Ika Dalawampu't Siyam na Kabanata

1K 39 3
                                    

Writing this chapter while listening to LANY Songs. Aww.. Masaket.

Danilo's POV

Nagkalat na ang mga puti, pula at pink na rosas sa paligid ng simbahan. Mula sa pinto ng simbahan patungo sa altar ay magarbo ang pagkakaayos nito. Alas singko na nang umaga at hinihintay namin ang pagdating ni Victoria at ang mga magulang nya.

"Hindi na ako makapaghintay na makita sya! Nasasabik na akong maging asawa si Victoria!"

"Pasalamatan mo muna si Danilo, Hijo." dinig kong wika ni Don Gabriel.

Inayos ko na ang sarili ko. Nagkunwari akong walang alam. Maya maya ay narinig ko na ang mga mabibigat na yabag ng sapatos mula sa likod ko.

"Danilo," tawag ni Samuel sa pangalan ko sabay hawak sa balikat ko. "Salamat sa pagpaparaya." nakangiti nyang saad.

Tinanguan ko lang sya at ibinalik ang tingin ko sa malaking pinto ng simbahan.

Tama kayo, ikakasal na si Samuel at Victoria.

At ako? Bisita nalang ako dito.

"Alam kong marami akong nagawang kasalanan sa inyo ni Victoria noong una. Sana mapatawad mo ako." sabi pa nya at tumango lang ulit ako.

"Alam kong medyo masakit sayo ang pagpunta dito. Pero asahan mo, Danilo, aalagaan ko si Victoria." wika pa nya.

Ano ba ang nais nyang patunayan? Na mapapangasawa na nya ang babaeng gusto ko? Sayong sayo na yan, Samuel. Naging nobya ko nga si Victoria noon ay mas napamahal naman ako kay Rebecca.

"Nandyan na ang ikakasal!" sigaw sa amin ng punong abala sa kasal. Naglakad naman na ako patungo sa upuan ng mga bisita at pinanood silang pumila habang papasok ng simbahan.

Madaming sikat na tao ang mga imbitado. Naglalakad na sila papunta sa kani kanilang mga upuan.

Pakatapos ay sinara ang malaking pinto ng simbahan upang isurpresa ang mga tao sa pagdating ng ikakasal.

Ilang minuto ang lumipas at nagbukas muli ang malaking pinto ng simbahan at nagpalakpakan ang mga tao.

Nakita ko ang babaeng minahal ko noon, nakasuot ng mamahalin at magarbong traje de boda at may hawak na bulaklak.. Naglalakad papunta sa naghihintay sa kanya sa altar, kung saan ay hindi ako.

Walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Hindi ko matukoy kung malungkot ba, masaya o galit sya.

Hanggang sa nakita nya ako sa gilid ng dadaanan nya papunta sa altar, nalungkot ang mukha nya. Nasa tabi naman nya si Don Francisco at Doña Luciana.

"Samuel, anak.. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang unica hija ko. Nawa'y mahalin mo sya at wag pahirapan." sabi ng Don.

"Mahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal namin." bilin naman ng Doña.

"Asahan nyo po." maikling tugon ni Samuel at inabot na ang kamay ni Victoria at inalalayan sa altar. Ang mag asawa naman ay umupo na sa tabi ko.

"Magandang Umaga! Ngayon ay sisimulan na natin ang pag iisang dibdib ni Ginoong Samuel Dela Cruz at Binibining Victoria Luciana Flores. Inaanyayahan ko na po ang mga taong nais tumutol sa ating seremonya." wika ng pari ngunit kahit anino ay walang tumutol.

"Kung ganoon ay simulan na natin ang seremonya." pagpapatuloy pa ng pari na di ko na naunawaan ang sunod dahil kinausap ako ni Don Francisco.

"Alam kong masakit sa loob mo ang pumunta dito at panooring ikasal ang babaeng mahal mo sa iba." panimula ni Don Francisco ngunit di nya ako tinitingnan.

"Hindi naman po. Pumunta lang po talaga ako dahil naimbitahan." sabi ko.

"Pasensya na kung kami ang nagdesisyon ng tadhana ni Victoria." paumanhin pa nito.

"Ayos lang po." maikling tugon ko.

"Kung hindi man ang anak namin ang nakatadhana sayo ay nawa'y makahanap ka naman ng babaeng higit pa sa anak namin na kayang kayang lagpasan ang pag ibig na ibinigay sayo ng anak ko." wika naman ni Doña Luciana.

Bat pa ako maghahanap kung nahanap ko na si Rebecca? Yun nga lang, iniwan ako dito sa makalumang panahon.

Hindi na kami nag imikan pagkatapos noon at nakinig nalang sa mga sinasabi ng pari. Nag alam nalang ako sa mga nangyayari nang nagbibitawan na sila ng pangako.

"Pangako kong ipapatuloy ko ang prinsesang trato sayo ng mga magulang mo.. ngunit gagawin na kitang reyna ng buhay ko." sabi ni Samuel na ikinatawa ng mga bisita.

"Pangako kong iingatan kita at mamahalin ng lubusan." sabi pa ni Samuel.

"Ako, pangako ko naman na magiging mabuting asawa sayo." sabi ni Victoria ngunit mukhang walang sinseridad.

"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa." sabi ng pari.

Pipilitin kong maging matapang. Hindi ako pipikit. Pipilitin kong maging masaya para sa kanya.

Itinaas na ni Danilo ang belo na tumatakip sa mukha ni Victoria at dahan dahang hinalikan ito.

Masakit..

Nagpalakpakan  ang mga tao kaya naman nakisama ako.

"Palakpakan po natin ang bagong mag asawang Dela Cruz." sabi ng pari.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Mas lalong naging masigabo ang palakpakan na natanggap ng dalawa. Niyakap naman ng mahigpit ni Samuel si Victoria.



NAGKAKASIYAHAN na sa bahay ng mga Dela Cruz at hindi ako pinalagpas ni Don Gabriel na hindi pumunta. Pinapamukha ba talaga nila sakin na talunan ako?

Nasa sulok lang ako ng bakuran ng mga Dela Cruz, nagmumuni muni. Inaalala ang pagtakas namin ni Rebecca sa bahay na ito.

"Danilo.." tawag ng isang tinig sa akin.

Nagulat naman ako ng makita ko si Victoria nang lumingon ako.

"Bakit?" pinilit kong maging kaswal habang kausap sya.

"Salamat dahil nakapunta ka." wika nito.

"Walang anuman." sagot ko na may pilit na ngiti.

"Pasensya na kung hindi kita naipaglaban kay Ama at pinili nalang na sundin sya." paumanhin nya.

"Wala iyon. Naiintindihan ko." sabi ko.

"Nawa'y makahanap ka ng babaeng hindi ka sasayangin, hindi tulad ko. At babaeng mamahalin ka ng lubusan." sabi nya.

"Hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ni Samuel." sabi ko habang pinaglalaruan ang pagkain ko.

"Ako din. Hangad ko ang kaligayahan mo sa bagong mamahalin mo." sabi nya.

"Hindi kita makakalimutan dahil naging parte kana ng buhay ko at ikaw pa lang ang lalaking minahal ko ng lubusan." sabi nya.

"Tanggap ko na ang mga desisyon ko sa buhay. Tanggap ko na na hindi ako ang kasama mo sa pagtanda. Maluwang kong tinatanggap ang kapalaran ko kasama si Samuel. Hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo."

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon