na sinabi nya dahil nagbihis nako at sinunod ang utos nya.

NAGLALAKAD LAKAD ako sa bayan habang tinitingnan ang mga paninda ng mga tindahan nang isa isa.

Naalala ko tuloy ang mga panahong lumilibot kami dito ni Rebecca at namamasyal.

"Pasensya na po." nagulat kong paumanhin nang may mabangga akong babae.

Ngunit hindi ko inaasahan na si Doña Luciana at Don Francisco pala yon.

"Magandang Umaga po," bati ko nang makabawi ako sa gulat.

"Ikaw pala, Danilo. Kamusta kana?" tanong ni Doña Luciana.

"Mabuti naman po. Kayo po?" kaswal kong tanong.

"Ayos din naman." sagot ni Doña Luciana. "Kamusta na ang puso mo?"

"Mahal ko pa din po siya." lutang kong sagot.

"Ha? Sino?" maang na tanong ng Doña.

"Si Rebecca po." maikli kong tugon.

"Rebecca?" takhang tanong pa ng Doña.

"Si Victoria."

"Teka lang, Hijo. Ang gulo mo. Ang Rebecca mong tinutukoy ay si Victoria? Paano nangyari yon?" tanong naman ni Don Francisco.

Patay.. Nadulas na. Pero mukhang wala na akong pagpipilian. Kailangan ko nang sabihin sa kanila.

"Si Rebecca at Victoria ay minsang naging isa." panimula ko.

"Si Rebecca ay mula sa lahi ni Victoria na galing sa modernong panahon, ang 2019. Napunta sya sa panahon natin dahil sa isang misyon at nagsimula yon nang ikalabing walong kaarawan nya." paliwanag ko.

"Aaminin kong mas napamahal ako kay Rebecca. Dahil mas higit sya kay Victoria. Hindi sya maarte at mahinhin na mas kinagusto ko. Masungit din sya." pagkwekwento ko pa.

"Ibang iba po talaga sya kay Victoria.  Pinaglaban nya ako sa inyo at kay Samuel. Ngunit natapos na ang misyon nya nang makita kami ng guardia civil sa bakuran nyo nang hating gabi. Hindi ba't nakakapagtaka dahil itinakda nyo na po syang ipakasal sa akin ngunit si Samuel ang pinakasalan nya pa rin dahil sa kagustuhan nyo?"

"Hindi po ako nagluluksa kung naikasal na sya kay Danilo. Malugod ko pong tinatanggap iyon. Ang hindi nga lang malugod sa akin ay nawala na ang babaeng minahal ko na kahit maiksi lang ang panahong nakilala ko sya. Kaya wag na po kayo magtaka kung bakit hindi ako nagluluksa sa pagpapakasal ng anak nyo. Pasensya na po, aalis na po ako." sabi ko at umalis.

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon