Ika Dalawampu't Tatlong Kabanata

1K 49 6
                                    

Rebecca's POV

"Kamusta? Anong sabi ni Ama at ng Gobernador-Heneral?" Tanong ko kay Danilo pakatapos nilang mag usap sa telepono.

"Nag alala sila. Pero maayos na nang malaman na nila kung nasaan na tayo." Nakangiti naman nitong saad.

Nandito kami ngayon sa Bicol, sa isang mansyon nila. Pantay lang ang estado sa buhay ng mga taga rito. Hindi tulad sa Maynila, gagalangin ka ng lahat. Basta dito, pantay pantay lang ang trato. Walang Don at Doña. Walang Señor at Señorita.

"Nakapunta ka na ba dito,  Binibini?" Tanong ni Danilo habang naglilibot sa bahay.

"Hindi pa." Sagot ko. Sa totoo lang, first time ko dito.

"Kung ganoon? Nais mo bang pumasyal?" Tanong nya pa.

"Kung maaari sana. Ligtas naman tayo, hindi ba?" Sabi ko.

"Oo naman. Mamayang hapon." Paninigurado nya sa akin.

NAKASUOT ako ngayon ng isang simpleng baro't saya na pinaghalong itim at kayumanggi. Lalabas kami ni Danilo ngayon sa bayan upang mamasyal.

Tinikman namin ang iba't ibang putahe at kakanin dito sa Bicol. Sunod ay nanood kami ng mga kumakanta at nang aaliw sa plaza. Todo ingat pa rin kami dahil hindi namin sigurado kung may nakakakilala sa amin dito.

Mas masaya palang mamuhay ng simple, kasama ang mahal mo at malayo sa peligro kesa mamuhay sa karangyaan.

Habang nanonood kami ng mga palabas ay may kumalabit kay Danilo.

"Louis! Hindi ko alam na nandito ka pala? Nagbabakasyon ka ba? Kamusta?" Tanong ng isang lalaking kumalabit sa kanya.

"Ayos lang naman ako, Carlitos. Ikaw, kamusta?" Nakangiting tugon ni Danilo.

"Heto, ilang buwan nalang ay magiging tatay na." kwento ni Carlitos. Napatingin sya sa akin. "Nakoo, may kasama ka pala, Danilo. Sino sya? Asawa mo?" Tanong pa nito.

Napangisi naman si Danilo sa akin. "Ahh, malapit na. Sa ngayon ay nobya ko palang sya."

"Talaga? Ano ang pangalan mo, Binibini?" Tanong ni Carlitos.

"Victoria," maikling sagot ko.

"Ako naman si Carlitos, kaibigan ko si Danilo simula elementarya. Ikinagagalak kong makilala ka, Binibini." Wika nito at hinalikan ang kamay ko. Tumango nalang ako.

Bumaling sya kay Danilo. "Kailan ba ang kasal nyo, Danilo?"

"Dalawang linggo mula ngayon. Nasasabik na nga akong maging asawa sya." amin ni Danilo at namula ang mukha. Ang kyot.

"Pffft. Hindi bagay sa iyong kiligin." Asar naman ni Carlitos. "De bale, ano pala ang ginagawa nyo dito?"

"Nanonood kami. Ipinapasyal ko kase sya dito." Sabi ni Danilo.

"Kung ganoon, maaari ba kayong maimbitahan sa aming tahanan? Tutal ay malapit na ang kasal nyo, kukunan ko kayo ng litrato na magkasama bilang regalo!" nakangiting wika ni Carlitos.

"Mukhang ayos yon, Carlitos a? Tara!" Sabi ni Danilo at sinundan namin si Carlitos.

Simple lang ang bahay nina Carlitos. Mukhang ancestral. Nakilala namin ang asawa nya na ngayo'y kabuwanan na. Nagkwentuhan naman kami saglit.

"Mag ayos na kayo, Danilo at Victoria. Kukunin ko lang ang kamera ko." Sabi ni Carlitos at nawala saglit.

Tinulungan naman ako ng asawa nyang si Salome na ayusin ang buhok ko. Kinulot nya ang dulo nito at inilagay sa harap ng dibdib ko.

"Sobrang ganda mo talaga, Victoria! Bagay na bagay kayo ni Danilo! Nakuu, ang swerte mo sa kanya." Sabi pa nito habang tinitingnan sa salamin ang repleksyon ko.

"Salamat," maikling tugon ko.

"Kahit saglit pa lamang tayong nagkakakilala ay hangad ko na talaga ang kaligayahan nyo ni Ginoong Danilo!" Tuwang tuwa na wika nito.

"Maraming salamat talaga! Kayo rin ni Carlitos, hangad ko ang kaligayahan nyo at ng magiging anak nyo." sabi ko pa.

"Awww, sana maging kasingbait at kasingganda mo ang magiging anak namin!" Sabi pa nito na ikinatuwa ko.

Nakakatuwa lang na may nagiging kaibigan ako dito kahit na hindi naman talaga ako galing sa panahong ito. Kakayanin ko pa kayang umalis dito?

"Halina kayo! Kukunan ko na kayo ng litrato!" tawag samin ni Carlitos.

Pumuwesto kami sa malapit sa bintana at mga mwebles nina Carlitos. Nakaupo kami sa silya habang ang ulo ko ay nakahilig sa balikat ni Danilo habang nakangiti.

"Isa, dalawa, tatlo!" Bilang ni Carlitos at nagliwanag ang buong paligid sa flash ng camera.

Kinunan nya pa kami ng ilan pang litrato. May nakahawak sya sa bewang ko at nakahawak naman ako sa dibdib nya.

Ngayon ko lang narealize na yong naunang litrato namin ay syang nakita ko sa kwarto ko sa modernong panahon. Iyong nakapicture frame.

•••

Kaya ko naman pala tumapos ng isang chapter sa isang oras. Sadyang tamad lang ako mag isip wahahaha. Vote and comment!

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon