Special Chapter I

1.9K 64 7
                                    


Rebecca's POV

(Scene: Chapter 28)

"Mahal na mahal kita, Danilo. At babaunin ko yon hanggang sa pagbabalik ko sa modernong panahon.." usal ko habang nandito pa ako sa makalumang panahon.

Maya maya ay nawala na ang itim na mga pasa sa katawan ko at tinatangay na ng hangin ang kaluluwa ko papunta sa modernong panahon.

Tunay ngang ang pinakamasakit na pamamaalam ay iyong hindi mo naman ginusto ngunit kailangan.

Habang tinatangay ng hangin ang kaluluwa ko ay naglalabo at hinihigop ako ng paligid.

Hanggang sa napunta na ako sa modernong panahon. Nakatayo ako ngayon sa harap ng kama ko habang pinagmamasdan ang sarili ko na natutulog na may hawak na diary.

Nag usok ang diary, naging itim na abo at tinangay ng hangin. Nagulat din ako nang may biglang sumilyab na apoy sa may likod ko. Nabasag ang picture frame namin ni Danilo at nag apoy ito nang saglit. Nang mawala na ang apoy ay kahit ang bubog ng nabasag na picture frame ay wala na din.

May kung anong enerhiya ang tumutulak sa kaluluwa ko at tinulak ako papunta sa natutulog kong katawan at nag blackout na ang paningin ko.

KINABUKASAN, nagising na ako sa kwarto ko sa modernong panahon. Sayang, umaasa pa naman akong magigising na naman ako sa makalumang panahon.

Bumangon na ako sa kama at tumingin sa labas ng bahay.

"Anak! Anak!" nagulat ako nang kumatok at sumigaw si Mommy sa labas ng pinto ko.

"Bakit po?" tinatamad kong tanong at naglakad papunta sa pinto.

"Tumawag kanina si Danilo kanina, at sinasabing buntis ka at sya ang ama?!"

"Ha? S-sinong Danilo? Yong m-mismong.." hindi ako makapag isip ng maayos dahil pinpoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi ni Mommy.

"Paano ka nakapunta sa panahon nila?! Paano nangyaring nabuntis ka?!" naguguluhang tanong ni Mommy.

"Kumalma ka nga, Mommy. Hindi ako buntis." paliwanag ko at nginitian sya. Pero napawi lahat ng ngiti ko nang sumama ang pakiramdam ng tyan ko at napatakbo sa banyo ng kwarto. Doon ako nagsuka nang nagsuka.

"Anong hindi buntis? Eh ano yan?" naguguluhan pa din si Mommy.

"Mommy, promise! Walang nangyari sa amin ni Danilo! Hindi ko alam kung bakit ganito!" naiiyak kong sagot.

And suddenly, umikot at nagblack out ang vision ko.



"ANAK, gising! Ayos kana?" inalog alog ni Mommy ang balikat ko. Nakahiga ako sa mga hita nya habang nasa kama kami.

"Anong nangyari?" tanong ko at inilibot ang paningin ko.

"Buntis ka talaga sabi ng doktor." sabi ni Mommy. Nakita ko ang doktor sa gilid namin. Ibang iba ang tingin nya sa akin.

"Pero mommy! Trust me, nothing happened between me and Danilo. Magkasintahan lamang kami!" pilit kong paliwanag.

"Misis, siguro po ay wag nyo munang tanungin si Miss. Maaari po bang kausapin ko muna sya?" tanong ng Doktor.

Walang nagawa si Mommy kaya lumabas nalang ito ng kwarto.

Natira naman kami ng doktor sa kwarto. Mukhang iba talaga ang pakiramdam ko sa doktor na ito. Mukhang nagkita na kami pero hindi ko alam kung saan.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo, Rebecca?" tanong ng doktor na sa isang kurap ay nagbago ang anyo nya. Sabi na! Si Jose sya!

"Ipaliwanag mo nga ang mga nangyari, Jose! Paanong nangyaring buntis ako! Walang nagaganap sa amin ni Danilo!"

"Inutos nya sa akin na bigyan ka ng sanggol sa sinapupunan mo na dalawang buwan na." maikling paliwanag nya.

Napanganga ako sa mga sinasabi nya.

"H-hindi ko akalain na nagagawa mo pala iyon.. A-akala ko kay Mama Mary lang mangyayari iyon.." wala akong masabi. Hindi ako makapaniwala.

"Wag kang mag alala, papanagutan nya ang anak nyo sa pamamagitan ko. Hindi kayo maghihirap sa pamamagitan ko."

"Rebecca! Anong sinasabi ng mama mo na buntis ka?! Nasan ang lintik na lalaking iyan! Ilabas mo yan sa akin!" nangangalaiti sigaw ni Daddy.

Sa isang iglap ay bumalik sa pagiging doktor ang itsura ni Jose.

"Daddy, maniwala ka naman sa sinasabi ko! Galing sa makalumang panahon ang nakabuntis sa kanya!" pagpapakalma sa kanya ni mommy.

"Nababaliw kana ba?! Paano mangyayayari yon?"

Nagbago ulit ang itsura ni Jose. Naging itim lahat ang suot nya. Nagulat at hindi makapaniwala si Daddy.

"Sir, ako si Jose. Isa akong anghel na kayang tuparin lahat ng hiling. Humiling si Danilo na magkaroon ng supling kay Rebecca. Wag po kayong mag alala, papanagutan nya ang bata, ngunit hindi nga lang sa personal."

Kawawa naman ang magiging anak namin, hindi nya mararanasang magkaroon ng ama.

"Wag kang mag-alala, Rebecca. Maaari nyo naman syang makausap sa panaginip dahil kapalit iyon ng gusto nya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon