Ika Dalawampu't Isang Kabanata

1K 43 3
                                    


Isang linggo na ang nakalipas nang pagbantaan kami ni Samuel. At sa mga paglipas ng araw ay lumalala ang mga problema namin.

Tinuturuan ako ni Doña Luciana na magluto ng iba't ibang mga putahe nang biglang dumating ang isang kasambahay namin.

"Doña Luciana! Señorita Victoria! Dumating po nang biglaan si Ginoong Danilo. Nasa sala po sya at hapong hapo." Sabi samin ng kasambahay.

"Pakidalhan mo nalang sya ng tubig." Sabi ni Doña Luciana. Inutusan din ako nitong kausapin si Danilo sa sala upang alamin ang nangyari.

Lumabas na ako ng kusina at nagtungo sa silid tanggapan ng mansyon namin. Nakita ko syang nakaupo sa sala. Hindi nga maayos ang pakaupo nya e. Nakasandig sa sopa at bahagya pang nakabukaka kaya para syang lantang gulay na pawis na pawis.

Kinuha ko ang pamaypay na pantakip ko sa mukha na nasa bulsa ko at pinaypayan sya.

"Ano bang nangyari sa iyo, Danilo? Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong si Samuel ang may kagagawan ng mga problemang dumadating sa atin. Mukhang tinotoo nya nga ang mga banta nya, Victoria!" Natatarantang sagot ni Danilo sabay tingin sa mata ko.

"Namimili ako kanina ng rosas sa palengke bago tumungo dito. Naglalakad na ako sa magubat na bahagi ng hacienda nila nang makita ko syang may hawak na kutsilyo sa may tarangkahan ng mansyon nila at nakatingin ng masama sa akin!" Sumbong pa nya na ikinakaba ng puso ko.

Ang dating mabait na Samuel noon ay sumasama na ngayon. Maigi nalang talaga hindi ko sya pinakasalan. Baka patayin pa nya ako, hindi na lalo ako nagising sa panaginip na ito.

"Hinabol nya ako ng kutsilyo kaya naitapon ko ang mga rosas na binili ko sa sobrang taranta at tumakbo ng mabilis upang hindi nya ako maabutan. Nakarating kami sa tulay ngunit hindi na nya talaga ako naabutan." paliwanag pa nya. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Samuel sa kabila ng kabaitang ginawa nya sa akin.

"Victoria, baliw na si Samuel! Baliw na syaaa!" Napaparanoid nyang sabi. "Alam kong sya din ang dahilan ng pagkamatay ng mga kabayo namin sa kalesa at pag gasgas nito. Mukhang gumaganti syaaa!"

"Kailangan nating pansamantalang umalis dito. Ayokong mapahamak tayo, Victoria! Kailangan nating magpakalayo muna bago nya makitil ang buhay natin! " Sabi pa nya at desperadong hinawakan ang kamay ko.

"Paano? Alam kong hindi tayo papayagan ni Don Francisco at ng tatay mo." Paliwanag ko sa kanya.

"Magtatanan tayo."

ALAS NUWEBE na ng gabi. Nakapatay na ang mga ilaw sa buong mansyon. Na hudyat na ng pagtanan namin ni Danilo.

Maluwag naman ang seguridad sa hacienda namin kaya alam kong hindi kami mahuhuli. Pulidong pulido pati ang planong inilahad ni Danilo sa akin.

Pinaliit ko ang sindi ng gasera sa kwarto ko. Marahan kong binuksan ang bintana ng kwarto ko at tinali ang mga kurtina dito. Nasa ibaba si Danilo upang saluhin ang gamit ko. Sampung pares lang naman iyon ng mga baro't saya at konting gamit pambabae.

Nakaempake din sya kanina pa. Dahan dahan ko namang tinapakan ang mga buhol na ginawa ko sa mga kurtina at mapayapa naman akong nakababa sa lupa.

Hinawakan naman nya ang kamay ko at sabay naming tinahak ang likod ng bahay namin. Dito kami dumaan sa likod ng bahay. Tinulungan nya akong iakyat sa pader na mababa lang naman. Pagbaba namin ay kalsada na sa intramuros. Nakabalabal naman ako at sya naman ay nakasombrero. Sabay naming tinahak ang daan palabas ng intramuros.

"Sya nga pala, saan tayo sasakay, Danilo? Lalo na't hindi nila alam ang pagtatanan natin. Baka isumbong nila tayo!" pag aalala ko. Sinabi naman nyang iimpormahin nya ang mga magulang namin at sasabihin ang dahilan ng biglaang pagtatanan namin.

"Nakipagkasundo ako sa namamahala ng barkong sasakyan natin. Binayaran ko sya at nangakong lihim lang ang ating pag alis kaya halika na!" Sabi nya at hinila ako sa isang kalesang pinara nya kanina.

•••

Hiii mga reaaadeeers koooo. May mga nagrerequest na mag update agad ako but ayown, wala tayong wifiii kuleeet.

Pero etoooo naaa, mag uupdate na ako. Hmmm, siguro weekly. Any day of the week. At depende kung may mga naidadraft agad ako. Medyo busy dahil Grade 10 na. Kaya hindi ako magsasabi ng sched kung kelan. Basta abangan nyooo! Ilang chapters nalang tayo. May wifi station kase akong nakita sa tapat ng school. Half day naman ang shiift ko kaya, abangaaan nyooooo!

Ang Diary Ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon